Shoot 44 "Meet up Planning"

62.9K 3.4K 625
                                    

"Dani, in my office, now

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dani, in my office, now." Sabi ni Raydin pagkapasok niya sa building at dire-diretsong naglakad papunta sa office niya.

Nagkatinginan kami nila Cherry. Alam ko naman ang dahilan kung bakit niya ako gusto kausapin, dahil iyon sa nangyaring gulo sa pagitan namin ni Celine.

"Sabihin mo lang ang totoo, Dani," sabi sa akin ni Rose at ngumiti ako sa kanya.

"Sabihin mo, jollibee lang si Celine, pabida!" Dugtong ni Cherry kung kaya't natawa ako.

Tumingin muna ako sa repleksyon ko sa salamin at inayos ang ilang hibla ng aking buhok na kumawala sa aking pagkakapusod. I breathe in and breath out. Dani, wala ka dapat ikabahala dahil wala ka naman talagang ginawang masama.

Pagkapasok ko sa office ay nakaupo si Raydin sa swivel chairnniya habang diretsong nakatingin sa akin.

"What? Akala mo ba talaga magagawa ko iyon kay Celine? You know me, Raydin. Hindi ako gagawa ng ganoong klaseng eksena," Hindi ko maiwasang ipagtanggol ang sarili ko dahil sa inis.

Sa oras na makita ko ulit si Celine, tototohanin ko na ang pagbuhos sa kanya ng kape. Kung gusto niya yung bagong kulo pa para mas makatotohanan. Ang lakas manira ng reputasyon.

Raydin's still looked at me with blank expression. Pumamewang ako. "What?! You're still not believin' me? Check the CCTV." Iyon ang pruweba na puro kagaguhan lang ang ginawang arte ni Celine.

A seconds later ay tumawa si Raydin kung kaya't ako naman ang napatahimik. "Sa tingin mo ba ay kakausapin kita about kay Celine? I will ask about your trip in Pangasinan. Silly." Naiiling niyang sabi at pumrente nang upo.

"You're not angry at me? Hindi mo ba ako kagagalitan about sa nangyari sa amin ni Celine?"

"No, Celine has a bad reputation on our school so why would I believe her?" Paliwanag ni Raydin sa akin.

"E ba't pinalabas mo pa ako kanina?" Inis kong tanong.

"Dahil alam kong susugurin mo si Celine and you will pull her hair kung mananatili ka pa doon kaya naman pinalabas na muna kita." Yeah, ganoon talaga ang muntik ng mangyari kanina.

"Hindi ka galit sa'kin?"

"Nope," Sagot no Raydin at binuksan na ang computer niya. "Now get back to work and kwentuhan mo ako kung ano ang nangyari sa trip ninyo sa Pangasinan."

***

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon