Shoot 65 "Graduation Day"

70.9K 3.6K 1.9K
                                    

REAL WORLD

Isang linggo na ang nakakaraan simula nung natapos ang isinagawa naming quest. Tama nga si Armando, it became a new start for the whole school war world.

Unti-unting nawala ang alitan sa pagitan ng limang paaralan. Pinangatawanan namin ang title na 'peace maker' para maiayos ang lahat. Nung nakaraan lamang ay malaya akong nakapasok sa WKA at nalibot ang paaralan nila, it's such a fun experience.

"So, Sophia, what do you think?" Tanong ko kay Sophia at ipinakita ang dalawang polo. Isang kulay asul at isang kulay itim.

Tiningnan ni Sophia ang mga polong ipinakita ko sa kanya. "Parang kahit ano namang yata iregalo mo ay matutuwa si Raydin, eh." Sabi niya.

Ibinalik ko sa rack ang dalawang polo. "Masyadong common na ang ganitong graduation gift, 'wag 'to." Sabi ko sa kanya at naglakad-lakad pa kami.

"Alam mo, magtatatlong oras na tayo rito sa mall. Wala ka pa ring napipili," umupo si Sophia sa isang upuan at minasahe ang kanyang hita. "Ang sakit na ng paa ko, may paltos na nga yata, eh."

Na-guilty naman ako dahil sa sinabi niya kung kaya't hinayaan ko lang na magpahinga kami for a couple of minutes. "Are you happy? Ga-graduate na si Raydin." Nakangiting sabi ni Sophia.

"Super. Sobrang proud ako sa kanya,"

"It's funny how the time goes by. Parang dati lang ay magkaaway pa kayo ni Raydin. Parang salot sa lipunan ang tingin ninyo sa isa'y-isa noon e." Natawa ako sa kwento ni Sophia but it's the truth.

Hindi ko alam kung paano napunta sa pag-ibig ang inis na nararamdaman ko."Bakit ako lang ang ginaganyan mo? May progress na rin naman kayo ni Mateo, ha!" Ako naman ang nanukso sa kanya.

"Mukha niya, may kasalanan pa nga sa akin ang mokong dahil in-indian niya ako nung isang araw. May date dapat kami." Reklamo niya sa akin kung kaya't napatawa ako. I don't know if they like each other or what. Ang dalas nilang mag-away but I found it cute.

Wala akong napili na damit na ireregalo kay Raydin pero ni-suggest ni Sophia na relo na lang daw ang iregalo ko tutal ay nagagamit iyon sa trabaho ni Raydin. Sa tingin ko naman ay magugustuhan ni Raydin iyon. I decided to chose a black watch bilang panregalo.

"Sa tingin mo, magugustuhan niya ito?" tanong ko kay Sophia habang pinagmamasdan ang gift box na aking hawak.

"Naitanong mo na sa akin 'yan, pangpitong beses na 'yan, Dani," bagot na sabi ni Sophia na parang sawa na siyang marinig ito. "Oo, magughdtuhan ni Raydin iyan." She assured.

Bandang hapon ang graduation ceremony kubg kaya't on time lang ako makakarating kapag bumiyahe kami papuntang school.

SWO Friends GC

Jace: Where are you guys?

Mateo: Nandito na ako sa Hall, malapit na raw mag-start ang ceremony. Bilisan ninyo.

Sophia: reserve ninyo kaming upuan.

Jace: may bayad, 50.

Danica: kapal mo. Mukha ka talagang pera. 🙄

Jace: 50 lang e.

Ericka: on the way na 'ko, medyo traffic malapit sa school. 😭

Danica: bakit ba kasi lahat tayo, manunuod pa? 😂😂

Mateo: he's my boss. Support lang.

Ericka: same reason. He's our boss since the first day. 😂

Sophia: hoy naiinis si Dani. Katabi ko lang. 😂😂

Danica: kapal mo, Sophia. 🙄🙄

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon