217) LOVE THIS WAY 💕

431 9 4
                                    

Chapter Forty-six ( Page 217 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Grocery

ARAW NG LINGGO!!

ITS FAMILY DAY!!

    Gaya ng nakasanayan ng mag-asawang Vice at karylle Pagkatapos nilang magsimba at kumain sa labas ay deretso na ang dalawa sa Mall upang Mag grocery...

   Nasa counter na ang mag-asawa ng may biglang maalala si Karylle..

Karylle:  "Love?  May nakalimotan pala akong bilhin?  My gosh!!! "

Vice :  "Huh? Ano yun? "

Karylle:  "Basta..   Hintayin mo nalang ako dito huh?  Medyo mahaba pa naman ang pila..  OK? ".

Vice :  "OK love... Huwag ka masyadong magtagal huh? ".

Karylle:  "OK po 👌 "

KRYLLE POV

    Sa dami kong pweding makalimotan ang Quaker oats pa ng asawa ko..   Na paborito nyang almusal everyday... 

    Ang malas pa kasi mukang out of stock sila kaya kailangan ko tuloy mamili ng ibang brand?! Haaaysss..

     After kong mamili ay naagaw ang aking pansin sa umiiyak na batang lalaking karga-karga ng isang Yaya...

   Nanlaki ang aking mga mata ng aking mapagtanto ang malaking pagkakahawig nito sa asawa ko...?

   At ng makita Ko si Jacky na lumapit sa umiiyak na batang lalaki at kinarga... Doon ako biglang nataohan saking kinatatayuan... Dali-dali akong nagtago Sa kabilang sulok at lihim na sumilip sa nagpapatahan kong kapatid... Kinabahan ako ng maglakad ito patungo sa kinaroroonan ko.. 

Jacky:   "don't cry na baby please?  Ano bang sabi ng mommy?  Diba mag-goodboy ka? "

   Mabilis na lumakas ang kabog ng aking dibdib...!!!  Sa aking narinig. Hindi kaya anak ni Vice ang batang karga-karga ni Jacky?  At Hindi malabong tama ang hinala ko dahil Sa tingin ko.   Nasa apat o limang taong gulang na ang bata. At napaka-imposibleng coincidence lang ang pagkakahawig nito Kay Vice?

   At Kung pamangkin ko ang batang karga-karga nya? Ay dapat lang makilala ko sya!!!

Karylle:  "Jacky? "

   Lakas loob kong tinawag ang kanyang pangalan...

   At laking gulat nya ng makita ako...

Jacky :  "Ate? "

Karylle:  "Ahm.... Gusto kong makilala ang pamangkin Ko..  ?"..

JACKY POV

    Nagulat ako ng makita ko si Ate karylle!!!  At mukhang ang laki ng tiwala nitong anak ko si Viack kaya wala na yata akong dahilan para itago pa ang kalagayan Ko...

Jacky :  "Ahmm..  Baby Viack?  Bless ka muna ka Tita K? "

   Kahit tumutulo ang luha ay nagbless parin ang super cute na si Baby Viack sa tita Karylle nya...

  Hindi rin napigilan ni Ate na halikan at kargahin ang kawawang mukha ng Anak ko... Umaandar kasi ang pagiging spoiled nito.  Ugaling namana nya sa Amang si Vice..

Karylle:  "Mukhang nagmana sa Ama ah? "

    Mas lalo lang ako nakaramdam ng pressure na sabihin ang totoo kasi kahit Hindi ko sabihin mukhang alam na alam nya na ang lahat eh..  Hindi naman kasi talaga mapagkakailang anak ni Vice si Viack. 

  Unang tingin palang mapag-aalaman mo na...

Jacky :  "Ate?  Pwede bang satin na muna to? "

Karylle:  "Pero Jacky?  Karapatan ni Vice malamang may anak kayo? "

Jacky :  "Alam ko...  Pero ayukong maging dahilan ang lahat ng ito para magkaproblema ang pagsasama ninyo? "

   Bahagyang natigilan ang kapatid Ko.. Marahil ay naisip nito na tama ako...

   Alam nya kasi Kung gaano kagusto ni Vice ang magkaroon ng anak..   Mga bagay nya Hindi nya maibigay sa asawa nya...

Karylle: "Hindi Ko alam Kung anong mararamdaman ko Jacky...  Pero sana makapag-usap tayo ulit at makasama ko ang pamangkin Ko ng mas matagal? "

VICE POV

     Ako na yung susunod sa pila..  Pero Hindi pa dumadating si Karylle..  Asan na kaya yun? 

Vice :  "Ahhh. ..miss?  Pwede bang makisuyo? patingin ako saglit oh?  Hanapin ko lang sandali ang asawa Ko...? "

Babae :  "Ahh. Sige. "

Vice :  "Salamat huh? "

   Binilisan ko ang paglalakad...  Upang hanapin ang asawa ko...  Nagsimula rin akong Mag dial upang tawagan sya.  Kaso hindi nya sinasagot...

    Sa subrang lawak ng Grocery at sa dami ng tao ay hirap akong matagpuan sya...

    Hanggang Sa ilang metro ang layo mula sa akin ay tanaw ko ang aking asawa na may kargang bata...  Kunot noo akong naglakad papalapit sa kanila.. 

   Dahil sa bilis ng aking mga galaw ay Hindi ko sinasadyang may nakabangga akong isang matandang babae.. 

Vice : "Naku Lola Ganda?!  Pasenya na po talaga...  Sorry sorry po talaga.... "

   Mabilis kong pinulot ang mga nahulog nitong bitbit na mga kamatis... 

  Buti nalang Hindi nagalit ang matanda. At mukha namang mabait...

To be continued.  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now