205) LOVE THIS WAY💕

352 5 0
                                    

Chapter Forty-two ( Page 205 )
Title: LOVE THIS WAY 💕
#WalaNgIba

   Nasa isang malalim na pag-iisip si Vice ng  madatnan sya ni Karylle. Ngunit napalitan ng pagtataka ang kaisipan nya ng mapansin nya ang pagiging balisa ng asawa..

Vice : "Love?  OK ka lang bah? "

Karylle:  "Ahm..  Yup..  I'm fine..  Naiinitan lang yata ako.. "

   Pagpapalusot nya.  Dahil ang totoo.. Kinakabahan sya...  Ang malaking bagay na kinatatakotan nya ay ang dumating ang araw na bumalik si Jacky.  Hindi nya kasi alam kong paanu nya ipapaliwanag sa kapatid ang relasyon nila ni Vice..  Pero inaasam nyang sana maintindihan nitong nagmahalan lang silang dalawa ni Vice.. At kampante naman sya rito dahil ramdam nya ang pagmamahal at pag-aalala ng kanyang asawa.. 

JACKY POV

        Ang tagal kong nawala at ngayon ako ay nagbalik...

    Limang taon rin akong walang balita sa mga nangyayari sa pilipinas..  Pagkatapos ng breakup namin ni Vice ay pinili kong magpakalayo-layo.. Ang pumunta sa ibang bansa kasama si Mama Louisa ko..  At putolin pansamantala ang ugnayan ko sa pilipinas.. 

    Hindi naman sa gusto kong makalimot ngunit kundi buohin muli ang aking pagkatao... 

   Ang paglimot ay ang bagay na Hindi ko kayang gawin.  At kahit gustohin ko man ay Hindi ko rin naman magagawa.. 

   Si Vice at ang pagmamahal ko sa Kanya ay naging bahagi ng buhay ko.. At hanggang ngayon nanatili parin sya sa puso ko.  Lalo na't may baby Viack kaming dalawa Sa buhay ko.. 

   Oo..  Inaamin kong isang malaking pagkakamali ang ginawa kong pagtatago at ang ilihim ang pagbubuntis ko..

  Nandoon na ako sa abroad ng malaman kong nagdadalang tao pala ako.  Naduwag ako..  Dahil ayukong maulit muli ang nangyari sa baby Jr.  namin.  Para akong na-trauma ..kaya naman ang ginawa ko..  Ipinagpatuloy ko ang pagbubuntis kahit walang katuwang na asawa...  At dahil sa tulong ni Mama naging malakas ang kapit ng baby.  NagDoble ingat rin ako para mailuwal ng matiwasay ang aking munting anghel.. 

    Hindi naglaon ay ipinanganak ko ang malusog na batang lalaki.  Dalawa na sana ang baby boy namin..

   At dahil naalala kong Viack ang gustong ipangalan ni Vice Sa magiging baby namin ay yun ang ipinangalan ko..

   Kuhang-kuha nito ang mata ng Daddy Vice nya.. Kahit Paanu ay naibsan ang aking pangungulila sa mga oras na yun..

   Masaya akong pinagmamasdan ang naging bunga ng pagmamahalan namin ni Vice.  Alam kong matutuwa ito kapag nalaman nyang may baby na kami.  Minsan nga naisip ko.  What if Kung Hindi ako nakipaghiwalay?  Tapos buntis pala ako?  Gaanu ako kasiguradong magiging maayos ang pagbubuntis ko gayong puro stressed nalang araw-araw ang nararamdaman ko...

   Kaya naman pinanindigan ko nalang ang desisyon kong magpakalayo-layo muna...  

   Total Kung kami ay kami naman talaga..  Sana lang ay may Vice pa akong babalikan..

   Si Melvie..  Ay ang naging matalik kong kaibigan sa Saudi.. OFW sya doon.. At sya lang ang nag-iisang nahihingahan ko kapag naaalala ko ang nakaraan.. Dahil Kahit ni isa sa mga kaibigan ko dito sa pilipinas ay wala talaga akong contact's.  Bilang bahagi ng aking pagmove on. Tiniis ko talaga ang huwag magparamdam..

   Kaya ngayong kakauwi ko lang ng pilipinas.. Isa-isa ko silang kinontak... Ngunit mahigpit kong ipinagbawal na huwag muna ipaalam Kay Vice ang aking pagbabalik..

   Nais ko munang paghandaan ng mabuti ang aming unang pagkikita.

  Kaya noong time na tumawag si melvie sa akin na aksidenteng nagkita ang Mag-Ama Sa Airport?  Halos lumipad ang kaluluwa ko sa kaba.  Hindi pa ako ready!!!!

   Hindi ko alam kung anung sasabihin ko kay Vice.kung bakit umabot ng Limang taon bago ako naglantad!! Ang hirap eh.  Pero alam kong iyon ang makakabuti Sa aming dalawa. Ang pansamantalang magkalayo..

   Sa wakas narating namin ang bahay na pinagawa ni Mama 3 years ago.. Dito kami maninirahan pagdating ng panahon..

   Sa susunod na buwan ay uuwi narin si Mama dito Sa pilipinas.. Dahil sa wakas ay nakamit na namin ang hustisya para sa Kanya...

Jacky :  "Salamat talaga Tom huh?  "

Tom:  "Tsk wala yun Jacky..  Para ka namang others eh. Haha 😂 "

Jacky :  "Hehe..  Syempre..  Teka nga pala?  Kamusta na kayo ni Madc?  "

Tom:  "Ayos naman.  Going strong. Hehe. Eh ikaw ba?  Hindi kapa ba maghahanap ng magiging daddy ni Viack? "

   Bigla akong natigilan..  Wala naman kasi akong planu na Maghanap ng magiging daddy ni Viack..  Dahil si Vice lang ang daddy nya at wala ng iba...

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now