Shoot 26 "REU Vs. BWU"

61.2K 4K 1K
                                    

Darkshadow: Don't go to the mall side

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Darkshadow: Don't go to the mall side. Maraming mga taga-White Knights ang nandoon. Avoid that place.

Darkshadow sent a reminder for all of us at ngayon ay alam ko na ang lugar na dapat iwasan. Muntik akong ma-out of balance nung isang malakas na pagsabog ang narinig ko malapit sa akin. I tried to maintain my balance at kumapit sa isang poste.

Pagliko ko sa isang kanto, there's two of Evergreen students kung kaya't nagtago ako sa likod ng isang basurahan. It looks like the two of them are setting bombs in that area. Kinuha ko sa item list ko ang isang bomba.

Nilaro-laro ko muna ito sa aking kamay bago tinanggal ang takip nito. "Sorry but you're now out of the game." Sabi ko at hinagis tungo sa kanilang direksyon.

Tinakpan ko ang magkabila kong tenga at isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid. Natamaan pa ako ng ilang maliliit na bato na lumipad dahil sa malakas na impact.

Majesty successfully eliminated DogBite!

Majesty successfully eliminated LadySwan!

Mabilis ko silang napatay dahil hindi labg basta-basta ang bombang inihagis ko. In-upgrade ko ito bago pa man kami sumabak sa war and pinataas ko ang damage nito. Worth it naman dahil kitang-kita naman ang naging epekto.

Thatjerk: Nice one, Queen!

MermaidMan: We're now leading! As expected from the queen of BWU.

Nagpatuloy na ulit ako sa pagtakbo. Maibgat ang bawat hakbang na ginagawa ko. As much as possible, iniiwasan kong makagawa ng kahit anong malakas na ingay.

Habang tumatakbo ako ay bigla na lamang akong nakaramdam na may bumaon sa tuhod ko at nagpagulong-gulong ako sa sahig. "Shit." There's a sniper around this area.

Umagos ang pulang likido mula sa aking tuhod na animo'y parang gripo. Napakagat ako sa ibabang labi ko nung sinubukan kong tumayo. Mabilis akong naghanap ng pagtataguan.

I heard a loud gun shot at nabasag ang salamin malapit sa akin. So she or he is really aiming for me at mabuti na lamang ay naiwasan ko ito.

Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo dahil once na tamaan muli ako ng rifle, I will be out of the game. I jump in sa loob ng isang bahay at nagtago sa loob nito. "Damn!" Pagmumura ko.

Kinuha ko sa item list ko ang isang healing potion at ininom ito. My health bar slowly recovering at tumigil na rin ang pagdurugo ng aking tuhod.

WhiteTiger successfully elimimated ViceVersa!

Isa-isa nang nauubos ang mga players dito sa may war zone. Dahan-dahan akong gumapang papunta sa back door. I'n pretty sure na inaabangan lang ako nung naka-sniper na lumabas sa main door.

School War OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon