202) LOVE THIS WAY 💕

338 3 0
                                    

Chapter Forty-One ( Page 202 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#ThrowbackPaghahanap

KARYLLE POV

Ang Pagpapakasal Kay Vice ang syang pinaka-masayang bahagi ng buhay ko. Hindi ko akalaing may magmamahal pa sakin at may isang lalaking gugustuhin akong pakasalan sa kabila ng aking kapansanan bilang isang babae.

Tinanggap ni Vice ang aking kakulangan at masaya ako dahil dun. Kaya naman labis-labis ang aking pasasalamat Sa dios dahil binigay nya ang kagaya ni Vice bilang katuwang ko sa hirap man o ginhawa..

Noong una ay talagang pinigilan ko ang aking damdamin para sa kanya. Kahit naman noon pa sila ng kapatid ko na si Jacky ay ginawa ko na ngunit noong mga panahong lagi ko syang kasama.. Hindi ko napigilan ang aking damdamin hanggang sa tuloyan ng umusbong ang matagal Kong tinatagong pagtingin..

Nagdalawang isip ako? OO.. Kasi kapatid ko ang X nya.. Kapatid ko ang taong nang-iwan sa kanya.  Kapatid ko ang taong nanakit sa kanya ng subra.. At masakit din talaga para sa akin ang biglaang pagkawala ni Jacky.. Parang bulang biglang naglaho.. Awang-awang ako Kay Vice Sa mga oras na yun!! Ramdam ko ang bawat kirot sa kanyang dibdib.. Dahil ganitong-ganito din kasakit ang naidulot ni Yael noong mga panahong iniwan nya ako..

Si Vice ang laging nandyan sa mga panahong guhong-guho ang aking mundo. At ako naman ang nandito noong mga panahong iniwan sya ni Jacky..

Naging sandalan namin ang isat-isa noong mga panahong bigoan ang aming mga puso..

Hindi ko alam Kung anong mangyayari kapag darating ang araw na bumalik na ang kapatid ko.. Sana mapatawad nya ako Kung inibig ko ang taong minsan rin nyang minahal... Hindi ko sinasadya..

Sa ngayon... Masaya kong ginagampanan ang pagiging may bahay sa asawa kong si Vice..

Nais kong maging perpektong asawa sa kanya. Handa akong pagsilbihan sya sa abot ng aking makakaya..

NANATILING WALANG BALITA ANG MAG-ASAWANG VICE AT KARYLLE KUNG SAAN NGA BA NAROROON SI JACKY?

ANG NAKARAAN..........

Halos Di maipaliwanag ni Vice ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa biglaang paghihiwalay nila ni Jacky. Napagtanto nyang marami syang naging pagkukulang sa relasyon nilang dalawa.. Lalo na ng mawala ang kanilang anak. Kung maibabalik lang nya ang nakaraan sana'y naging mas matibay sya at Hindi naging marupok..

Eh di sana Hindi sya iniwan ni Jacky..

Vice : "Ang sakit-sakit K... Bakit kailangan pang humatong sa ganito?

Karylle:  "Wag mong sisihin ang sarili mo Vice.. Hindi makakatulong Kung susuko ka...? "

Vice : "Pero wala na sya..  Paanu pa ako lalaban K?  Paanu pa ako babawi?  Paanu ko pa itatama ang mga pagkakamali ko? Mahal na Mahal ko ang kapatid mo.."

Karylle:  "Tutulogan kitang hanapin sya.  Wag kang mag-alala..  Hindi tayo susuko OK?  Be strong Vice..  Naniniwala akong Makikita rin natin si Jacky... "

     Walang ibang ginawa si Vice kundi hanapin ang Mahal nyang si Jacky..  Sa tulong ni Karylle at mga kaibigan.. Hindi sya sumuko at napagod...

    Ginawa ang lahat ng kanyang makakaya upang hagilapin si Jacky ngunit nanatili syang walang natagpuan..  Hanggang sa dumating ang isang araw na naglasing sya...

   Nakaramdam sya ng panhihina ng kalooban...

    Mag-isang tinutungga ni Vice ang isang bote ng alak..  Habang nakaupo sa sofa... Isang tungga sabay hithit ng sigarilyo.. 

   Lunod na lunod sya sa pagdadalamhati..  Halos napapabayaan nya na ang kanyang trabaho maging ang kanyang sarili...

 
    Hindi na ito nakakapag-ahit ng balbas..  Kahit magpagupit ng buhok...  Isang taon din syang naghanap sa wala.. 

    Kawalan ng pag-asa ang namutawi sa kanyang puso at isipan..

   Nasa ganoong sitwasyon sya ng madatnan ni Karylle..

    Nakaramdam ng Awa ang dalaga ngunit
imbes na pigilan ay hinarap nya si Vice upang tulongan sa nilalaklak na alak. 

   Sumindi rin sya ng sarili nyang sigarilyo... Isang hithit at isang buga ng usok ang ginawa nya. 

   Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Vice habang tinitignan ang babaeng nasa kanyang harapan..

Karylle:  "Bat ka natawa? "

Vice :  "Wala...  Magaling ka pala humithit ng sigarilyo.  ?"

Karylle: "Tsk...  Adik ako dati eh...  Haha 😂 sige inum pa!!!!!!  Pakalunod kapa....  Baka sakaling mataohan ka... "

Vice :  "Grabe ka sa akin?  Haha 😂 "

Karylle:  "Oo nga!!!  Di kita pipigilan....  Sasamahan pa kita..  Yan naman ang gusto mo diba?  Kaya sige Goooo..... "

    Sinabayan sya ni Karylle sa pag-iinum Hindi dahil Sa gusto nyang mapariwara ang kaibigan kundi para maisip nito na walang patutungohan ang paglalasing nya... 

To be continued.. 

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackحيث تعيش القصص. اكتشف الآن