Shoot 43 "The thesis Partner"

59.9K 3.3K 1.2K
                                    

Sa bahay nina nanay Rita kami natulog dahil hindi siya pumayag na mag-hotel pa kami. Hindi naman kami nagsisi dahil sobrang maasikaso ni nanay Rita. Maya maya lang ay aalis na kami pero hanggang ala-una yata nang madaling araw kami nagkwentuhan nila Lucky kagabi.

Wala sina Sophia at Mateo dahil magkasama silang namalengke para sa almusal namin. Para hindi nakakahiya, tumulong ako sa paglilinis ng bahay kay nanay Rita.

"Nanay Rita, pwede po ba namin isama si Jane by the end of the month? May meet up lang po kami na gagawin," Pagpapaalam ko habang pinupunasan ang lamesa. "We just wanted Jane to be there."

"Saan ba 'yan, hija?" Tanong ni nanay Rita sa akin.

"Sa Maynila po, h'wag po kayong mag-alala may service po kami para sa inyo ni Jane kung kaya't wala po kayong gagastusin." I informed her at tumango-tango naman si Nanay Rita.

"Kung gusto naman ni Jane, bakit ko pagbabawalan ang anak ko?" Nakangiting sabi ni nanay Rita.

Dito ko napatunayan na grabe magmahal ang isang ina. Lahat talaga au kanyang gagawin para lang sa kaligayahan ng kanyang anak.

Napatigil kami sa paglilinis nung dumating sina Sophia. "We're now here." Sabi ni Sophia habang buhat-buhat ni Mateo ang kanilang pinimalengke.

Halos hindi ko nakilala si Sophia dahilbsa bago nitong gupit. Halos hanggang tenga na lang ang buhok nito, wala na ang dating bagsak na bagsak na kanyang buhok. "Sophia," tawag ko.

Ngumiti siya sa akin. "Nagpagupit ako, I plan to donate my hair to Jane. I wanted to make her happy kahit sa maliit na bagay lang," Pagkukwento niya. "Ayos lang ba?"

"You look gorgeous, okay? You're the prettiest girl in Northford University." Sasagot na sana ako pero si Mateo na ang nagsalita at napangiti ako.

Oookay, may hindi ba ako alam sa magkababata na ito?

"Oo nga, bagay sa'yo ang gupit mo." Pagpuri ko man kay Sophia.

Kinuha na ni nanay Rita ang mga pinamalengke nina Mateo at Sophia. "Oh sige na, maupo na kayo sa sala. Lulutuin ko lang ito at sabay-sabay tayong pupunta sa ospital para kumain."

Ganoon nga ang aming ginawa. "Nabalitaan ninyo na ba ang third school war?" Tanong ni Mateo sa amin. "Kasali ka ulit, Dani?"

"Hindi ko alam, hindi pa ako nakakapag-online e. Si Darkshadow ang magdedesisyon kung sino ang mga kasali sa war e." Paliwanag ko habang tutok na tutok ang aking mata sa TV.

"Panigurado namang kasali ka. Hindi ka naman pababayaan ni Boss." Sabi ni Mateo.

"Boss ka nang boss, ayaw mo naman ipakilala sa kaibigan ko kung sino ang totoong si Darkshadow," reklamo ni Sophia. Iyon nga din ang gusto kong sabihin at mabuti na lang ay si Sophia na ang nag-voice out.

Mateo acted like he's zipping his mouth at hindi na nagsalita.

"Nakakaasar ka talaga." Sabi ni Sophia.

A couple of minutes later ay tapos na rin magluto si nanay Rita. Napagdesisyunan namin na sa LMC Hospital na kumain para makasabay namin si Jane.

Pagkarating namin sa ospital ay sumilay agad ang ngiti sa kanyang labi nung kami'y kanyang makita. "Akala ko ba ngayon na ang balik ninyo sa Maynila?" tanong niya sa amin.

"Let's have our breakfast first bago kami umalis," sabi ni Sophia at tumulong sa pag-aayos ng pagkain sa table.

"Bagong gupit ka pala, Sophia." Sabi ni Jane habang nakatingin sa buhok ni Sophia.

"yes, and I'm giving my hair to you. I know you're pretty inside and out but I wanted to boost your self confidence kaya ko iyon ginawa." Kwento ni Sophia at niyakap siya ni Jane. Kahit din naman ako ay mata-touch kapag may tumulong sa akin.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon