176) LOVE THIS WAY 💕

491 6 0
                                    

Chapter Twenty-nine ( Page 176 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#OfficiallyYours

Pagkatapos ng madamdaming pag-uusap namin ni Ate Anne ay tinahak ko na ang daan pauwi.  Pagpasok ko ng Condo agad bumungad sakin ang dalawang maleta saking harapan..

Kunot noo kong hinarap ang busy Sa pagla-laptop na si Vice...

Jacky :  "Anung kalokohan to Vice?"

VICE POV

    Nagulat ako sa naging reaction ni Jacky dahil sa dalawang maleta na inihanda ko...

   Nagsimula na kasi akong magligpit ng mga dadalhin ko sa pagbabakasyon namin sa amin..  Gusto kong Mag refresh kaya sa ayaw at sa gusto nya sasama sya sakin upang ipahinga ang mga utak namin sa stressed. 

   Inihinto ko ang ginagawa ko.  Muka kasing sasabog na naman ang bulkan.  Nagsisimula na namang umusok ang ilong ng mahal ko..

   Nakangiti akong tumayo at lumapit sa kanya..

Jacky :  "Anu to?  Huh? "

Vice :  "Babe?  Relax?!  Di naman ako maglalayas.  Ikaw talaga.  ?"

Hinalikan ko sya sa noo at inakbayan upang umupo sa sofa..

  Kita ko ang kagulohan sa isip ni Jacky..

Jacky :  "Anu nga kasi ibig sabihin nito?  May pupuntahan ka ba ha? "

Vice :  "Oo meron ? Meron tayong pupuntahan kaya magsimula ka na ring maghanda ng mga gamit mo babe.. Nilagay ko na dyan ang mga paborito mong Nighties?  Hehe ..ikaw na bahala sa iba babe.. Yun lang kaya ko.  Hehe "

   Gulat na gulat sya sa mga narinig..

Jacky :  "Anu?  Saan tayo pupunta? "

Vice :   "Uuwi muna tayo sa atin?  Matagal-tagal narin tayong Hindi nakakauwi kaya magbabakasyon muna tayo kahit isang linggo lang.  "..

Jacky :  "Huh?  Paanu ang trabaho mo?  Paanu ang restaurant? Hindi pwedeng iwan ko lang yun sa mga employees natin?"

Vice :  "Babe?  Nandyan naman si Launch?  Si Madc?  Sila na muna bahala.  Nakausap ko na sila kanina.  At tsaka.  Nakapag-file narin ako ng leave kanina?  Kaya Hindi pwedeng Hindi tayo matuloy babe? "

   Parang wala sa sailing bumuntong hininga ang aking asawa..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now