Shoot 9 "Start of Practice"

70K 3.4K 1K
                                    

"Ba't ganyan ang mukha mo? Ang aga-aga nakasimalmal ka," sabi ni Jace at binato ako ng tsitsirya na kinakain niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ba't ganyan ang mukha mo? Ang aga-aga nakasimalmal ka," sabi ni Jace at binato ako ng tsitsirya na kinakain niya.

Matalim ko siyang tiningnan ngunit tinawanan lang ako ng mokong. "Huwag mo akong guluhin, hindi maganda gising ko." At hindi rin maganda ang tulog ko dahil may nambwisit sa akin nung nag-online ako. This is not the first time, gabi-gabi yata akong balak pestehin nung Raydin na iyon.

"Ay nga pala, hindi ako makakasabay sa'yong umuwi starting this day hanggang next month," kumunot ang noo ni Jace na parang tinatanong kung bakit. "We have practice for math competetition, kung hindi kami magre-review ay magtu-tutor kami o kaya naman magsa-substitute sa mga tamad na professor."

Pumangalumbaba ako sa desk ko, nung ipinapaliwanag sa amin iyan ay talaga namang bwisit na bwisit ako dahil mababawasan ang oras ko para mag-SWO, at isa pa! Si Ericka ay nakakasundo ko pero yung Raydin na 'yon, he's still accussing me na nangopya lang ako sa kanya kaya nakapasok ako.

"Okay lang, may School War din akong dapat paghandaan this week. I will be representing Red Ember University," tumaas-baba ang kanyang kilay.

Isang pribelehiyo ang masama sa school war, si Thatjerk nga rin ay kasali. Almost thousand na ang estudyante sa Blue Waves, and yet, isa siya sa mga napili.

"Tungkol ba sa SWO 'yan?" Pa-inosente kong tanong at tumango-tango si Jace.

"Yup, level 18 na ako at sana, bago pa man magsimula ang war ay mag-level 20 na ako para naman makapili na ako ng class ko." Sabi niya sa akin habang nagtataas baba ng kilay. Ipinagmamayabang niya talaga na isa siya sa magrerepresenta ng REU.

Sa School War Online kasi, kapag tumungtong ka na sa level 20 ay pwede ka mg mag-change job or pipili ka na kung anong specialty mo as a gun holder.

Assault Class- sila yung mga students na nakakahawak ng mga malalakas na kalibre ng baril. M1A4, UZI o kahit ano pang mga uri ng baril na sunod-sunod kung ipuputok. It's a run and gun tactics.

Heavy Class- It' a type of class na kung saan ay maaaring gumamit ang mga estudyante ng mga explosive devices pagdating sa labanan. They can also use some big and heavy type of equipment like bazookas which might lead to a huge damage para sa enemy.

Support Class- Basically, a healer but malaki ang role nila pagdating sa battle field or warzone

Sniper Class- specialized in long-range support with high damage dealing with one enemy at a time.

Iyan ang apat na class na pwede mong pagpilian once you reach level 20. Until now, hindi ko pa alam kung ano amg pipiliin ko dahil sa tingin ko ay astig naman silang apat.

Nung mga nakaraang araw ay nagpa-level din kami nina Katana at Lucky. Level 11 na ako samantalang parehas silang Level 13. Maghapon kaming naglaro at nag-mission kung kaya't mabilis akong lumevel.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon