190) LOVE THIS WAY 💕

362 4 0
                                    

Chapter Thirty-six ( Page 190 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Dugo

JACKY POV

    PAGDATING ko ng Condo ay nilambing-lambing ko nalang ang asawa ko.  Alam ko kasing nagtitimpi lang ito ng galit..

Jacky :  "Sorry na po babe ko? "

Vice :  "OK na..  Basta huh?  Sa susunod kapag may problema?  Tawagan mo ako.."

   Kinausap din nito ang mga tauhan namin na huwag muna akong  kuntakin lalo na sa mga nakaka-stressed na bagay kagaya kanina.  Napaka-over protective ng asawa ko kaya naman inintindi ko na lamang sya. Alam ko rin naman kasing para Kay baby ang ginagawa naming pagsasakripisyo..

    Ngunit makalipas lamang ng isang araw ay muli na naman may nakarating sa aking problema.. Walang may kumuntak sakin pero sadya ko lang nalaman ng madulas si Madc sa akin.  Muntik na raw kasing maging Abu ang ViceJack Restaurant dahil Sa kapabayaan ng isang empleyado..  Kahit na nagawan na ng sulosyon at OK na ang store. Hindi ko parin naiwasang mawindang kaya agad akong napasugod sa restaurant...

    Sumakit bigla ang ulo ko dahil sa mga sunod-sunod na problema.. Iba kasi talaga kapag hand's on ako sa negosyo.  Natututokan ko bawat galaw ng mga empleyado

   Pagdating ko dun nadatnan ko ang aking asawa kausap si Madc..

   Laking gulat ni Vice ng makita ako..

Vice :  "Babe? Bakit ka nandito? "

Jacky :  "Nag-alala ako sa restaurant kaya agad akong napasugod dito.  "

    Sandaling tinaponan ni Vice ng tingin si Madc na agad namang nag sorry..

Vice :  "OK na babe. Naagapan naman agad ang sunog..at Na-isaayos na ang problema kaya sige na?  Umuwi na tayo? "

Jacky : "Hindi..  Gusto kong makita ang pinsala sa loob? "

Vice :  "Tsk..  Wag nah?  Tara na at uuwi na tayo..? "

   Hinila nya ako sa kotse nya pero nagpumiglas ako.  Nangingibabaw ang kalooban kong makita ang actual na bakas ng pinsala sa loob ng store.. Kaya binilisan ko ang paglalakad upang makapasok sa loob.. At Hindi na nya ako napigilan..

    Dumiretso ako sa kitchen at talagang napaawang ang mga labi ko saking nakita.  Halos nangitim lahat ng bahagi ng kusina..

   Naiyak-iyak akong lumabas at naupo sa dining table ..

Vice :  "Sabi ko naman sayo?  Ang tigas ng ulo mo..? "

  Alam  kong aksidente lang ang lahat pero ang sakit parin tingnan ang nangyari eh..

Jacky :  "Kailangan maayos ang lahat ng ito..  Hindi ako magiging OK kapag Hindi yun napagawa ulit.  "

Vice :  "Ahmm..  Oo nah.  Si Madc na bahala dun.  Tsaka pwede ba babe?  Wag mo na problemahin ang mga bagay na tulad nito?  Kaya nga ako nandito diba?  Inaayos ko na? "

Jacky :  "Hindi mo maaalis sa akin ang huwag mag-alala Vice?  Alam mo namang mahal na mahal ko ang restaurant na to. "

Vice : "Oo alam ko.  Naiintindihan ko naman?  Pero sa sitwasyon ngayon alam mong hindi ka pwedeng ma-stressed diba?"

Jacky : "Hindi ko ginugustong ma-stressed Vice... Sadyang dumadating lang at wala akong choice kundi ang labanan.. "

Vice :  "OK sige na?  Huwag na tayo mag-away...?  Uwi na tayo... "

   PAG-UWI Namin sa bahay nakaramdam ako ng panhihina ng katawan..  Pero di ko ininda ayukong mag-alala ang asawa ko.  Baka sa pagod lang ito at gawa ng pag-aalala ko.. 

    Kunti lang din yung nakain ko.. Kasi wala talaga akong gana eh. Hanggang Sa oras ng pagtulog namin ni Vice ay may Kung anung bumabagabag parin Sa aking ulirat...

   Hindi ako makatulog..  Nilingon ko ang nakatihayang tulog na tulog na si Vice..

  Rinig ko pa ang kanyang paghilik.. Pagod na pagod ang asawa ko kaya Hindi ko nalang sya ginising.  Gusto ko kasing uminum ng gatas baka sakaling makatulong upang maka-tulog na ako..

   Ngunit pag tayo ko?  Nakaramdam ako ng kirot sa tyan..  Bagay na ngayon ko lang naramdaman.  Hindi rin naman sipa ni Baby at sigurado akong iba ang dahilan..

   Pinilit ko paring tumayo at unti-unting naglakad.. Hawak-hawak ko ang malaki kong tyan. 

   Hinimas-himas ko ang aking bilog na tyan at mahinang kinausap ang baby sa loob..

   "Baby?  Magtitimpla lang ng gatas si Mommy?  Behave ka lang jan huh? "

   Habang naglalagay ako ng mainit na tubig sa Tasa ay bigla na namang kumirot ang tyan ko.  Mas masakit kaysa noong una..

  Natigilan ako sa ginagawa dahil baka malapnos ako ng mainit na tubig.. Naitukod ko ang aking dalawang kamay sa lamesa habang namimilipit ako sa sakit..

    Unti-unting nanginig ang tuhod ko kaya napatingin ako sa baba. 

    Habol ang hininga ko ng makita ang sunod-sunod na pagtulo ng dugo saking hita at paa..

To be continued.
  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ