240) LOVE THIS WAY💕

261 4 0
                                    

Chapter forty-five ( Page 240 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Family day

    MAAGANG Gumising sina Jacky at Viack dahil susundoin sila ni  Yam..  Upang samahan sila sa isang family day.. 

    Balak talaga sana ni Jacky ay ang tawagan si Vice upang ipaalam rito ang tungkol sa family day ngunit naisip nyang baka nakakaabala ito sa kanya. At Isa pa baka hindi pa ito handang magsaya lalo na't batid ni Jacky ang hirap na pinagdadaanan ni Vice.. Kaya naman si Yam ang pinakiusapan nyang tumayong Ama ni Viack..  Ang kaso mukang nagkaproblema yata ang sasakyan ni yam at bigla nalang daw tumirik sa kalagitnaan ng daan.  Kaya naman minabuti na lamang ni Jacky ang magtungo ng school kahit walang kasamang partner.. 

   pagdating nila'y Agad silang  sinalubong ni Greg.  

Greg:  "Good morning Jacky?  Good morning Viack? "

Viack :  "Good morning po.. "

Jacky :  "hello? 👋 "

Greg:  "Oh?  Kayong dalawa Lang?  Akala ko ba kasama nyo si Yam?  "

Jacky :  "Oo eh.   Kaso..  Baka matagalan raw sya eh..  Di nya kasi maiwan-iwan kotse nya sa gitna ng traffic.."  

Greg: "Ganoon bah? Wag ka mag-alala.  Nandito naman ako eh?  Diba Viack? Pwede bang ako na muna ang daddy mo ngayon? Huh? "

Jacky :  "Ha?  Naku!! Nakakahiya naman sa ibang mga teachers.  Ano ka ba Greg..  Huwag nah?  OK lang naman eh?  "

Greg:  "Ito naman  oh?  Sayang naman?  Di kayo makasali sa ibang games?  Eh mukang mag-eenjoy pa naman tong anak natin?  Ahhm.  Este..  Anak mo Jacky? 😊"

   Pabirong turan nito. 

Jacky :  "Ikaw talaga..  Puro ka biro..  Kung Hindi ka lang teacher ng anak ko?  Naku!!! "

Greg:  "Ano?  Babatokan mo ako? 😂"

Jacky :  "Haha 😂 😂  sira!!  Ewan ko sayo.  Teacher Greg?? "

**************

"TAO PO? TAO PO? "

Nakakailang doorbell na si Vice Sa bahay nina Jacky ngunit walang may bumubukas ng gate..

   15minutes din syang naghintay ngunit mukang wala talagang tao Sa loob.. Kaya naman malungkot itong bumalik ng sasakyan..  Aalis na sana sya ng may pumaradang sasakyan sa tapat ng Gate.  Si Yam ang bumaba ng kotse.  Lumapit ito sa gate pero Hindi naman nag doorbell...  May kausap ito sa  cellphone.   Ilang sandali pa'y pumasok ulit ito ng sasakyan at nagpaharurot ng takbo..

VICE POV

   Ewan ko Kung bakit ngunit may kutob akong papunta ang mokong na to kung saan naroroon sina Jacky..  Kaya agad ko syang sinundan..

   
   Huminto ito sa tapat ng school Kung saan nag-aaral si Viack..

    Tama..  Bakit Hindi ko naisip na dito nalang pumunta kanina.  Haaaaysss...

   Pagdating ko doon..  Lihim kong sinundan ang mokong na si Yam..  Mukang alam na alam talaga nito Kung nasaan ang Mag-ina ko ah?

   Naagaw ang aking pansin sa mga batang naglalaro..  Family day pala ngayon nina Viack?  Eh tamang-tama kasi nagpunta ako.  Kaya pala maraming mga parents sa loob ng school...

   Ilang sandali pa ay tanaw Ko na ang aking mag-ina na naglalaro...  Kasama ang lalaking medyo Pamilyar?  Kung Hindi ako nagkakamali ito ang teacher ni Viack..

    Huminto ako sa di kalayoan.. Upang pagmasdan silang tatlo habang naglalaro..  Mukang Hindi na naman ako kailangan dito?  Kasi bukod Kay Yam meron pang isang asungot..

  Ang nakakasama pa ng loob ay Kung bakit Hindi man lang pinaalam ni Jacky ang tungkol sa family day?  Diba dapat ako ang kasama nila at Hindi Kung sino-sinong lalaki?

    Pilit kong pinakalma ang aking sarili nakuntento na lamang ako sa panonood..  Mamaya Ko na lamang kakausapin si Jacky pagkatapos ng program..

Viack :  "Tito Ninong!!! "

    Patakbong yumakap si Viack Kay Yam.. 

Yam:  "Naku!!  Basang-basa ka na ng pawis ah? "

Viack :  "ang saya po Tito ninong!!  Tapos ang galing po ni Teacher Greg kaya nanalo po kami!! "

Yam:  "Wow?  Talaga? Salamat Pare huh? "

Greg:  "Hmp.  Wala yun!!  Sige pahinga na muna kayo Jacky?  Mamaya pa naman ang next game? "

Jacky :  "Salamat Greg? "

Greg:  "You're always welcome Ma'am Jacky? 😂 "

    Nagkangitian ang dalawa habang nagpapaalam.. 

Greg: "Pupuntahan Ko lang mga co-teacher's ko? 😊"

Jacky :  " Hmm..  Sige.. 😊"

  Pagkaalis na pagkaalis ni Greg ay agad na inakbayan ni Yam si Jacky patungo sa Di kalayoang upoan..

Yam:  "Mukang iba ang titig sayo ng Greg na yun ah? "

Jacky :  "huh?  Anong titig? "

Yam:  "Ang lagkit eh?  Parang gusto ko ng magselos? "

Jacky: "Ha?  Para kang sira? Haha 😂 😂 "

VICE :  "JACKY!!!!!!!!! 😠"

   😨Tila gulat na gulat ang mukha nilang dalawa ng makita ang magkasalubong ang kilay na si Vice... 😨

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now