257) LOVE THIS WAY 💕

169 2 0
                                    

Chapter fifty-three ( Page 257 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Pakiusap

TOM POV

   Pagdating Ko sa ospital tanging mga taong nagpapanic at mga police ang bumungad sa akin...

Tom: "Anong nangyari?  "  Tanong Ko sa isang mamah. 

Mamah:  "May hostage taking na nangyayari Sa loob eh..  Isa patay sa pagsabog... "

Tom:  "Huh? "

    Natulala ako Habang tinitingnan ang nagkukumpolang mga pulis.  Rinig ko rin ang ingay ng mga nagbabarilan... 

Mamah :  "Mabuti pa sir umalis na kayo rito.. Baka matamaan ka pa ng balang ligaw... "

Tom:  "Pero teka sandali? "

   Umalis na ang mamang kausap..  Naramdaman nyang nag vibrate ang kanyang cellphone Kaya agad nya itong kinuha at sinagot.. 

Tom:  "Hello? "

Madc:  "Hello Tom?  Kanina pa ako tawag ng tawag sayo..  Di kita ma-contact.. Nabalitaan mo na ba? Nasaan kana? Huwag ka ng tumuloy Sa hospital..  Masyadong delikado..  "

Tom:  " Nandito na ako.   Muka ngang nagkakagulo dito...  Nag-aalala ako para kina Vice.   "

Madc :  "Wala na si Tito Joey..   "

     Anitong bakas sa tinig ang pag-aalala at paghihinagpis..

Tom :  "Ano? Panong nangyari? "

Madc :  "Hindi ko alam.. Basta yun ang ibinalita sa TV..  At si Viack...  Kinidnap daw.   Kaya please?  Mabuti pa umuwi kana dito sa bahay. Para na akong hihimatayin sa pag-aalala..."

Tom:  "OK sige2x...  "

    Minabuti kong bumalik sa aking sasakyan.. Hindi ko alam Kung bakit parang unti-unting bumibigat ang aking paghakbang.. Kaya muli kong nilingon ang building ng Hospital 🏥 masuri ko itong pinagmasdan.. At dahil nasa kalayoan ang aking kinaroroonan...  Tanaw Ko ang pustora ng lalaking nakatayo malapit Sa gilid ng rooftop.. At Kung Hindi ako nagkakamali..  Mayroon syang hawak  na bata.. 

************************

Jacky :  "Yam.? Huwag naman nating hayaang humantong Sa ganito oh? "

Yam:  "At anong gusto mong kahahantungan natin Huh Jacky?!!  Ang hayaan kang maging masaya ka kasama ang bakla mong boyfriend!!! Haha 😂 😂 ahhh.  Mali!!! Asawa na pala!!! Kakakasal nyo lang diba?!!! "

Jacky :  "Yam please!!!  Itigil na natin 'to!!!  Parang awa mo na..  Gagawin Ko lahat huwag mo lang saktan ang anak ko!!!  Inaanak mo yan!!  Nakalimotan mo na bah!!!! "

    Bahagyang natigilan si Yam... Malamang ay iniisip ng mabuti ang sinabi ni Jacky.. 

Jacky :  "Yam?  Please?  Alam kong may natitira paring kabutihan dyan sa puso mo?  Kaya sana pakinggan mo yun?  Alang-alang  sa bata? "

Yam:  "Wala ka ng magagawa pa Jacky.. Nandito na tayo?  Wala na sa akin ang lahat......... Masamang tao na ang tingin sa akin ng lahat!!!  Kaya bakit Ko sayo ibibigay ang anak mo?! "

Vice :  "Jacky!!!!!! "

   Dali-daling nilapitan ni Vice ang asawa... At hinawakan sa magkabilang balikat...

Viack :"Daddy!!!Daddy!!😩😭😭😭😩"

   Hiyaw ng Umiiyak nilang Anak.. 

Yam:  "Hanep!!! Akalain mong natunton tayo ng magaling mong asawa huh Jacky? "

Vice:  "Hayop ka!!!!!! "  aakma sanang lalapit si Vice Sa kinaroroonan nina Yam ngunit.

Yam:  "Sige!!  Lumapit ka!!  Kung ayaw mong pasabogin Ko ang ulo nitong anak mo? "

Jacky:  "Huwaaaaaggggg!!!! Yam please!!! "   halos mapako si Vice Sa kinatatayoan nya dahil kunting maling hakbang Lang nyay maaring tutuhanin nito ang masamang banta nito Sa kanilang anak na si Viack..  Bagay na hinding-hindi nya hahayaang mangyari..  

Vice :  "Ako nalang ang parusahan mo.... Diba sakin ka naman galit? Dahil sakin kaya di mo makuha-kuha ang gusto mo?  Dahil sa akin kaya ka naging ganyan kamiserable? Kaya sana ako nalang...  Ako nalang at Huwag ang anak ko....." anito sa mababang boses..

Yam:  "May punto ka!!.. Kaya nga gustong-gusto na kitang barilin!!!" 🔫

   Malademonyong  Itinutok ni Yam ang bitbit nyang baril sa kaharap nitong si Vice habang hawak parin ng mahigpit ang umiiyak paring si Viack. 

VICE POV..

   Batid kong sa isang iglap ay maaring kalabitin nito ang gatilyo upang bumaon sa bungo ko ang bala ng kuwarinta'y singko nitong baril na nakatutok sa akin.. Habol ang aking hininga habang nilalabanan ang takot sa aking dibdib.. Hindi ko maatim na may mangyaring masama sa mag-iina ko kaya mas gugustohin ko pang ako nalang ang magbuwis ng buhay para sa kanila..

Vice :    "Ako nalang.... Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sa akin?  Pahirapan mo ako kung yan ang gusto mo..  Huwag mo Lang silang sasaktan?  Pakawalan mo na sila?  Parang awa mo nah? "

Jacky :  "Vice? Kailangan ba talaga umabot sa ganito?  Yam?  Please?  Huwag mo naman hayaang mawalan ng Ama ang mga anak ko...  Maawa ka naman oh?  "

Vice :  "Jacky please?  Tumahimik ka na?  Pare?  Makinig ka?  Handa akong maging kabayaran ang buhay ko maligtas lang ang Mag-Ina ko...  Huwag mo lang silang sasaktan..   Mangako ka...? "

Jacky :  "Vice!!!!?????"

Yam:  "WOW!!!!  Parang teleserye lang Kung magdrama kayong dalawa ah? "

Vice :  "Pakawalan mo na sila.   Nakikiusap ako..?  Ako nalang saktan mo?!! "

Yam:  "Hmmmm...  Let me think 🤔?  Sa palagay ko may punto si Jacky eh? Wala naman akong ibang gusto ngayon kundi ang maging mesirable ang buhay nyo..  Lalo na ikaw Vice!!!! Kaya.... Bakit kita babarilin? Eh kung Sigurado naman akong mas magiging miserable ang buhay mo kapag inuna ko tong kanina pang nagwawanga mong anak? "

    Muling itinutok ni Yam Kay Viack ang hawak nitong baril.

Vice :  "Hindi!!!! Huwag!!! Parang Awa mo na.. Nakikiusap ako....? " 

    Napaluhod ako habang nakikiusap.  Wala na akong ibang maisip na paraan para iligtas ang Mag-Ina ko..

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now