Shoot 28 "Man in the Rain"

64.5K 3.4K 878
                                    

"Thank you sir," sabi ko kay Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Thank you sir," sabi ko kay Mr. Gonzales na siyang may-ari ng Penguin Gaming House. Kakapasa ko lang sa kanya ng application form para makapag-intern ako sa company nila.

"No problem. We will just call you for the interview." Sabi nito sa akin at nakangiti akong lumabas sa company nila.

Malakas na ingay mula sa mga nagdadaang sasakyan ang sumalubong sa akin. "Sabi ko naman sa kanila, makakapag-OJT ako. Hindi sa company nung Raydin na 'yon." Pagmo-monologue ko.

Sa mga susunod na araw ay pupunta pa ako sa iba't-ibang gaming company para magpasa ng application form. Sabi nga nila, the more entry, the more chance of winning.

At isa pa, mas mabuti nang maaga ako maghanap ng pag-o-OJT-han para naman hindibna ako mag-cram in the next months.

Habang naglalakad ako papunta sa MRT ay nakatanggap ako nang phone call galing kay Jace. Himala, may load yata ang mokong na 'to.

"Hello, ba--"

"Dani where are you?" Ang lakas ng boses ni Jace kung kaya't bahagya kong nilayo ang cellphone sa aking tenga. Kalalaking tao, parating nakasigaw.

"Galing ako rito sa Penguin Gaming House para magpasa ng application form." I informed him, kinuha ko ang earphone sa aking bag at sinaksak sa phone. Tinago ko ang phone ko sa loob ng aking bag, mahirap nang maglakad sa kalye ngayon na may hawak na cellphone.

"Nakalimutan mo na ba na ikaw ang magbibigay ng openig speech dito sa seminar, tapos ikaw pa ang wala? Lagot ka kay Dean." Na-shock ako sa sinabi ni Jace. Nakalimutan ko na ang tungkol sa seminar at nawala sa isip ko na pinakiusapan nga pala ako ni Dean na magbigay ng opening speech.

God, this is so embarassing.

"Sige-sige, papunta na ako." I hung up the call at tumakbo papunta sa MRT station. It will took 30 minutes bago ako makarating sa Northford. Jeez! Hindi ako aabot.

***

Humihingal ako pagkarating ko sa may indoor gym. "CS student din ako." Pinakita ko ang ID ko sa may guard sa gym.

"Ang bilin sa akin ay huwag nang magpapapasok ng late," sagot ni kuya na guard. I tried to plead on him kaso ay hindi umubra.

Shit naman Dani, bakit ba nakalimutan mo ang tungkol sa seminar?

Umupo na lang ako sa isang baitang ng hagdan at makalipas ang ilang minuto ay naglalabasan na ang mga CS students galing sa gym. Namataan ng mata ko si Jace kung kaya't hinatak ko siya. "Anong nangyari?" Tanong ko.

"Hinahanap ka ni Dean, kakausapin ka raw niya mamaya. Wala ka ring attendance so basically, absent ka sa dalawang subject." Sagot ni Jace at napakagat ako sa ibabang labi ko. Paniguradong maaapektuhan no'n ang grade ko.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon