214) LOVE THIS WAY 💕

340 5 0
                                    

Chapter Forty-five ( Page 214 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#TitoNinong

Anne:  "Sabi ko na nga ba eh!! Mangyayari talaga ang ganito..  Sabi ko naman sayo ipaalam natin sa kay Jacky.  Yan tuloy...  "

Vhong :  "Eh.. Naisip mo pala yan eh?  Bat Di mo ginawa? "

Anne:  "Pinigilan mo kaya ako?!  Tsaka isa pa.   Hindi ko rin kaya.."

Vhong :  "Haaaayssss...  Wala na..  Nangyari na...  Kawawa naman si Jacky..... "

Anne:  "Subra...... "😥

KARYLLE POV

    Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na ito..  Ngayong bumalik na si Jacky?  Natatakot ako sa magiging takbo ng relasyon namin ni Vice..  Baka magbalik din kasi ang dating pagmamahal nya para rito.. At yun ang masakit mangyari.  Iniisip ko pa nga lang para na akong mamatay...!

   Mahal na mahal ko si Vice!!higit pa Sa buhay ko!!! Lahat ng pagmamahal ibinuhos Ko sa Kanya..  Ni wala akong tinira para sa sarili ko upang punan lamang ang mga kakulangan ko bilang asawa sa kanya...

   Sana Hindi dumating ang araw na sabihin nyang si Jacky parin ang mahal nya dahil Hindi ko yun makakaya..  Ikakamatay ko kapag nawala ang nag-iisang meron ako ngayon....

TOM POV

    Malamang ay sasama ang loob sa amin ni Jacky dahil inilihim namin ang tungkol dito.  Pero ang hirap din naman kasing magsalita lalo na't alam naming masasaktan sya....

Madc :  "Problema talaga to!!!! Ikaw kasi eh....  Sasabihin Ko na sana sa Kanya...  Kaso pigil ka ng pigil..  Palibhasa kasi.... "

Tom: "Palibhasa ano?"

     Alam kong hanggang ngayon ay pinagseselosan ni Madc si Jacky..  Alam kasi nitong napakalaki ng pagkagusto ko kay Jacky noon.. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon..  Ikakasal na kaming dalawa pero hanggang ngayon pinagdududahan nya parin ang pagmamahal Ko sa Kanya. 

SA BAHAY NINA JACKY...

Melvie :  "Jak?  OK ka lang? "

Jacky :  "Gusto ko munang mapag-isa...."

Melvie : "OK.  Basta.. Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako huh? "

    Tumango na lamang sya.. 

JACKY POV

   Pumasok ako sa kwarto at tumabi ako sa mahimbing na natutulog na si Viack..

   Pinagmasdan ko ang mukha ng aking anak.  at hinawi ang malago nitong buhok.. 

   Paano ko ba ipapaliwanag sa anak ko na kailan man ay Hindi na mabubuo ang pamilyang pinangarap ko para sa kanya... Ang sakit isipin at sadyang napakahirap tanggapin ang bawat katotohanang natutuklasan Ko...  Kasalanan ko ang lahat!!  Naging duwag ako!!  Natakot ako!!  Marupok!!!  Ngayon ko na-realize na Hindi tama ang ginawa kong paglayo...  Dahil ngayon.. Ako lang din pala ang labis na masasaktan sa bandang huli.. 

    Niyakap ko ang aking anak upang maibsan man lang kahit papano ang hapdi saking dibdib...

    Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...

KINABUKASAN...

    Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa Salas ng bahay.  

   Tila nagtatawanang Mag-Ama. Habang masayang nagkukulitan..

   Agad akong bumangon upang malaman Kung sino ang naroon.. 

  Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Yam...

  Si Yam....  Ang isa sa mga pinagkatiwalaan ko sa Saudi..  Hindi ko akalaing magtatagpo ang landas namin doon..  Naging isang masugid ko syang manliligaw...  Ang totoo nyan.. Si Yam ang Umalalay sa akin noong ako ay nanganak..  Nataranta kasi sina Mama at melvie kaya laking pasasalamat kong andun si Yam para sa akin...

   Ngunit kahit ramdam ko naman ang sensiridad nya sakin?  Nanatili parin bilang kaibigan lang ang turing Ko sa kanya..  Ayukong pumasok Sa isang relasyon gayong iba naman ang nilalaman ng aking puso..  At yun ang pilit kong pinapaintindi sa Kanya.....

   Sabi naman nya..  Maghihintay raw sya hanggang Sa matutunan ko rin syang mahalin.  Ang totoo. Naaawa na ako sa kanya.  Ayukong maghintay sya sa wala pero naging mapilit sya.

   Kaya naman hinayaan ko na lamang sya sa mga gusto nyang gawin total naman..  Naging malapit narin sa Kanya ang anak ko...

Viack : "Mommy.......  Hmmmmmppppp"

   Patakbong yumakap at nagkiss sakin ang aking big boy.. 

Jacky :  "Ang aga mong nakipaglaro Kay Tito Ninong ah? "

Viack :  "Opoh.     "

Yam:  "syempre..  Namiss ako nyan eh?! Hehe..  Teka?  Anyari dyan sa mata mo? Masyado bang nakakaiyak ang MMK kagabi kaya ganyan kapugto yang mata mo? "

   Nakuha pa nitong magbiro sa kabila ng nakikita nya sa mga mata ko...

   Pero sa halip na sagotin ko sya ay iniba ko muna ang usapan. 

Jacky : " kailan ka lang dumating ng Pinas?"

Yam:  "ngayon-ngayon lang naman... "

Jacky :  "Dumeretso kana agad rito? "

Yam:  "Oo naman!!!!!  Namiss kita eh? "

To be continued ...

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now