Shoot 30 "Meeting you"

62.9K 3.2K 4.6K
                                    

"It's nice to meet you personally

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"It's nice to meet you personally... Majesty," isang boses ang akig narinig mula sa aking likod. Para bang may gumapang na kaba sa aking katawan, eto na ba si Darkshadow?

Bumuntong hininga ako at dahan-dahang lumingon, I see him. He's standing wearing a blue polo shirt and a brown pants. Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha, nabigla ako nung makita si Darkshadow.

"M-Mateo?" Mahina kong bulong sa aking sarili. He just smiled on me at naglakad papalapit sa akin, nakatingin lang kami nang mata sa mata sa isa't-isa.

"What a small world," sabi ni Mateo sa akin. "Sabi ko naman sa'yo, aksidente ang una nating pagkikita pero ang mga sumunod nating pagtatagpo... It's fate."

Naguguluhan ako hanggang ngayon, hindi ko makita na ang isang mabait, palangiti, humble na si Mateo ang nasa likod na katauhan ni Darkshadow. Si Darkdhadow ay masungit, arogante, nakabusangot parati. Malayong-malayo kay Mateo, it doesn't make sense at all.

"Paano naging ikaw si Darkshadow?" Tanong ko. "Parati kang nasa basketball practice, wala kang time mag-online." Sabi ko. Is it a prank?

There's a small part of me na hindi naniniwala na siya si Darkshadow pero naniniwala rin akong siya si Darkshadow. Si Darkshadow lang ang nakakaalam na dito kami magkikita na dalawa.

"Hindi mo ba pansin? Madalas akong online kapag gabi at weekends 'coz that's my free time," sabi niya sa akin. Oo nga naman. "I still can't believe that it's you, sa dinami-rami nang tao sa Pinas ay patuloy na nagkukrus angvlandas natin."

Natawa naman ako, I know, kapag nalaman ito ni Sophia ay maging siya ay magugulat. Darkshadow and Mateo have a different personality pero iisang tao lang sila.

"Let's go?" Tanong niya sa akin, mukhang nahalata niya ang pagtataka. "h'wag ka nang mag-alinlangan. I know it's quite shocking." Sagot niya at ngumiti sa akin.

Naglakad kaming dalawa papasok ng mall Upang bumili ng panregalo kay Mr. Tiu. Maraming napapatingin sa among dalawa habang naglalakad kami sa mall, specifically, kay Mateo. He's good looking, he's a boyfruend material.

Inakbayan ako ni Mateo at napayuko ako upang pigilan ang aking pagngiti. This is so surreal. Mateo is my big crush simula nung nag-college ako. Masaya na nga ako dati na nakikita ko lang siya sa malayo o kahit maglaro ng basketball.

Ngayon, parang dahil sa SWO ay mas pinaglapit kaming dalawa. Eto na siya, nakakausap at nakakakwentuhan. He's my virtual boyfriend.

"Ano sa tingin mo ang dapat nating ibigay kay Mr. Tiu?" Tanong sa akin ni Mateo habang nag-i-scan kami nang maaaring ipanregalo. "What about a wine?" he asked me.

"B-baka hindi naman umiinom si Mr. Tiu," hula ko ar napatango-tango siya.

"Are you scared of me? Hindi ka ba komportableng kasama ko?" Tanong niya at mabilis akong umiling. "Huwag kang matakot sa akin, mabait ako." he winked.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon