Shoot 21 "Memorable Day"

64.2K 4K 1.6K
                                    

"Okay, class dismiss," sir Ramos said at nagsimula na kaming tumayo upang iligpit ang aming gamit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Okay, class dismiss," sir Ramos said at nagsimula na kaming tumayo upang iligpit ang aming gamit. "Dani, pakibura itong sulat sa board and dalahin mo sa faculty ang eraser."

Kung mamalasin ka nga naman, ako pa ang nautusan na magbura ng mga sulat sa board. My classmates leave one by one. "Dani, mauna na akong umuwi may quest pa akong ginagawa." Jace said. This past few days ay busy rin siya sa pagpapa-level sa SWO dahil kasali na naman daw siya sa susunod na war.

Hindi ko maintindihan si Jace kung bakit sa SWO lang umiikot ang buhay niya and hindi niya gustong makipag-socialize sa personal sa ibang tao. Well, may mga kaibigan siyang gamer. Naglalaro din naman ako ng SWO pero madalas din kaming gumagala ni Sophia sa totoong buhay, minsan ay gumagala din kami nang mga highschool friends. Si Jace, minsan na lang kami magkasama simula nung nagkaroon ng SWO.

"Go lang, kaya ko naman umuwi na mag-isa." Sabi ko sa kanya at muling ibinaling ang tingin ko sa board. Nagpatuloy akong nagbubura.

"Sure ka?" Tanong niya.

"Yes," tumingin ako sa kanya at ngumiti. "College na ako, marunong na ako umuwi mag-isa."

Lumapit si Jace sa akin at ginulo ang aking buhok. "Alam ka po, pero ibinilin ka po ni tita sa akin. Mag-text ka kapag nakauwi ka na." Huling sinabi ni Jacw before he bid a good bye.

"Siraulo talaga." Sabi ko sa sarili ko at inayos ang aking buhok. Pagkabura ko nang mga sulat sa board ay saglit akong pumunta sa bintana upang itaktak at mawala ang mga chalk dust nito.

Palabas na ako ng classroom at saktong nakasalubong ko si Sophia. "Sophia! Anong ginagawa mo rito sa College of Science?" Tanong ko sa kanya.

Itinuro niya gamit ang kanyang nguso ang mga test papers na dala niya. "Nautusan ako magdala nito sa math faculty." Sagot niya sa akin. "Hoy, Dani, mag-o-online ka mamayang alas-siete ha!" Sabi niya.

Napakunot ang aking noo kasi wala naman akong ibang pinagsasabihan tungkol sa pagkikita namin ni Darkshadow mamaya. "Paano mo nalaman na dapat akong mag-online sa ganoong oras?"

Sabay kaming naglakad ni Sophia dahil parehas naman math faculty ang pupuntahan namin. "It's a secret," she said habang hindi nawawala ang malawak na ngiti sa kanyang labi. "Swerte mo girl!"

Dahil sa ginagawang pagpaparinig ni Sophia sa akin ay lalo akong kinabahan sa kung anong mayroon mamayang gabi. Bakit parang may alam siya na hindi ko dapat malaman?

Parang natatakot tuloy akong mag-online dahil sa pakulong sinasabi ni Darkshadow. Isa pa 'yon! Hindi ko maintindihan ang lalaking iyon, sobrang unpredictable nang mga susunod niyang actions.

"Sabihin mo na kasi kung anong mayroon mamaya!" Pangungulit ko kay Sophia. Parang marami talaga siyang alam, Did Darkshadow secretly planned everything? Bakit wala akong alam!

I know it's just a game pero the way they act ay parang totoong magiging kami ni Darkshadow. Wala akong alam sa mga mangyayari.

Binigay ko na ang eraser kay sir Ramos at hinintay ko na rin si Sophia. Saglit lang kaming nakapagkwentuhan na dalawa dahil may susunod pa siyang klase.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon