Shoot 16 "Saving them"

61.9K 3.5K 1K
                                    

Muli akong tinamaan ng bala sa aking tuhod kung kaya't muli akong napaluhod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Muli akong tinamaan ng bala sa aking tuhod kung kaya't muli akong napaluhod. "Shit. Shit." Paulit-ulit kong bigkas at walang tigil ang aking pagkasa at pagputok ng baril.

Ang daming bandido rito at hindi ko na ito mabilang. Tama nga ang sinabi ni Thatjerk sa akin, maraming bandido sa parteng ito.

Habang nakikipaglaban ako ay binabantayan ko rin ang health bar ko dahil sa oras na maubos ito. This will be a failed mission at paniguradong magagalit sa akin si Darkshadow. At isa pa, nakakahiya rin sa mga kagrupo ko if ever na pumalpak kami nang dahil sa akin.

Mabilis akong gumulong sa likod ng isang food stand. Kinuha ko sa item list ko ang isang tinapay at kinain ito. Unti-unting nag-restore ang health bar ko at nawala ang mga sugat na natamo ko.

BlueQueen: Majesty, umalis ka na riyan.

Thatjerk: Majesty, I'm setting a trap here at Kappa street. Kapag tapos ko itong i-set up ay i-lure mo ang mga bandido tungo sa direksyon na 'to.

Binabasa ko rin ang mga chat nila pero hindi na akong nagtangka na mag-chat dahil baka makagalitan lang ako dahil sa padalos-dalos kong desisyon. Pero anong magagawa ko? Mabilis talagang lumambot ang puso ko sa mga taong umiiyak.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at pinaulanan ng bala ang isang lalaki malapit sa akin hanggang sa bumulagta ang walang buhay nitong katawan sa kalsada.

Dugo. Iyan ang karamihang bahid ang makikita mo sa buong kalsada nitong lugar na kinaroroonan ko. Dugo mula sa mga bandido at mga sibilyang nadamay sa gulo, masakit makita ang senaryo na ito dahil tanda ko pa kanina... Isa pa itong masigla at masayang bayan.

Mabilis akong umiilag sa mga bala na bumubulusok tungo sa akin but still ay may mga galos pa rin ako.

Babarilin ko na sana ang lalaking nakatago sa likod ng poste ngunit bigla na lang bala na bumaon sa noo nito at tumumba ang katawan nito. Napatingin ako kung saan galing ang bala-- sa tuktok ng isang building na hindi kalayuan sa aking kinaroroonan.

I saw a flash, pilit ko itong inaninag at nakita ko si Darkshadow. He's holding his sniper and aiming for the bandits.

Darkshadow: tatayo ka na lang ba diyan?

Napabalik ako sa ulirat nung may bala na gumalos sa aking braso, agad kong hinanap kung saan ito nanggaling at agad na binaril ang isang bandido. Hindi ko inaasahan na talagang tutulungan ako ni Darkshadow dahil nga ay pakiramdam ko kanina pa ay may malaking galit ito sa akin.

Thatjerk: Almost done. I will chat again kapag tapos na at tumakbo na kayo tungo sa kappa street.

BlueQueen: patapos na rin kami. Agad kaming pupunta diyan.

Sa tingin ko ay nagre-resulta na ng maganda itong ginagawa naming misyon.

Darkshadow: Weakling, hanapin mo na yung dalawang bata at tumakbo ka na paalis.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon