Shoot 11 "Meeting you"

66.2K 3.4K 647
                                    

"Dani!" Napakunot ang aking noo at tinalukbong ang kumot sa aking mukha upang hindi ko na muling marinig ang malakas na sigaw ni mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dani!" Napakunot ang aking noo at tinalukbong ang kumot sa aking mukha upang hindi ko na muling marinig ang malakas na sigaw ni mama. "Dani! Bumangon ka na riyang bata ka! Wala na tayong stock ng pagkain sa fridge! Mag-grocery ka na!"

Ano ba 'yan! Si mama naman kung makasigaw, ang aga-aga pa naman. At isa pa, nagpuyat ako kagabi dahil sa School war na naganap. "Daniii! Tanghali na! Kapag hindi ka bumangon diya ay bubuhusan kita ng tubig! Malilintikan ka talaga sa aking bata ka!"

Mabilis akong napabangon ng kama at kumakamot sa ulong tumayo. "Eto na! Bumangon na!" Ganti kong sigaw, kung makautos naman si mama na mag-grocery ay akala niya yata ay mauubusan lagi ng stock sa mall.

Kumakamot ako sa ulo na bumaba at tumungo sa kusina. "'Wag mo akong pinagdadabugan na bata ka, bilisan mong mag-almusal at mag-grocery ka na." Sabi ni mama at inihain ang aking pagkain. Grabe 'tong si mama, nagkakamot lang ng ulo ay nagdadabog na agad?

Mabilis akong kumain at naligo. Simpleng puting T-shirt lang ang sinuot ko na may tatak na 'Rock On' na text. Maiksing hapit na short din ang suot ko, yung normal na pang-alis lang. Hindi naman ako yung tipo ng babae na aalis lang ay ang dami pang abubot sa katawan ang inilalagay.

"'Ma alis na ako," paalam ko at inabutan ako ni mama ng listahan na dapat bilihin at pera. "'Ma, penge din akong pera. May bibilhin din ako."

Sumimalmal si mama pero inabutan din naman ako ng pera.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa kanto upang mag-abang na dadaan na jeep, wala pang ilang minuto ay mayroon na agad na dumaan. Nakarating ako sa mall at manghang-mangha ako sa aking nakita.

Ang buong mall ay napapalibutan ng pulang bandiritas at pulang mga flags sa paligid. Isang malaking tarpaulin pa ang nakalagay.

Red Ember University dominated the first school war!

Yup, unfortunately, natalo ang school namin. We're the last school na nakalaban ng Red Ember pero at the end, natalo kami. Pero no regrets naman dahil alam kong ginalingan naman nila Thatjerk, hindi naman nilang gustong matalo ang school namin.

Malalakas naman talaga ang mga taga-REU dahil nasa kanila ang top three players. Hindi rin biro ang skills nila.

Habang naglalakad ako ay napapaikot talaga ang paningin ko sa buong paligid, para bang dinala ako ng buong paligid sa mismong School War Online. It's been celebrated kahit sa totoong buhay.

Habang naglalakad ako ay biglang nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa kung kaya't dali-dali ko itong kinuha.

"Nabalitaan mo na ba Dani kung sinong nanalo sa school war, ha?" Medyo inilayo ko sa aking tenga ang aking cellphone dahil sa lakas ng boses ni Jace na akalay mo ay nasa kabilang mundo ang kausap.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon