210 ) LOVE THIS WAY 💕

337 2 0
                                    

Chapter Forty-four ( Page 210 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#MissKita

JACKY POV

Dinala ako ng mga paa ko sa madilim na bahagi ng garden nila Ate Anne..

    Ang Hindi ko alam.  Sinundan pala ako ni Vice...

Vice :  "Jacky........................"

Nilingon ko sya at nagkatitigan kami...

Jacky :  "Vice.......................? "

Dahan-dahan syang lumapit sa akin...

Vice :  "Kamusta ka na? "

Jacky :  "Ikaw ang kamusta? "

Vice : "Ito..... After all? Ayos naman..."

Jacky:  "Talaga?  Mabuti naman...  Halata nga eh? "

   Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi...

    Nakita kong isang malalim na buntong hininga ang pinakawalaan nya...

Vice :  "Alam mo Jacky?  Ang dami kong gustong itanong sayo eh?  Pwede ba yun? "

    Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko..  Alam kong matagal na panahon ko itong pinaghandaan.  Pero bakit parang ngayon ay natatameme ako..  Wala akong mahagilap na sasabihin ...

Vice :  "Pero siguro..  This is not the right place to talk about Jacky.... "

   Parang may Kung anong kumurot sa puso ko ng bigla nya akong tinalikoran at nagsimulang humakbang palayo sa akin...

   Ewan ko pero parang hinihila ako ng napakalakas na Pwersa upang yakapin sya..

VICE POV

     Gustong-gusto ko syang kausapin..  Kaya Ko sya sinundan.  Kaso naisip ko Hindi ito ang tamang panahon at lugar para pag-usapan ang mga bagay-bagay..

    Tatalikod na sana ako upang sya ay aking iwan ng bigla nya akong yakapin saking likoran..

   Nagulat ako..  Pakiramdam ko bigla akong nanlanta... May kakaiba akong naramdaman dahil sa init ng pagkakayakap nya sa akin...

Jacky :  "Vice.........  Miss Kita........ "

   Para akong nabingi sa mga narinig ko mula sa kanya.  Tama ba ang pagkakarinig ko?  Miss nya ako? 

Jacky :  "I'm sorry Kung natagalan akong bumalik...  Alam kong OK kana pero Gusto ko lang kasi malaman mong miss na miss kita.  "

Ilang beses akong napalunok ng laway....  Sinasabi rin ba nyang Mahal nya parin ako? Bigla akong nataranta..  Pero Hindi ako nagpatinag..  Nagmatigas ako..  Dahil yun naman talaga ang dapat....

    Dahan-dahan akong kumawala sa pagkakayakap nya bago pa may makakita sa aming dalawa..

JACKY POV

    Ang sakit sa pakiramdam na parang walang epekto sa Kanya ang yakap ko..  Alam kong nakakahiya pero Hindi ko na kasi kayang pigilan ang sarili ko.  Lalo na't miss na miss ko sya talaga...

   Ngunit ngayon..  Batid kong nagbago na ang lahat..  Ang dating Vice na minahal ko noon ay ibang-iba sa Vice na kaharap Ko ngayon...

Vice :  " I'm sorry Jacky..   Naiilang lang ako? "

    Tapos Kung makapagsalita pa sya parang wala kaming pinagsamahan dalawa ah?

Jacky :  "OK naiintindihan Ko..  "

Vice :  "Ahhm..  I'll shall go? "   paalam nito..

Jacky :  "Ahm.. .......Vice...........?"

Alam kong umiiwas sya pero grabe....  Di ko na kaya kontrolin ang sarili kong tawagin sya. 

Vice :  "Hmm? "

Jacky : "Hindi mo ba ako na-miss? "

     Halatang natigilan sya sa mga sinasabi Ko... Kaya laking gulat ko ng biglang nag-iba ang templa nito.. 

Vice :  "Jacky?  Please stop acting na parang wala lang lahat?  Na parang OK lang ang lahat?  Kasi......... Alam mo.......... Until now naiisip ko parin ang salitang BAKIT eh? "

Anito sa mababang boses....

Jacky :  "Vice.......... Ako ba talaga ang umaarte na parang wala Lang?  Heto na nga oh?  Sinasabi ko sayong na-miss kita? "

    Hindi ko na napigilan ang sigaw ng puso ko... Mahal na Mahal ko parin pala talaga sya...  Ito na nga yung kinakatakotan ko eh..  Ang ma-realize Kung gaanu sya kahalaga sa buhay ko...

   Kagat labi akong tinitigan sya...  Hindi upang akitin sya..  Kundi upang pigilan pa ang mga salitang maaring lumabas sa aking mga bibig..  Alam kong Hindi ito ang tamang panahon para magsalita.  Pero yun nga nasabi Ko na ang nararamdaman ko..  Namiss Ko sya...  At yun ang totoo..

   Nasa kanya nalang yun Kung paniniwalaan nya o susumbatan nya ako....

   Medyo nataranta ako ng bigla syang humakbang palapit sa akin... Hinawakan nya ang balikat ko at masuyo nya akong kinabig palapit sa Kanya...

   Hinawi nya ang hibla ng buhok saking pisngi..at Para na akong matutunaw dahil sinusuri nito ang bawat angulo ng aking mukha... Hanggang Sa huminto ang kanyang mga mata saking nanginginig na mga labi...

   Samo't saring pakiramdam ang bumubugso saking damdamin..  Takot.. Kaba... Pananabik...

   Sa haba ng panahong Hindi kami nagkita.  Tila isang parusa ang bagay na ganito na muling mapalapit sa kanya.  Dahil hanggang ngayon ramdam ko parin ang init ng pagmamahal Ko para sa nag-iisang lalaki sa buhay ko..

Vice :  "Namiss din kita Jacky?........... "..

   Sunod-sunod na buntong hininga ang ginawa ko..  Para na kasing kakaposin ako ng Hininga....

    At muling nagtama ang aming mga mata...  👀 👀

To be continued.. 

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now