177) LOVE THIS WAY 💕

494 6 0
                                    

Chapter Twenty-nine ( Page 177 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#AngPag-aasam

BELLA POV

    MAGKATABI kami ng matipuno kong kasintahan na si Zanjo sa iisang kama... Hubo't hubad na magkayakap.. 

    Sa aming muling pagkikita ay Hindi namin naiwasang Gawin ang mga ganitong bagay  . Bagay na wala naman akong pinagsisihan..

   Nangako naman syang pananagotan nya ako Kung saka-sakaling madisgrasya..  Hehe. 😊

    Kaso lang di ko maiwasang mag-alala para sa pinsan nyang si Cardo.. 

   Matagal din kasi ito naghintay at nag-effort para lang sagotin ko.  Pero heto ako ngayon.  Kasama ang pinsan nyang si Zanjo..  Wala naman akong magagawa Kung sino ang tinitibok ng puso ko.  Sana maintindihan nya ang lahat.. 

Bella:  "Zanj?  Naisip ko lang? Ahm.  Panu si Cardo?  Baka kasi magalit sya? "

Zanjo:  "Hmmm.  Ako na bahala magpaliwanag sa kanya..  Hindi naman pwedeng pilitin ka nya kahit iba ang mahal mo diba? "

Bella :  "Nag-aalala parin ako... "

   Hinalikan nya ako sa noo.  😘

Zanjo:  "Bukas na bukas magkasama tayong harapin sya..  ?"

Bella:  "Sige.. Mahirap na baka malaman pa nya sa iba"

   Natulog kaming magkayakap at  magkadantay sa loob ng isang motel...

     KINABUKASAN Ay tinahak na nilang magkasintahan ang daan pauwi sa kanila..

    Isang bakasyong lalayo sa kanila Sa kagulohan..  Sa mga hinanakit.  Sa mga di kaaya-ayang pangyayari. 

  Naisip ni Vice na makakabuti sa kanila ang ganito..  Upang bigyan ng panahon ang kanilang relasyon..

VICE POV

    PAGDATING namin ni Jacky sa Amin.  Eh agad ko syang pinagpahinga sa bahay nila.  Nasusuka na naman kasi sya at nahihilo.  Di na talaga sya nasanay sa byahe kaya naman naawa ako..  Nakalimotan ko rin kasing painumin sya ng gamot para iwas byahilo..

Vice :  "Babe?  Sigurado ka OK kana dito? "

    Tanong ko sa Kanya matapos ko syang painumin ng maligamgam na tubig na may halong white flower.

Jacky : "Opo babe.. "

Tita Amy :   "Pagpahingahin mo nalang muna si Jacky Utoy..  At mukang hilong-hilo talaga sya.. "

Vice :  "Kaya nga po..  Sige po Tita? Babalik nalang ulit ako dito mamaya.  Babe?  Pahinga kana huh? Text mo ako agad pag nagising kana.. "

    Tumango lang sya bago nahiga..

Vice :  "Alis na po ako Tita. ?"

Tita Amy:  "Oh sya sige-sige.. "

      Haaaays sana naman bumuti na agad ang pakiramdam ni Jacky para naman makapasyal na kami sa Kanlungan..  Miss ko na ang tanawin dun eh.  Matagal-tagal na ring Hindi kami nakabalik sa Punong Mangga. Tsaka excited na din kasi akong ibigay ang singsing 💍 para sa kanya. Excited na akong sabihin ang mga katagang
"Will you marry me? "   
Excited na akong hingin ang kanyang mga kamay.. At excited na akong marinig ang natamis nyang Oo.

    Haaaays...  Hindi magtatagal magiging tunay na mag-asawa na kami ni Jacky..  Hindi magtatagal makakabuo na kami ng isang pamilya.. Hindi magtatagal magkaka-Junior na ako. Hehe... 😂  Gusto ko agad kaming magka-baby eh.. Gusto Kong bigyan na ng Apo si Papa.  Kasi yun naman lagi ang hinihiling nya.. Hehe..  Hindi na talaga ako makapag-hintay..

KARYLLE POV

    NAAALALA ko ang mga panahong muntik ko ng halikan si Vice.  Hindi dahil sa lasing ako kaya ko nagawa yun..  Kasi kahit nakainum ako.  Tandang-tanda ko parin ang bawat mga galaw ko.. 

   Nagawa ko yun Hindi rin dahil sa heart broken ako..  Kundi dahil..  Matagal ko na talagang inaasam-asam ang halikan sya sa mga labi. Ngunit dahil Sa pagmamahal ko kay Yael.  Kahit ni minsan Hindi ko ginustong magkasala sa Kanya.  Dahil mahal ko sya..  At nong malaman ko pang kapatid ko pala si Jacky.  Mas lalo akong nagkaroon ng dahilan upang patayin ang maling damdamin na umuusbong saking puso para kay Vice..

   Dahil alam kong mali.  Alam kong Hindi tama. Alam kong may masasaktan.  At mas lalong ayaw kong ahasin ang kapatid kong si Jacky..  Kahit na Hindi pa maganda ang pakikitungo nya sa akin sa ngayon. Mahal ko parin sya. Mahal na Mahal ko ang mga kapatid ko.  At Hindi ako susukong pagbatiin silang dalawa ni Macoy.

    Kaya naman hanggat kaya ko pipigilan ko ang nararamdaman ko kay Vice.  Alam kong mahirap pero sisikapin ko...  Isa pa alam kong Hindi ipagpapalit ni Vice si Jacky sa isang katulad kong walang kakayahang magka-anak.. 

   Kaya imposibleng mangyaring magugustuhan nya ako.  Imposibleng mahalin nya ang isang katulad kong walang kwenta..  Kasi Sa pagkakaalam ko gustong-gusto nyang magka-baby..  Na ganun din naman si Yael..  Kaya nga Nya ako iniwan eh dahil sa mga bagay na Hindi ko naman kayang ibigay..

To be continued.. 

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now