263 ) LOVE THIS WAY 💕

117 0 0
                                    

Chapter Fifty-six ( Page 263 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Panganib

JACKY POV

    Hindi talaga ako makapaniwalang si madc ang may kagagawan ng lahat.. Halos mag-iisang taon rin ang nakaraan at Wala na akong nabalitaan tungkol rito matapos ang pagkamatay ni Tom..  Pero nagugulohan ako?  Kung anong nangyari sa kanya? Kung bakit Kakaibang Madc ang nasa harapan Ko ngayon...

    Nanlilisik ang kanyang mga mata..  Maging ang kanyang buhok at pustora ay sadyang nag-iba!! Ganon din ang kanyang pananalita at mga ikinikilos .. Ay Nakakatakot at nakakapanibago..

ANG NAKARAAN

    Sunod-sunod ang mga nangyaring trahedya sa buhay ni madc..  Ang biglaang pagkawala ng asawang si Tom..  Dahil sa depresyong nararanasan..  Minsan ng nalagay sa panganib ang buhay ng kanyang nasa sinapupunan..  Mabuti na lamang at naitakbo sya agad sa hospital ... Hanggang sa dumating ang hindi inaasahang pagkakataon,  dumating ang araw ng kanyang panganganak..

    Tulad ng mga karaniwang babae'y naranasan ni madc ang normal na panganganak..  Hanggang sa nairaos nya ito at lumabas ang munting anghel nila ni Tom..  Ngunit sa kasamaang palad..  Edineklara itong patay .. Sinubokan itong e-revive ng mga Doctor pero nanatili itong walang pulso.. At sinabihan syang tanggapin na lamang ang katotohanan...

   Tila sinakloban si Madc ng walang kasing bigat na bagay sa kanyang dibdib. Hindi nya matanggap-tanggap ang mga pangyayari..  Naitanong nya rin sa kanyang sarili kung anong nagawa nyang kasalanan at bakit pinarusahan sya ng ganito kabigat..

   Ang mawalan ng Asawa't anak ay walang kasing sakit para sa isang babaeng naulilang lubos..

   Lumipas ang mga araw, linggo,  at buwan nanatili lamang sa kanyang kwarto si Madc.. Nagmumukmok at walang sawang umiiyak araw at Gabi..

   Ang kanyang mga magulang na sana'y kanyang naging sandigan sa mga panahong sya'y lugmok sa pagdadalamhati ay wala ring nagawa upang maibsan man Lang sana ang hinagpis ng kanilang anak.

   Kaya nakapag-desisyon ang mag-asawang ilagay sa mental Si madc kahit labag ito sa Kanilang kalooban..

   Wala pang isang buwan mula ng naipasok sa mental hospital si Madc ay nakatanggap sila ng balitang nakatakas raw ito...  Pinaghahampas nito ang nurse na syang dahilan ng muntikan na nitong pagkamatay..  Naging bayolenti ito at tila galit sa lahat ng tao.

*****************

     AT NGAYONG hawak nito ang isa sa mga anak ni Jacky...  Nangangamba syang baka may gawin itong masama sapagkat batid nyang wala ito sa kanyang katinuan..

Jacky :  "Madc please?  Ibigay mo sa akin ang anak Ko... "

    Nanatiling tahimik si Madc habang pinapatahan nito si Prince Gian...

Madc :  "Ssshhhhhhhh. "

Jacky :  "Akin na ang bata please?  Ako na ang magpapatahan sa kanya"

Madc :  "Huwag kang maingay!!  Kaya hindi natutulog ang bata kasi da-dah ka ng da-dah!!"

    Halos maluha na si Jacky sa kinatatayuan..  Hindi nya maaring pwersahang kunin si Prince Gian sa kamay nito dahil baka mas mapasama pa ang bata. 

At isa pa..  Dalawang sanggol ang kailangan nyang ilayo mula rito.. Kaya mas makakabuti kung gumawa muna sya ng dahilan na mailapag ni Madc ang sanggol bago nya ito labanan ng pwersahan.. 

Jacky :  "Madc please?  Huwag mong idamay ang bata?! Parang awa mo na?  Wala silang kasalanan.. Ako nalang ang saktan mo? "

Madc : " At  Bakit ako?  Gaano ba kabigat ang naging kasalanan ko at naging ganito ang buhay ko?  Hindi ako Baliw Jacky!!!  Hindi ako baliw!!!! 😂 😂 😂 😂 😂 "

Jacky :  "Kung Hindi ka baliw.  Bitawan mo ang bata...  Pag-usapan natin to? "

   Dahan-dahang lumapit sa kanya si Madc.  At maingat na iniabot sa kanya ang kanina pang umiiyak na si Prince Gian..  Samantalang ang kambal nitong si Princess Gyl ay nasa loob ng kona habang tahimik lang at tila nakikinig sa paligid. 

    Guminhawa ng maluwang si Jacky ng mapasakamay na nya ang anak..

   Ngunit bigla rin itong napalitan ng kaba ng kunin ni Madc ang nakalapag na kutsilyo sa mesa..  Ngayon nya lang napansin na may ganitong bagay pala itong dala sa loob ng kwarto..

    Hinawakan nito ang kutsilyo at pinagapang ang matulis nitong dulo sa kahabaan ng mesa..

********************

   HABANG NAGMAMANEHO pabalik ng bahay si Vice.. Hindi nya alam Kung bakit parang bigla syang kinabahan..   Kaya naman halos ipaharurot nya ang kanyang sasakyan marating lamang ng mabilis ang kanilang bahay..  Malapit na sya sa kanilang Gate ng may biglang humarang na sasakyan...

   Galit na bumaba si Vice dahil sa katangahan ng driver na humarang sa Kanya..  Ngunit laking gulat nya ng matapang ring bumaba ang isang lalaking may hawak na baril at tinutokan sya..  🔫

Ion:  "Sa wakas..  Nagtagpo rin ulit ang landas nating dalawa😡"

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now