223 ) LOVE THIS WAY 💕

371 3 2
                                    

💫💖   🔟  💖💫
Chapter Forty-eight ( Page 223 )
Tittle : LOVE THIS WAY 💕
#BuongPamilya

Sa Hindi inaasahang pagkakataon....!!!!!!

    Nakaharap si Vice sa tent ⛺ habang yakap-yakap  si Jacky... kitang-kita nya ang paglabas ng isang bagong gising na batang lalaki at Alam ang pangalan!!!

Vice :  "Viack? "

   Ang batang nakita at nakarga nya sa Airport...!  Ang batang nag-aangkin ng mga ngiti ni Jacky at mga matang nakikita nya ang kanyang sarili!! Ang batang tinawag syang daddy!!!

Viack :  "Daddy? Daddy?!!!!! "

    Bakas sa mukha ng Bata ang pananabik sa Ama.  Patakbo itong yumakap sa paa ng nakatayong si Vice..  Nanatiling walang imik at tila Hindi maintindihan ang nararapat gawin..

   Bakas sa mukha  ni Vice ang kalitohan...

   Ang pagtataka at halo-halong emosyon... 

   Sa mga oras na ito ay wala syang ibang maisip kundi ang lumuhod at yakapin ang tuwang-tuwa na bata....

Viack :  "Mommy? Nandito na si Daddy?!!!!"

   Tumingala ang bata Kay Jacky kaya umupo rin sya upang yakapin ang kanyang Mag-Ama...

JACKY POV

     Sinuri ako ng mapagtanong na mga mata ni Vice...  Tumango na lamang ako bilang pagtugon...

   Nakita Ko ang Hindi maipaliwanag na ekspresyon Sa mukha ni Vice..  Tila Hindi makapaniwalang sya ang Ama ng aking anak..  Madami pa akong dapat ipapaliwanag Sa kanya ngunit sa ngayon hinayaan ko munang yakapin namin ang isat-isa bilang isang buong pamilya...

Jacky : " Ang gwapo diba?  Mana sayo...."

Vice : "Pakiramdam ko nananaginip lang ako Babe..  Totoo pa ba to? O baka nadidileryo lang ako? "

Jacky :  "Totoong-totoo ang lahat ng ito Vice...  Nawala man ang Baby Jr. natin pero  meron naman tayong Baby Viack na dumating.... Pasensya kana Kung Hindi ko sya agad sayo ipinakilala huh?  Sana maintindihan mong gulong-gulo ang isip Ko sa mga oras na ipinagbubuntis ko si Viack.  Natakot akong mawala rin sya kagaya ng Panganay natin...  Hindi ko kakayanin kapag nangyari yun Vice... Natakot akong madamay na naman sya sa depressions na pinagdadaanan natin..  Sana huwag mo akong kwestyonin..  Inisip ko lang ang kapakanan ng bata... "

Vice :   "Sssssshhhhhhhh......  Naiintindihan ko....  Malungkot man isipin na pinagdamotan ako ng pagkakataon bilang Ama Sa loob ng limang taon. Masaya parin ako kasi kilalang-kilala nya ako bilang Daddy nya...  Salamat Jacky... Ang sarap sa pakiramdam... Hindi mo alam kung gaano nyo ako pinasaya!!!"

VICE POV

    Walang mapaglagyan ng tuwa ang aking nadarama sa mga oras  na ito...  Subrang saya ko talaga!!! Tama nga ang sinasabi ng lukso ng dugo..  Ganitong-ganito ang naramdaman ko ng makita ko si Viack  Sa Airport...!!!

   Salamat sa dyos dahil nakilala Ko na ngayon ang aking anak!!!

  Sinulit Ko ang mga panahong kasama ko ang aking mag-ina.  Sa lugar Kung saan punong-puno ng mga ala-ala at pagmamahal... Naglaro kami Sa malapad na damuhan.  Nagtakbohan at nagpalipad ng saranggola..

   Dinama ko sandali ang isang buong pamilya..

   Ngayon Ko naisip at naramdaman Kung gaano pala kasarap ang magkaroon ng anak..

Vice: "Salamat Jacky ha?"

Jacky : "Bakit ka nagpapasalamat Vice? "

Vice :  "dahil inalagaan mo ang anak natin? At Dahil binigyan mo ako ng anak.? Pakiramdam Ko.. Kumpleto na ang pagkatao ko... "

Jacky:  "Salamat din. Kasi ikaw ang naging Ama ng anak ko...?"

   Inabot ko ang kanang kamay ni Jacky at mahina ko itong pinisil..

Vice :  "Gusto kong makumpleto ang pamilya natin Jacky.  Ang magkaroon ng magulang si Viack...  Daddy at mommy? Gusto kong maging Ama sa Kanya...  Gusto kong punan lahat ng mga pagkukulang ko sa inyong dalawa....? "

    Ngunit sa kabila ng mga kagustohan Ko ay nanatili parin akong malungkot..

Vice :  "Susustento ako sa bata..  At magiging isang mabuting Ama para sa kanya... Dahil...... Sa ngayon..  Yun lang ang kaya kong ibigay Jacky...   "😥😥😥😥😥

Jacky :  "Wala kang dapat na ipag-alala Vice... Naiintindihan Ko..  Alam ko namang kasal ka na..  Kaya tanggap ko na hanggang ganito nalang ang sitwasyon natin..."

Vice :  "Salamat Jacky?  Salamat!!!! "

   Mahigpit kong niyakap ang babaeng una kong minahal..  Nais kong muli maramdaman ang mga yakap nya. Dahil Hindi ko alam kong mararamramdaman Ko pa ba itong muli..

Vice :  "Maari ba kitang halikan? Kahit.....  Sa huling pagkakataon? "

     Imbes na sagotin ako ay dahan-dahang ipinikit ni Jacky ang kanyang mga mata..  Bilang hudyat ng kanyang pagsang-ayon...

To be continued...

Patalastas 💕

    Challenge accepted!!!!

    Mommy Lee requested!!!!

    #Lucky10

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now