Shoot 56 "Unexpected Lie"

65K 3K 536
                                    

"Siguro naman, hindi na kayo maghihiwalay na dalawa niyan?" Sabi ni Katana sa akim habang magkakasama kami sa iisang quest

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Siguro naman, hindi na kayo maghihiwalay na dalawa niyan?" Sabi ni Katana sa akim habang magkakasama kami sa iisang quest. Hindi naman ito mahirap na quest, errand quest lang ito na kailangan mangolekta ng mga mafia boss rings. Nagiging matagal ito dahil mahirap itong mahanap at pare-parehas kaming eto ang quest.

Nagkabalikan na rin kaming dalawa ni Darkshadow since tapos na ang school war, we don't need to act anymore. Ang nakakapansisi nga lang, bumalik sa level 1 ang couple level namin na dating max level. May ilang skill ang nawala dahil doon.

"It just a plan, hindi naman talaga kami naghiwalay," sabi ko kay Katana. "Siya nga ompala, ilang araw ng 'di nag-o-online si Lucky, ha?" Tanong ko kay Katana.

May isang mafia member ang nagtutok ng baril sa amin mula sa ikalawang palapag, akmang babarilin ko ito pero bumulagta na ang katawan nito sa sahig. Nauna na si Raydin na patayin ito.

Itinuloy namin ni Katana ang pagkukwentuhan habang ginagawa ang misyon. "Sabi sa akin ni Nanay Rita, nakalabas na daw si Lucky sa ospital dahil bumubuti na ang kanyang kalagayan. Maybe, Lucky is enjoying her time sa real world." Mahabang litana ni Katana and I agreed with that.

Isang taon din naman ang inilagi ni Jane sa ospital. Kung ini-enjoy niya man ang buhay niya outside the game, deserved niya 'yon, she deserved to be happy.

Itinuloy namin nina Thatjerk ang quest, inabot din kami ng isa't kalahating oras bago namin nakumpleto ang mga items na kailangan para sa misyon. Matapos ang misyon ay agad din kaming bumalik sa BWU para mag-report sa ginawa naming quest.

Kakaiba ngayon ang ayos sa BWU na pinangunahan ng mga estudyante na miyembro ng school commitee. Ang lahat nang bumubuo sa school commitee ay mga estudyante o player din sa BWU.

Sa pagpasok pa lang namin ng school gate ay may mga banderitas na pula nang nakasabit sa mga lighpost. There also some stalls na nagbebenta ng mga chocolates and of course, you will see all the couples holding their hands while walking. It's the month of love.

"Walang forever, next month magbe-break din kayo," narinig kong mahinang bulong ni BlueQueen kung kaya't natawa ako.

"Bitter na bitter ka, ha!" Mahiba kong hinampas ang kanyang braso.

"Hindi naman, I am just stating the fact. Bakit tuwing Valentines lang sila nagbibigay ng mga chocolates and flowers? I mean, hindi ba nila pwedeng araw-arawing ang araw ng Pag-ibig? Mga--"

Tinakpan ko ang kanyang bibig dahil G na G na si Bluequeen. "Okay na, kalma ka na." Natatawa kong sabi.

"Sasali ba kayo sa Valentines event dito sa SWO" tanong sa akin ni Katana.

"Mukhang pass muna, bumaba ang couple level namin sahil sa break up. Paniguradong matatalo lang kami. Ke'sa matalo kami, hindi na lang kami sasali para less kahihiyan." Paliwanag ko kay Katana at napatango-tango naman ito.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon