Shoot 31 "Announcement"

65.6K 3.3K 1.7K
                                    

"Ang aga namang chocolate niyan," sabi ni Jace pagkapasok niya pa lang sa room

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang aga namang chocolate niyan," sabi ni Jace pagkapasok niya pa lang sa room. Umupo siya sa aking tabi. "Ang bigatin naman ng almusal mo, Cadburry." Hindi mawala-wala ang tingin niya sa chocolate.

"Bigay lang e." Pagmamayabang ko sa kanya.

"Pahingi ako!" Akmang puputol siya ng isang bar pero agad ko itong inilayo kung kaya't napasimalmal itong bestfriend. "Isang putol lang e! 'Di mo naman ikamamatay kapag bibigyan mo ako. Dati-rati, sa akin mo ibinibigay lahat ng chocolates na natatanggap mo mula sa manliligaw mo e."

Hindi naman kasi galing ito sa isang basta-bastang manliligaw, galing ito kay Mateo. Sinundo niya ako kaninang umaga sa bahay at doon na rin siya pinag-almusal ni mama. May bitbit siyang isang bouquet ng bulaklak (na iniwan ko kay mama dahil siya na raw ang bahala doon), at eto, isang chocolate.

"Galing sa importanteng tao 'to." Dumila ako sa kanya.

Nagulat ako nung biglang nagtayuan ang mga kaklase kong babae. Sa ganitong oras ay tumatakbo ang mga basketball players ng aming school sa field. Sa ganitong oras ay kumikinang na sila aa field. Tanaw ma tanaw kasi sa college of science ang field.

Lahat ng babae ay napatayo at dumungaw sa bintana para pagmasdan ang magagandang lalaki na nilikha ng diyos. Maging ako ay nakasingit para makadungaw. Dito sa field na ito, may magandang alaala ako kasama si Mateo. Iyon yung tinulungan niya ako.

"Kuhanan ninyo ng picture!"

"Mateo is so good-looking!"

Of course, puro magagandang puri ang narinig ko na binibigay na komento ng aking mga kaklase. Gaya nga ng sabi ko, isa si Mateo sa pinakagwapo at talentadong estudyante ng aming paaralan. Dagdag points na isa rin siyang magaling na game player.

Napalingon si Mateo sa direksyon namin... Specifically, sa akin. Lahat ng mga babae kong kaklase ay napasigaw nung ngumiti si Mateo at nagpatuloy sa pagtakbo. Napabalik ako sa upuan ko nang wala sa oras dahil sa kaba. No, Dani, kalma ka lang. It's just a smile pero bakit ang lakas ng impact sa akin?

"Huy, ba't ganyan ang mukha mo? Kinilig ka sa ngiti lang? Corny mo, ha." Sabi ni Jace at inirapan ko siya. Panira talaga 'tong lalaki na ito e.

"Everyone, go back to your seats now!" malakas na sigaw ni sir Clemente kung kaya't dali-daling bumalik ang mga kaklase ko sa mga upuan nila. "Pumasok kayo rito para mag-aral hindi para magpantasya sa katawan ng mga varsity player!" Napatahimik ang lahat dahil beast mode si sir.

Naging tahimik ang klase namin kay sir Clemente dahil nga sa maagang sermon nito. It's just a normal discussion at pinaalalahanan lang kami ni sir about sa finals.

"Kung babagsak kayo sa isang subject, hindi kayo makakapag-OJT next sem. Maliwanag ba?" Sabi ni sir. Oo, bawal kami magkabagsak para makapag-OJT. Ligtas pa naman ang grades ko.

Oo nga pala, kailangan kong pumunta sa Stargame for the job interview. Parang tanga si Raydin na ni-recommend ako bigla. Hindi naman na ako nagreklamo dahil tama naman si Jace, ang Stargame ang isa sa mga nangungunang gaming company rito sa Pilipinas. Marami silang mga mobile games na talaga namang patok sa mga gamers.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon