169 ) LOVE THIS WAY 💕

772 20 0
                                    

Chapter Twenty-eight ( Page 169 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#ConquerYou

VICE POV

    PASAKAY NA AKO ng aking Kotse ng bigla naman nagring ang cellphone ko..

Si Karylle?

    Dali-dali kong sinagot gawa ng aking pag-aalala..

Karylle:  "Ayuko na Vice..  Ayuko naaaa... "

   Halos walang boses nitong saad sa akin..  Dahil sa kanyang pag-iyak.. 

   Hindi ko man masyado maintindihan ang sinasabi nya pero naging klaro sa akin ang paghihirap na dinaranas nya sa mga oras na ito. 

Vice :  "Hintayin mo ako dyan K?. OK?  Hintayin mo ako.. "
  
   Dali-dali kong pinaharurot ang aking sasakyan..  Nakipagkarera ako sa mga malalaking sasakyan..

   Ang mabilis na paandar na pinaranas Sa akin ni K noon ay first time kong gagawin ngayon.  Wala na akong pakialam sa malalaking busina ng sasakyan ang mahalaga makarating ako ng isang iglap Kung saan man sya ngayon naroroon..

  Patakbo kong inakyat ang Condo unit Kung saan sila naka tira ni Yael.. Sunod-sunod na katok ang ginawa ko pero walang may bumukas..

  "  Karylle?  Buksan mo to? Ako to si Vice? "

  Ilang minuto rin akong naghintay pagbuksan pero wala..  Kaya ang ginawa ko ay buong pwersa kong tinadyakan ang pintoan!  Bahala na...!

    Sandali akong natulala ng makita ang nakakalat na kagamitan sa loob ng kwarto...

  Basag na mga picture frame..  Baso..  Nagkalat na mga litrato at Kung anu-anu pa. 

   "Karylle? Karylle? "

   Paulit-ulit kong sambit ng kanyang pangalan...

   Nakarinig ako ng malakas na pag-agos ng tubig sa may banyo kaya dun ako dinala ng mga paa ko...

    Napaiyak ako ng makita ang basang-basa ng shower na si Karylle habang sinasabunotan ang sarili...

Vice :  "My God!!!  Karylle!!! "

    Kumuha ako agad ng tuwalya at itinapis ko sa Kanya.. Muntik pa akong nadali ng mga bubog ng salamin na nabasag Sa may tiles..

     Pilit ko syang inilayo sa shower habang yakap ko sya..  Humahagulhol sya kaya awang-awa ako.. Nabasa narin ako dahil sa pagpupumiglas nya..

Vice :  "Anu bang ginagawa mo Miss K?  Please?  Wag mong gawin to sa sarili mo. 

Karylle:  "Ayuko na... Huhuhuh.. 😭😭😭 Wala akong kwenta!!  Wala akong kwentang babae!!!! Huhuhuh😭😭😭😭"

   Halos madurog ang puso ko habang pinapakinggan ang mga hagulhol nya..

Karylle:  "Wala akong kakayahang bigyan sya ng anak Vice.. Kaya iniwan nya na ako..  May iba na sya..  Magkakababy na sila..  Huhuhuh😭😭😭"

   Napaluha ako sa kanyang sinabi.  Ngayon ko mas naintindihan ang pinagdadaanan nya.. Wala akong magawa kundi ang patahanin sya sa kanyang ginagawa..

  Kaya niyakap ko sya ng mahigpit...  Iginapos ko sya saking mga braso..  Awang-awa ako sa Kanya..  Ngunit Wala akong mahagilap na sasabihin upang pagaanin ang loob nya. 

Karylle:  "Baog ako Vice..  Baog ako!!!!  Wala akong karapatang mabuhay??  Gusto ko ng mamatay..  Gusto ko ng mamatay... Huhuhuh 😭😭😭"

   Hinarap ko sya habang pinapahiran ang kanyang mga luha...

Vice : "Wag kang magsalita ng ganyan OK?  Please Wag? Nandito lang ako oh? Nandito pa Kami? Mama Mo? Si Sir Gerald? Si Macoy? Si Jacky ? Si Yael lang ang nawala sayo.  Sya lang!! kaya Ngayon kapa ba susuko? Kung kailan nahanap mo na ang kapatid Mo?  K please?  Alam kong matapang ka.. Wag mong hayaang lamunin ka ng mga kakulangang meron ka.. Kasi para sa akin?  Your are so perfect OK?  "

   Hinawakan ko sya sa magkabilang pisnge at hinalikan sa noo..

  Muli ko syang niyakap upang kahit papanu'y mapagaan ang kanyang kalooban..  Ito lang ang kaya kong gawin Sa mga oras na ito..

   Iyak parin sya ng iyak..

   Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon..

   Hanggang Sa tuloyan na syang tumahan ngunit nanatiling walang imik.. 

   Pinagbihis ko sya ng damit at pinunasan ko ang mga basa nyang buhok... Kasalukoyan kaming nakaupo sa Kama..

   Nakahubad ako ng T-shirt kasi nabasa rin ako kanina.. Awang-awa ako habang tinitingnan ang naiiyak nya paring mga mata.  Naka-tingin lang sya sa akin habang pinupunasan ko sya...

Karylle:  "Vice?  Salamat....  ?"

   Muli itong humikbi at yumakap sa akin..

Karylle:  "Salamat kasi nandyan ka...?"

   Hinagod ko ang kanyang likoran..  Upang ipadama na Hindi nga sya nag-iisa..

   Pagkatapos muli ko syang hinarap at inilapit ko ang aking mukha sa Kanya..

Vice :  "Wag mo na uulitin yun ha? "

    Nakita kong tumango lang sya..   Ki-niss ko sya ulit sa noo at niyakap..

To be continued.. 

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now