Shoot 60 "New Quest"

61.6K 3.1K 560
                                    

Majesty leveled up!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Majesty leveled up!

Napabuntong ako ng hininga matapos kong mapatay ang isang monster na level 83. Hindi ko inaasahan na lalakas ako ng ganito sa SWO, hindi ko in-expect na magiging adik ako sa larong ito.

"Nice one, Majesty!" Sabi sa akin ni Katana. "Maybe, we should take a rest. Kanina pa tayo nagku-quest." Dugtong niya pa.

Kasama ko sa quest sina Bluequeen, Thatjerk, at Katana. Wala si Darkshadow dahil busy siya sa pagko-codes sa Indio Online. Speaking of that game, ilang buwan na lang ay mari-release na ito sa market so it's a bit pressuring for Raydin. He need to make sure na walang magiging bug or error kapag nilaro ang Indio Online.

Umupo kami sa lilim ng isang malaking puno. "Kailan ninyo balak magpa-enroll?" Tanong sa amin ni BlueQueen. Oo nga pala, we're all studying at Northford University.

"Kayo ba, kailan?" Tanong ni Katana.

"Next friday na tayo magpa-enroll? Kailangan ko rin bumalik sa school para ayusin ang scholarship ko." Sabi ni Thatjerk. We all agreed na sa friday na lang bumalik ng school at sabay-sabay na lang kami.

Lucky is now online!

Isang message ang nag-pop up at na-excite ako bigla. Matagal-tagal na nung huling nag-online si Lucky. I am glad that she's back pn the game.

Majesty: Lucky! Welcome back!

Lucky: Oo nga e, ang tagal na nung huling online ko e.

Majesty: Punta ka rito.

Lucky: Nasaan kayo?

Majesty: Nasa Mt. Ignis kami, nagku-quest. Kasama ko sila Katana.

Lucky: Wow, nandiyan na agad kayo? Puro malalakas kalaban diyan ah! Pero sige, teleport na 'ko papunta diyan.

"Guys, ilang basilisk pa ang kailangan nating patayin?" Tanong ni BlueQueen sa amin. Killing 500 basilisks is our quest, sa dami ng kailangang patayin ay mapapa-level up ka talaga.

"312 pa." Sagot ko.

"Tara, Thatjerk, pumatay pa tayo ng Basilisk  dahil parehas naman tayo na magle-level up na." Pag-aaya ni BlueQueen kay Thatjerk. Sumama naman si Thatjwrk dahil gusto na niya raw matapos ang quest. Gusto na niya ring bumalik sa family room upang magpahinga.

Pagkaalis nila Thatjerk ay isang puting liwanag ang sumilaw sa aking mata. Nawala ang kinang nito at iniluwa nito si Lucky. Napatayo kami ni Katana at yumakap sa kanya. "Ang tagal mong nawala, Lucky! Na-miss ka namin!" Sabi ni Katana.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon