Shoot 55 "A date"

65.1K 3.6K 1.1K
                                    

"Alam mo sobrang cool nang ginawa mo, tingnan mo nag-trending yung video na binaril mo si FirePhoenix," inilapit sa akin ni Mateo ang kanyang cellphone at sinilip ko ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Alam mo sobrang cool nang ginawa mo, tingnan mo nag-trending yung video na binaril mo si FirePhoenix," inilapit sa akin ni Mateo ang kanyang cellphone at sinilip ko ito. "Mayroon lang naman 'yang 200,000 views as of now."

Magkakasama kaming kumakain ni Mateo, Sophia, Ericka, at si Raydin. Buti nga napilit ko si Raydin dahil talagang ayaw niya ng mga ganito e.

"Hindi ko alam kung bakit nagte-trending 'yan. Sobrang swerte ko lang talaga nung araw na iyon. Kung hindi nag-critical hit yung pagbaril ko na iyon, paniguradong REU na ang nanalo sa war." Kwento ko. Totoo naman, halos kaunti na lang kasi ang health ko no'n.

Ang arte kasi ni FirePhoenix, feeling action star. Ang dami pang sinasabi bago ako patayin, naunahan ko tuloy siya. Bobo talaga e.

"But still  you're the reason kung bakit nasa atin pa rin ang trophy," sabi sa akin ni Ericka at humigop ng apple juice. It makes me happy na ang mga online friends ko, eto sila, mga kaibigan ko na sa totoong buhay.

"Ikumusta mo naman kami sa sacrifice na ginawa ni Raydin," kinikilig na sabi ni Sophia at hinampas-hampas ang braso ni Mateo. Oo nga pala, shipper (daw) namin siya.

"Ah! Aray! Pwede ka namang kiligin ng walang hampas e," Inagaw ni Mateo ang kanyang braso at hinimas-himas ito. "Shit, daig mo pa yung mga character sa SWO. Naglatay ang kamay mo sa braso ko e."

While looking at them, nakita ko ang sparks sa kanilang mata. "Wait," they both looked at me. As in sabay na sabay. "Are you..."

"Hindi pa. But I am courting her." Sabi ni Mateo sa akin na para bang naisip niya na ang sunod na lalabas sa aking bibig. Napatango-tango ako at napangiti ng malawak. I mean, sobrang bagay nila at isa pa, magkakilala sila simula nung bata sila.

Nagsimula kaming tuksuhin sila. Hanggang mapako ang tingin nila sa amin ni Raydin. "Hey, pang-fifth wheel na ba ako nito?" Singit ni Ericka at natawa kaming lahat.

"Kayo ba ni boss? How's your relationship going?" Tanong ni Mateo like it's just a normal topic. I mean, hindi namin pinag-uusapan ang mga ganitong bagay kaya ang awkward.

"Getting stronger," sabi ni Raydin sabay higop sa kape niya. "Wala kaming pinag-aawayan."

Totoo ang sinabi ni Raydin, nag-aasaran kaming dalawa pero wala kaming pinag-aawayan na malaking bagay. Kapag nagagalit na ako ay nag-so-sorry na si Raydin. He easily accepts kapag may mali siya, ganoon din naman ako. We are both smart and alam namin ang tama sa mali.

Our fun conversation continued pero napatigil ako nung may tumawag sa phone ko. I sign to them that I need to answer the phone call and nag-okay sign si Sophia.

Sir Tristan calling...

Lumayo ako ng kaunti at nilakasan ang call volume ng aking phone. "Hello, sir, napatawag po kayo?" I mean, it's sunday. Wala akong pasok ngayon.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon