168 ) LOVE THIS WAY💕

1.3K 20 0
                                    

Chapter Twenty-eight ( Page 168 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#FeelingWorried

JACKY POV

    HINDI KO ALAM Kung saan ako dadalhin ng aking mga Paa..  Na-realize ko nalang na nasa tapat ng bahay na pala ako nila Madc..

   Agad ko syang niyakap ng ako ay kanyang pinagbuksan..  Huhuhuh 😢😢😢

   Ang sama-sama ng loob ko..

   Gusto kong paniwalaan ang mga sinasabi nilang magkapatid kami ni K pero ang sakit Sa pakiramdam eh? Ang bigat-bigat.. 

   Kaya pala Hindi ko dala-dala ang apelyidong Cruz dahil sa mga malalalim na dahilan? At ito na nga ba yun?  Huhuhuh!!!

    Pangalawang pamilya lang kami ng Papa?  Pinaniwalaan ko ang lahat ng mga kasinungalingan Sa buhay ko sa hinaba-haba ng Panahon? Hindi ko matanggap!!  Ang hirap para sa akin..  Huhuhuh..

   Si Mama?  Hindi sya masamang tao.. Huhuhuh..   Biktima lang din sya sa kapusokan ng aking Ama..  Tapos ngayon wala na pala talaga si Papa?  Wala na ang taong matagal kong hinintay na bumalik? . 

    Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak sa mga braso ng kaibigan kong si Madc..

  At nakiusap akong wag ipaalam sa asawa kong nandirito ako ngayon sa kanya. Ayuko munang makita sya.  Nahihiya ako sa sarili ko..  Nahihiya ako sa pamilyang pinagmulan ko..  Nahihiya ako sa pagkataong meron ako..  Nahihiya akong maging bunga ng isang kasalanan..!!!

   Ayukong tanggapin pero paanu ko ba haharapin ang lahat ng ito?  Gulong-gulo ang puso't isip ko..  Huhu 😢

Natigil ang paghikbi ko ng malaman Kung sino ang kausap ni Madc sa telepono..

   Si Vice...

     Halos magmakaawa akong wag sabihin Kung asan ako at laking pasasalamat ko naman dahil inintindi ako ni Madc..

Madc :  "Nag-aalala sayo ang Hubby mo? "

Jacky :  "Alam ko..  Pero di ko pa kayang makipag-usap sa kanya..  Nahihiya ako subra  ."

Madc :  "Sis? Kung anu man yung mga nakaraan? Wala kang kasalanan... Walang dahilan para kaawaan mo ang sarili mo. ?"

Jacky :  "Madaling sabihin..  Alam ko..  Pero ang hirap eh?  Ang bigat sa dibdib?  Alam mo yun?  Huhuhuh..  "

  Muli akong niyakap ng aking kaibigan..

VICE POV

    ANIM NA ORAS nang Hindi ko makontak si Jacky!!  Mababaliw na ako sa kakaisip sa kanya.  Sana naman Mag text man lang sya na OK sya.. 

Tinawagan ko na sina Madc..  Si Launch..  Lahat ng barkada..

   Ngayon naman magbabaka-sakaling Mahanap ko sya kina Anne..

   Karga-karga ng kinakapatid ko ang dalawang taon na si Baby Aiyesha..  Ang inaanak namin dalawa ni Jacky..

ANNE POV

    BUMUNGAD sa akin ang nag-aalalang mukha ng aking kinakapatid..

Anne:  "Oh Tol?  Napanu ka? "

Jacky :  "Ahm.  Hindi ba nagpunta dito si Jacky Tol? Nag-aalala na kasi talaga ako eh? "

Anne: "Si Jacky?  Bakit?  Anung nangyari kay Jacky? "

   Ikinuwento sa akin ni Vice ang lahat... Kaya naman laking gulat ko saking mga nalaman..  Kahit ako..  Di makapaniwala sa mga nangyayari?  Paanu na kaya si Jacky? 

   Kaya Kung ninais nitong mapag-isa at magmuni-muni muna ay nararapat lang.  Mahirap tanggapin ang ganoong klaseng rebelasyon sa buhay... Bigla ako nakaramdam ng Awa para sa Kanya.. 

Anne: "Tol?  Wag ka na muna ma-stress.  Baka nasa tabi-tabi lang yan si Jacky ? Kailangan mong magtiwala sa kanya sa ngayon Tol?  Matapang na babae yang Girlfriend mo kaya makakayanan nya. Lahat. OK? "

   Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Vice..

    MALUNGKOT NAGPAALAM  SI VICE KAY ANNE..

    Dinala sya ng kanyang pagmamaneho sa  Gastrobar88 Kung saan sila tumutugtog ni Karylle. Na pinagmamay-arian rin nito.. Ngunit laking gulat nya dahil ito ay sarado?

   Lumapit sya sa gwardyang naroroon at nagtanong..  Ayon rito ay biglaan daw ang ginawang pagsasara ng Bar..  Dahil sa mga di pagkakaintindihan ng mga may-ari..

Vice : "Anung ibig mong sabihin kuya? "

Guard: "Ahm..  Di ako sigurado Sir eh pero naghiwalay na daw kasi sina maam karylle at si Sir Yael.. "

Vice :  "Anu?"

VICE POV

    Napasabunot ako ng aking buhok dahil saking nalaman..  Ngayon pa sila naghiwalay eh malapit na ang kasal nila? Nakaramdam ako agad ng pag-aalala kay K..  Kaya agad ko syang tinawagan..

   Nakakailang dial na ako pero walang sumasagot ng aking tawag..  Sh*t!!! Doble-doble na yung pag-aalala ko..  Hindi ko alam Kung sino ang uunahin ko!!! 

   Paanu ko ba sila mahahanap?  Mababaliw na ako nito!!!.. 

    Si Jacky  hindi ko alam Kung saan ko hahagilapin..  Tapos si Karylle naman ayaw sumagot ng tawag?  Parehas akong nag-aalala sa kanilang dalawa!! 
😭😭😭😭😭😭

To be continued ..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackМесто, где живут истории. Откройте их для себя