170) LOVE THIS WAY 💕

547 6 0
                                    

Chapter Eight ( Page 170 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Hirap

VICE POV

     INIWAN KO Na si Karylle matapos syang makatulog..  Niligpit ko din lahat ng mga nagkalat bago ako umalis..

    Kahit papanu kumalma na sya..  At nakakausap na rin ng matino..  Nagdalawang isip rin talaga akong iwan sya kaya lang kailangan ko ring hanapin si Jacky.. 

   Inintindi naman ako ni Karylle at ang sabi nya tama lang na hanapin ko sya kasi baka napaanu na..

   Mas lalo pa akong napabilib kay karylle..  Na kahit hirap na hirap na sya..  Nagagawa nya paring isipin ang kapakanan ng iba kaysa sarili nya..

   Nangako naman sya na magbe-behave na sya at Hindi na uulitin ang ginawa kanina.. Pinaintindi ko sa kanya ang mga bagay-bagay  upang palakasin ang loob nya.. Kahit papanu naman daw eh gumaan din yung kanyang kalooban dahil Sa pagdamay ko sa kanya.. 

   Hulog daw ako ng langit upang sagipin sya sa kanyang kabaliwan at katangahan..

   Kasalukoyan kong binabaybay ang kahabaan ng daan upang sundoin ang aking asawa..  Nasa kina Madc lang pala sya..  Haaaays..  Salamat naman at nakahinga na ako ng maluwag..

     Around 10 o'clock na ng gabi. 

  Pagdating ko sa bahay nila madc agad hinananap ng aking mga mata si Jacky..

   Paga ang mga mata nito habang naka upo lang Sa sofa.. Malayo ang tingin at tagos sa pader. Nakaramdam ako ng pagkahabag alam ko kasing mabigat ang pinagdadaanan nya.

Vice :  "Kamusta na naman sya? "

     Tanong ko kay Madc..

Madc :  "Hmmmm.. May mga bagay na wag muna natin ipilit Sa kanya Vice..  Kailangan nya lang ng panahon siguro.  Nakikita kong mas lalo syang mahihirapan kapag dinektahan natin ang nararamdaman nya.. "

   Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko..

Vice :   "Naiintindihan ko..  Salamat Madc ha? "

    Tinapik ko ang balikat nya bago ko nilapitan ang asawa ko.

  Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Vice:  "Babe?  Uwi na tayo? "

    Hindi nya ako nilingon pero sinandal nya lang ang ulo nya sa balikat ko. 

Jacky:  "Babe?  I'm sorry? "

Vice :  "Wala kang kasalanan kaya Huwag kang magSorry OK? "

   Niyakap ko sya at dinampian ng halik sa buhok.

JACKY POV

     PAGDATING Namin sa condo parang akong lantang gulay na humiga sa kama.

   Ang sakit ng buong katawan ko ang bigat-bigat pati ng pakiramdam ko..  Kinakausap ako ni Vice pero tanging Oo, wala,  at Hindi lang ang mga sagot ko.. 

   Alam kong nahihirapan na rin sya sa pag-intindi sa akin kaya laking pasasalamat kong walang kapagoran nya parin akong ginagabayan at inuunawa..

   Kailangan kong magpaka- tatag lalo na't may mga obligasyon akong kailangan ipagpatuloy sa kakabukas lang naming restaurant. 

   At may mga bagay ring kinakailangan kong pakaiingatan ayukong madamay sya sa stressed na pinagdadaanan ko.. 

  ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS matapos ang nakaka-stressed na pangyayari..

   Thankful ako kasi di na ako kinukulit ni Vice tungkol sa mga nangyari.  Siguro naisip nyang mas makakabuti Kung wag muna namin pag-usapan ang mga bagay na alam nyang hirap akong tanggapin..

   Kaso nga lang..  One week narin kaming ilang Sa isat-isa..  Yung tamang usap lang?  Tamang lambing lang?  Tapos wala na.? Walang masyadong sweetness.  Wala ring love making... 😢

   Minsan nangangalabit sya kaso wala naman akong gana..  Pag sinabi kong ayaw ko Hindi rin naman sya nangungulit..

   Haaaays..  Ewan ko pero ang tamlay ng sweetness sa pagitan naming dalawa..  Siguro kasi dahil sa mabigat parin ng loob ko?

   Ang masama pa kasi Hindi na nga kami masyadong nakakapaglambing? Mukang mag-aaway pa kami ngayong gabi.  Paanu kasi nag text sa kanya si Karylle..

Vice : "Babe?  Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon?  Pero kailangan tayo ng kapatid mo?  Kailangan ka nya? "

   Pinipilit kasi nitong puntahan namin si Ate karylle kasi baka Kung napanu na naman daw?

Jacky :  "Gustohin ko man pero mas lalo lang syang mahihirapan dahil Hindi pa naman kami magkasundo? "

Vice : "Kaya nga eh? Mahirap ba talaga para sayo yun Babe?  Kahit wag mo nalang syang isiping kapatid? Kahit kaibigan man lang? Mahirap ba talaga yun sayo huh? Sana bigyan mo naman ng konsiderasyon yang nararamdaman mo sa ngayon Jacky? Hindi lang ikaw ang nahihirapan alam mo ba yun? "

Jacky :  "Oo mahirap..  Kasalanan ko ba Kung nahihirapan ako? "

Vice :  "Nahihirapan ka kasi yan ang pinili mo? Kasi ganyan ang iniisip mo? At hangga't sarado yang puso't isipan mo? Talagang mahihirapan ka..."

   Ang sakit pakinggan ng mga sinabi nya. Dahil ang taong inaasahan kong unang makakaintindi sa akin ay Hindi pala talaga ako naiintindihan.. 😢

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now