Shoot 10 "First School War"

69.5K 3.3K 752
                                    

In the past few days, sobrang badtrip talaga ako lalo na kapag nakikita ko ang pagmumukha nung Raydin na 'yon. Hindi siya maka-get over sa pangongopya ko DAW na hindi ko naman talaga ginawa. May maibintang lang ang loko.

Pumasok si Jace sa loob ng classroom and he's holding a piece of paper na puro sulat. "Ano 'yan? Wala naman tayong quiz ngayon 'diba?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

He looked at me. "Huwag ngayon bestfriend, dito nakasulat lahat ng tactics na gagawin ko para sa school war mamaya. Red Ember must win, pride ng school namin ang nakataya rito." Sabi niya.

"Wow naman talaga, reviewer sa mga subjects 'di ka makagawa pero kapag tactics sa laro napupuno mo ang buong bond paper. Sana sa mga exam mo ganyan ka rin, mapuno mo rin." Sabi ko sa kanya, ngayon ko lang kasi nakitang nagsipag si Jace. Akala ko pa sa pag-aaral, nagsipag pala sa laro.

"Magkaiba 'yon, madaling gumawa ng tactics. Mahirap mag-aral," pagkukumpara niya kung kaya't natawa ako.

"Hula ko malakas daw ang Blue Wave University ah. Sobrang pinag-aawayan sa social media 'yang unang school war na iyan. Pagkagising ko nga kanimang umaga ay trending ang #SWOfirstwarPH," paliwanag ko sa kanya. Binuhat ko na rin ang Blue Wave, aba! Dapat lang na ipagmayabang ko ang school ko dahil alam kong maraming malakas na players sa school namin.

"Ha! Hindi mo ba alam na nasa school namin ang top 3 players? We are stronger and nakikita mo ba yung isa pang trending sa twitter? #alabREU," Yes trending din ang hashtag na iyon almost everyone is predicting that Red Ember University will win this first school war. "At isa pa! Bakit ba sinusuportahan mo 'yang BWU na 'yan? Player ka ba doon?" He asked.

"H-hindi!"

"Oh, hindi naman pala eh. Dapat ako ang sinusuportahan mo kasi bestfriend mo ako." Paliwanag niya sa akin.

"Wala lang, ang ganda kasi ng school na 'yon e. Nag-tweet nga ako kanina, #toobigBWU." Pagmamayabang ko at mukhang nagulat ang kaibigan ko sa sinabi ko.

Sa maniwala kayo o sa hindi, eto ngayon ang trending sa twitter at maging sa facebook. Each school sa SWO ay may mga hashtag na pinapa-trending.

Red Ember University #alabREU
Evergreen Academy #drEAmbig
Yellow Razors Academy #ArrowYRA
Blue Waves University #toobigBWU
White Knights Academy #WKAdomination

I know it's weird pero mas nakakadagdag iyom sa pagiging intense nung laro. Ang nakakatuwa pa ay trending ito mapa-twitter at facebook.

Naputol ang pagmamayabang ni Jace nung dumating na ang professor namin. Sisiguraduhin kong mag-o-online ako mamaya para lang mapanuod ang mangyayaring school war, hindi man ako kasali, ipapakita sa buong school ang kaganapan sa school war.

After class ay may practice kami nila Ericka. Sobrang close na namin ni Ericka at madalas kaming mag-usap dalawa sa mga kung ano-anong bagay. Si Raydin? Ayon! Hinihiling ko na sana'y mabura na siya sa mundong ibabaw bwisit siya.

Umuwi na rin si Jace dahil maghahanda na siya para sa magaganap daw na School War, sana ay matalo ang school nila. Joke lang! Susuportahan ko rin naman ang bestfriend ko pero mas sinusuportahan ko ang school ko.

"Sobrang close ninyong dalawa ni Raydin 'no?" Ericka suddenly said habang nagre-review kaming dalawa.

Tiningnan ko siya. "Close? Saang banda kami close nung lalaking iyon? Wala nga iyon ibang ginawa kun'di asarin ako." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko na pinatulan pa ang panunukso ni Ericka pero speaking of the devil, wala yata siya ngayon? Lumipas ang isang oras ay hindi siya dumating sa library... And that's a good thing dahil walang nambwisit sa akin. Maayos kaming nakapag-review ni Ericka kanina.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon