Shoot 57 "Doubting him"

60.7K 3.3K 727
                                    

"Ba't ang tahimik mo?" Naputol ang aking malalim na pag-iisip sa pagsasalita ni Raydin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ba't ang tahimik mo?" Naputol ang aking malalim na pag-iisip sa pagsasalita ni Raydin. Nandito kaming dalawa sa kotse niya at ihahatid niya ako pauwi sa amin. "May problema ba? I am not used na tahimik ka." Dugtong niya pa.

"Okay lang ako, medyo pagod lang."  Sabi ko at ibinaling ko ang tingin ko sa may bintana. Nagsimulang bumagsak ang mga patak ng tubig hanggang sa tuluyan itong maging ulan. It's unusual na biglang umulan ngayong papakagat na ang summer days.

"No, you're not. Tell me, what's bothering you?" Tanong ulit ni Raydin at bahagyang sumilip sa akin pero naka-focus ang kanyang mata sa pagda-drive. "Hindi kita iuuwi hangga't hindi mo sinasabi ang problema."

Of course, he noticed na wala ako sa mood dahil sa pagiging tahimik ko. Wala rin naman akong maitatago sa kanya at gusto ko rin namang nagsasabi kay Raydin... It just, mahirap sabihin ang bagay na ito.

Nagpakawala ako ng buntong-hininga. "Nakita ko si papa na may kasamang babae sa mall kanina." Simula talaga nung makita ko iyon ay hindi na iyon umalis sa aking isipan. Lalo na yung parte na kung saan nagsinungaling sa akin si papa.

"So you're now jumping in conclusion na may babae ang papa mo?" Tanong sa akin ni Raydin at hindi ako nakasagot dahil totoo naman, iyon ang iniisip ko ngayon. "Tatay mo 'yon, h'wag mo siyang pinag-iisipan ng mga ganoong bagay." Dugtong pa ni Raydin.

"But he lied on me, sabi niya nasa trabaho siya pero he's at the mall,"

"Baka naman kasi doon siya magmi-meeting. O kaya naman they will just buy some foods, saktong lunch pa naman nung mga oras na iyon." Pilit na pinapawala ni Raydin ang takot ko and he's successful with it. Nawala ang doubt ko kay papa.

Instead na pag-usapan naming dalawa ang ganoong kaseryosong bagay ay idinako ko na lang ang topic sa thesis nila ni Celine the suso girl. Nasabi ni Raydin sa akin na tapos na sila sa system na ginawa nila ni Celine and kailangan na lang bilang aralin ito para sa defense. Ang defense nila ay magaganap sa end ng February, malapit na.

Naihatid ako ni Raydin sa amin. "Mag-o-online ka mamaya?" Tanong sa akin ni Raydin.

Saglit akong nag-isip at umiling. "Hindi muna siguro, tutulungan ko pa si Cherry sa mga kailangan niyang gawin e. Tinatambakan mo kasi nang trabaho," natatawa kong sabi at napailing naman siya. "So this year na pala ang launch sa Indio Online?" Tanong ko sa kanya.

"Yup, so we need to fixed things as fast as we can. May mga quests and monster designs pa kaming hindi tapos gawin kung kaya't kailangang mag-rush." Paliwanag ni Raydin.

"Ang dami mong ginagawa, hindi ka ba napapagod?" Tanong ko sa kanya. Ako nga lang na iniisip na may thesis at may hinahawakan siyang kumpanya ay sumasakit na agad ang ulo ko e. Hindi ko kayang pagsabayin ang ganoong kabigat na bagay.

"It's for OUR future," he emphasize the word 'our' at ibig sabihin nito ay kasama ako sa plano ni Raydin sa kanyang buhay. "Sige na, bumaba ka na. You need some rest."

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon