235) LOVE THIS WAY 💕

360 4 0
                                    

Chapter forty-three ( Page 235 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Tapang

Vice :  "Hindi yan Totoo!!!  Nagsisinungaling ka lang.. Please sabihin mong nagsisinungaling ka lang?!!! "

Doctor : "I'm sorry Mr. Viceral? Ginawa namin.. at Gagawin namin lahat ng aming makakaya para sa asawa mo.  Pero sa ngayon?  Kailangan mong maging handa sa mga posibilidad.........? "

VICE POV

    Parang gumuho ang mundo ko dahil sa mga nalaman Ko!!  Paano ito nagawang itago sa akin ni Karylle?!!  Matagal na pala syang may sakit? At nilalabanan ang cancer!!  Ni wala akong kamalay-malay!!! 

Doctor :  "Magpaka-tatag ka.  Para sa kanya... Dahil mas lalo syang panghihinaan ng loob Kung magpapakalugmok ka.  Ikaw ang lakas nya Vice..  Kailangan ka nya.... "

   Naluha ako sa mga sinabi ng Doctor.. 

   Kaya pala lagi nalang syang nanghihina.  Yun pala pinilipit nya lang ang sarili nyang maging malakas..  Kaya pala nangangayayat sya at namumutla ang akala ko.  Stress Lang sya sa trabaho.  Ganito na ba talaga ako kawalang kwentang asawa at Hindi ko namalayang may pinagdadaanan na pala ang asawa ko?  Huhuhuh 😢😢😢

   Gusto kong umiyak..  Ngunit pinigilan Ko ang bawat pagpatak ng aking mga luha. Kasi nga sabi ng Doctor..  Sadyang plinanu ni K na ilihim ang lahat dahil ayaw nyang makitang nahihirapan ang mga mahal nya sa buhay.. 

   Sa kabila ng mga katanungan sa isip Ko ay minabuti kong gawin ang makakabuti saking asawa..  Magiging matapang akong harapin anu man ang mangyari..  Sasamahan ko sya sa laban nya at Hindi ko sya iiwan. Mahal ko ang asawa ko... Mahal na Mahal....

YAM POV

    OK na sana ang lahat kaso may trahedya namang naganap..  Kahit kailan talaga madaming balakid sa aming dalawa ni Jacky.. Pinagpagoran ko ang lahat maging masaya Lang sya ngunit ngayon Nakikita Ko ay kalungkotan at pag-aalala dahil sa nangyari sa Ate nya. 

   Wala naman akong magawa kundi ang muli ay damayan sya...

Jacky :  "I'm sorry Yam.  Alam kong pinaghirapan mo to.  Pero Hindi ko kayang mag-enjoy gayong nasa ganitong kalagayan ang ate ko. "

Yam:  "Naiintindihan ko.  Tsaka ano kaba?  Wala namang may gustong mangyari ang bagay na yun.."

JACKY POV

    Sumama kasi kami sa hospital kaya agad naming nalaman ang dahilan Kung bakit bigla nalang nahilo si ate Karylle.. Pinaubaya ko na muna Kay Mama ang mga bisita... Gusto ko pa sana manatili doon ngunit inuunahan ako ng takot..  Sabi kasi ni Vice..  Hindi makakatulong ang pangamba..  Eh Hindi ko naman kayang magkunwari sa harap ng ate ko..  Baka maiyak ako kapag nakita Ko sya.  Huhuhuhuhuhuh....

   Kaya heto... Binabaybay namin ni Yam ang daan pabalik sa venue..  Para makapag-paalam din ako ng maayos sa mga bisita ko.

   Gaya ng inaasahan ko.  Kinamusta nila si ate karylle.  Ngunit nanatili akong tikom ang bibig.  Kina Melvie at Mama Louisa ko lang sinabi ang Totoo...

    Bagay na naintindihan nila Kung bakit ayaw ko ng ituloy ang Party..

     NAGISING SI KARYLLE ILANG ORAS MATAPOS SYANG DALHIN SA HOSPITAL..

   Bakas sa mukha nito ang panhihinang nararamdaman.. 

Vice :  "Love?  What do you want? 🍊 Orange?  Apple 🍎?   Or 🍌 banana? "

Karylle :  "All I need is water Love..  💧 "

VICE POV

   Pinainum ko sya ng tubig..  At hinalikan sa noo.

Karylle:  "Ahmmm...  Alam mo na? "

   Aniya sa mahinang boses...

   Sinagot ko sya sa pamamagitan ng pagpisil sa kanyang kamay..

Karylle :  "I'm sorry? " naiiyak nitong turan..

Vice :  "Bakit ka nagso-sorry?  It's OK love?"

Karylle : "But...  I'm dying..... "

Vice :  "Bakit mo sinasabi yan?  Ano ka ba?  Lalaban tayo... Diba........? Love........? "

  Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa mga palad nya..  Upang maramdaman nyang Hindi sya nag-iisa.. 

   Biglang umaliwalas ang mukha ng asawa ko..  Tila nabuhayan ng panibagong pag-asa...

Vice :  "I'm here..   I'm always here for you love?  Mahal na mahal kita...  Lalaban tayo... OK? "

Karylle :  "Yes love..  Lalaban tayo...."

  Niyakap Ko sya ng mahigpit..  Gustohin mang kumawala ang luha saking mga mata..  Hindi ko ginawa..  Tumingala ako sa kisame at pinagmasdan ang liwanag na hatid ng Florescent..  Tinuyo Ko agad ang namamasang pilik mata..  Hindi ako iiyak sa harap ng mahal Ko. Dahil ang nais ko lamang ay ang pagaanin ang loob nya.. 

    Ilang sandali pa'y pumasok rin ng kwarto sina Macoy kasama ang Mommy nila.. Ilang oras din nilang inihanda ang sarili..  Bago humarap Kay karylle.  Dahil gaya nga ng sabi ko.  Kailangan naming maging matapang para sa ikabubuti ng asawa Ko.. 

To be continued....

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now