209) LOVE THIS WAY 💕

457 9 5
                                    

Chapter Forty-three ( Page 209 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Titig

VICE POV

      Ilang sandali ko syang tinitigan..

Naiilang ako kapag nagtatagpo ang aming mga mata..

    At saking pagmumuni Sa nakaraan ngayon ko lang napansin ang babaeng nakita ko sa Airport kamakailan lang..

   Hindi ko maiwasan bigla ang magtaka...  Kunot noo Ko syang tiningnan..  At ng ako ay kanyang sulyapan..  Tinaasan ko sya ng kilay bilang paraan ng pagtatanong... Bahagya syang napaisip.  Siguro inaalala ang mga pangyayari.. 

Melvie :  "Magkakilala ba tayo? "

     Takang pagtatanong nito. 

  Akala ko ba naman kaibigan ito ni Jacky?  Pero ang saklap naman Kung Hindi man lang ako nito ikinuwento rito..

Vice :  "at the airport?  Remember? "

   Sandali itong nag-isip..

Melvie :  "Ahhh..  Yeah!!!  😂 it's you!!!!  "

Vice : "Hindi ko akalaing magkakilala kayo ni Jacky? At talagang may hawig Kay Jacky ang baby Viack mo huh? Coincidence lang ba yun?  O baka naman pinaglihian mo sya? "

    Napansin kong bigla itong natigilan.  Mas lalo tuloy namuo ang pagdududa sa isipan ko..

Jacky :  "Hindi yun coincidence..  Ang totoo inaanak ko pa si Baby Viack..   And I'm sorry kung ipinangalan ko is Viack...? "

Si Jacky ang sumagot para sa Kanya..

Vice :  "Aaah..  Ganun ba?  I see.................... Anyway? Bat pala Hindi mo isinama si Viack?  Sayang naman yung Children's party? "

Melvie : "Ahhm..  Hehe 😂..  Ayaw kasi mawalay muna sa daddy nya eh?  Kaya hinayaan ko na muna magbonding ang dalawa... "

Vice :  "Ahhh..  OK.... "

    Hindi ko alam pero bakit may bahagi ng puso at isipan kong nagsasabi na gusto ko ring maka-bonding ang batang yun...

   Sana balang araw..  Muli ko syang makita.. 

   Natigilan ako ng biglang magRing ang aking cellphone...

    Si Karylle..  Tumatawag...

   Bahagya akong dumestansya sa kanila.  At nag-excuse pansamantala..

Vice :  "Hello Love? Oh?  Asan kana? "

Karylle:  ."... Love?  Ahm..  Mali-late ako ng dating huh?  Pakisabi Kay Ayiesha hahabol ako OK?  Baka kasi magtampo ang bata.  ?"

Vice : "OK love...  Gusto mo sundoin na kita jan?  OH baka naman kailangan nyo ang tulong ko? Ayaw parin bang makipag-areglo? "

Karylle:  "Hindi..  Huwag na love.  Kunting pakiusapan nalang ito... Basta..  Stay ka lang dyan huh? I love you? "

Vice : "Hmm..  OK..  I love you too.. "

    Pagkababa ko ng cellphone Biglang sumagi Sa isip ko na ano kaya ang magiging reakyon ni Jacky kapag nalaman nyang nag-asawa na ako..  At ate nya pa ang napangasawa Ko.. Ngayon ko naisip ang posibilidad na baka magalit sya?  O baka sumama ang kalooban nya?. Pero masisisi ba nya ako kung natuto akong magmahal ng iba?  Iniwan nya ako..  At hinintay ko sya. Siguro nga tuloyan nya ng kinalimotan ang damdamin nya para sa akin kaya nagawa nya akong tiisin..

JACKY POV

    Kailangan kong magsinungaling... Hindi pa napapanahon na malaman nyang may anak kaming dalawa..  Gusto ko muna syang makausap ng masinsinan bago ko aminin sa Kanya ang lahat..  Pero paanu nga ba kami makakapag-usap?  Nakakahiya naman Kung hihingin ko sa Kanya yun?  Ang awkward talaga...  Lalo na kapag sumusulyap sya ng tingin sa akin...

  Habang kasalukoyang nagpeperform ang Clown na mag-e- entertain sa mga bata ay ibinaling ko na muna saglit ang atensyon ko sa mga ito..  Siguradong matutuwa sana si baby Viack Kung isinama ko sya rito...

    Lumapit ako sa inaanak ko at hinalikan ko sya sa noo...

   Laking pasasalamat Ko dahil kahit papanu ay nagiging malambing na sa akin si Ayiesha kahit ilang sandali pa lamang nya ako nakikilala..

   Kaya lang laking gulat Ko ng bigla ring tumabi sa amin si Vice at nginitian ako ng pagkatamis-tamis...

   Napaawang yung mga labi ko ng halikan nya rin ang noo ni Ayiesha..  Kung saan ako unang humalik..

   Napailing tuloy ako..  At kagat labing pinigilan ang bugso ng aking damdamin..

Vice :  "Are you enjoying the Clown baby Yesha? " 😊😊

Ayiesha:  "Yes po Ninong Pogi.   Where is Ninang Ganda? Hindi ba sya pupunta? "

    Biglang kumabog yung dibdib ko..  Ninang Ganda?  Sino yun? Sino ang tinutukoy ni Yesha?  May kung anong kirot sa puso ko..  Sana naman mali ang inisip Ko..

Vice :  "Ninang Ganda is coming na baby Girl.. Hmm? " hinalikan nya ulit si Yesha sa pisngi.. "

Ayiesha:  "Okay..  I really miss her...  "

    Hindi napigilan ng damdamin ko ang kalitohan kaya nag-excuse na muna ako..  I need air...

    Dinala ako ng mga paa ko sa madilim na bahagi ng garden nila Ate Anne..

    Ang Hindi ko alam.  Sinundan pala ako ni Vice...

Vice :  "Jacky........................"

Nilingon ko sya at nagkatitigan kami...

To be continued....  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackDonde viven las historias. Descúbrelo ahora