Shoot 1 "New Game"

137K 4.4K 1.5K
                                    

"Dani! Dani!" Malakas na sigaw ni Jace habang pilit na humahabol sa akin sa paglalakad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dani! Dani!" Malakas na sigaw ni Jace habang pilit na humahabol sa akin sa paglalakad. Binilisan ko ang paglalakad dahil paniguradong kukulitin niya na naman ako patungkol sa mga online games. "Nakita mo ba yung news kaninang umaga?!"

Tuluyan na siyang nakahabol sa akin at inalog-alog niya ang balikat ko dahil sa pagka-excite niya. Napahawak ako sa aking tenga dahil sa lakas ng boses ni Jace, akala niya yata ay nasa kabilang building ang kanyang kausap.

"Tungkol ba 'yan sa bagong game na nakaka-release lang kaninang umaga?" Tanong ko sa kanya.

If I'm not mistaken, ang tawag sa larong iyon ay School War Online. It's the most anticipated game of the year para sa mga gamers. Ako? Wala akong ideya sa larong iyon, I don't know how it function or how it should be play.

Naglalaro ako ng mga online games pero hindi naman ako ganoon kaadik, 'di gaya nitong si Jace na ang buong buhay niya ay umiikot sa online game, obvious naman.

"Finally! Na-release na ang SWO!" He shouted happily at napatingin sa amin ang ibang estudyante habang naglalakad kami tungo sa classroom. "Available na siya sa US pero next week pa siya magiging available dito sa Pilipinas, excited na ako! Ang tagal kong pinag-ipunan ang game na iyon."

"Bibili ka?" Tanong ko sa kanya.

Saglit siyang napatigil at napatingin sa akin. "Anong KA? Bibili TAYO. Sasamahan mo akong pumila and sabay natin lalaruin ang larong iyon." Pagdedeklara niya.

"Wala akong pera, at isa pa, sabi ko naman sa'yo magki-quit na ako sa pag-ge-game, bumababa ang grades ko," Sabi ko, pumasok kaming dalawa sa classroom. Pumwesto kami sa pinakalikod at magkatabi kaming umupo.

"Bumababa? Heck! You're still running for Cum Laude. Hindi nga bumababa sa Dos ang grades mo e. Hindi kagaya ko, tres is life." Tinaas-baba niya ang kanyang kilay na ipinagmamayabang niya na parati siyang pasang-awa sa mga subjects namin.

"Huwag mo akong igaya sa'yo," naiiling kong sabi at inilabas ko ang notes ko para sa subject naming calculus. Mayroon kaming quiz mamaya kung kaya't kinakailangan kong mag-review.

Kinulit pa rin ako ni Jace patungkol sa School War Online ngunit tumigil din nung mapansin niyang hindi na ako nakikinig sa mga sinasabi niya.

It becomes a normal day, normal lang ang nangyari ngayong araw, pywera na labg sa sobrang pangungulit sa akin ni Jace patungkol sa pagbili namin ng laro na sinasabi niya.

Jace is my childhood friend, magkalapit lang ang bahay namin nung elementary kami, ngunit nag-move out kami nung nag-highschool na ako at nawalan ako ng koneksyon sa kanya. Pero ngayong nag-college kami ay muli kaming naging magkaklase at naibalik namin ang closeness namin kagaya nung mga bata pa kami.

If there's one thing na napagkakasunduan namin, that is online games. Pero gaya nga nang sabi ko kanina, hindi ako ganoon kaadik unlike Jace.

Habang naglalakad ako palabas sa school ay napadaan ako sa basketball court at napansin kong ang daming  bilang ng tao ang nanunuod sa court ngayon. Hindi naman ganito karami ang nanunuod kapag practice game ah.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon