189) LOVE THIS WAY 💕

368 5 0
                                    

Chapter Thirty-six ( Page 189 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Masilan

JACKY POV

      Tanghaling tapat ng makaramdam ako ng pagkahilo sa Restaurant.. Napasandal ako sa pader...  Biglang nanilim ang paningin ko..  Hanggang sa tuloyan ng bumigay ang mga tuhod ko.  Naramdaman kong may sumalo Sa akin ngunit Hindi ko na alam Kung sino..  Biglang nagkagulo sa paligid ko hanggang sa tuloyan na akong nawalan ng Malay..

     Nagising ako sa nakakasilaw na ilaw saking harapan..  At maging sa maiinit na haplos ng palad Sa aking mga kamay. 

Vice :  "Babe?  OK na ba pakiramdam mo? "

Jacky : "Anu nangyari?  "

Vice :  "Bigla ka lang kasi nahilo.  Sabi ko naman kasi sayo magpahinga ka?  Hayaan mo na munang sila Launch At Madc ang magpatakbo ng restaurant?"

Jacky:  "Sorry babe..  "

Vice :  "Sabi ng doctor kailangan mo raw magpahinga..  Kaya simula bukas sa condo ka lang mananatili OK?  "

Jacky :  "Opo...  "

     Masuyo kong hinawakan ang aking malaking tyan..  Upang sabihing
" kapit lang baby "

   MATAPOS kong makalabas sa hospital ay minabuti kong manatili sa condo. Andun lang ako buong maghapon..  Ang boring pero tiniis ko.  Every lunch time ay umuuwi ang asawa ko upang sabayan akong kumain..  Sya na din yung bumibili ng magiging pagkain namin. Masaya akong kahit papanu ay binabahagian parin ako ng oras ng asawa ko kahit busy sya sa trabaho. Kaya naman mas lalo lang akong nai-spoiled sa kanya..

   Isang linggo narin ang nakaraan na nasa condo lang ako..  Kahit wala ako sa restaurant ay maya't maya parin naman akong tumatawag Sa kanila... Upang kamustahin ang status ng benta at mga customer..

    Hanggang sa isang araw ay makatanggap ako ng tawag mula sa aking pinagkakatiwalaang service crew..

    Meron daw isang Hindi inaasahang customer's complain... Nagwawala raw ang customer at hinahanap ang may-ari.  Bigla akong nataranta at inalam ang kabuoan ng pangyayari.. 

    Sinikap kong magbihis at mabilisang tumungo sa restaurant..

   Ayon saking tauhan ay mayabang at mapagmataas talaga ang customer.. Noong hiningan ng small bills ay bigla nalang nagalit..

   Sabi nito?  Poproblemahin paba daw nya ang bagay na yun?  At ito namang service crew ay medyo uminit rin yung ulo dahil approachable naman daw yung pagkakasabi nya ng bigla nalang itong syang sinigawan..  Kaya di nya napigilang sagot-sagotin ang customer..

   Pagdating ko sa restaurant.. Agad bumungad sakin ang galit na galit na customer ..

   Agad akong humingi ng paumanhin sa nangyaring kagulohan..  Ngunit masyadong ma-pride at papresyo ang customer na to..  Pinilit ko paring magpakumbaba. 

   Na-stress ako bigla sa mga pinagsasabi nya.  At nais pa nitong tanggalin ko ang tauhan ko..  Pilit kong pina-intindi sa Kanya na sana'y wag ng umabot sa ganun ang mga bagay-bagay pero Hindi ito nakikinig.. 

   Kaya wala akong nagawa..  Mabigat man sa aking kalooban ngunit kinakailangan kong suspendihin ang isa sa mga employee ko..

    Tsaka pa kumalma ang customer ng pinaalis ko na sa counter ang service crew.  

    At hinayaan na muna syang magpahinga..

   Ilang sandali ng nakaka-stressed na pangyayari ay mas pinili ko nalang muna manatili sa restaurant...

    Namiss ko din kasi ang kusina at para naman maiwasan ang customers complaints. 

VICE POV

     ALAS SAIS na ng gabi ng makauwi ako sa condo.  Inagahan ko ng uwi dahil nami-miss ko na ang mag-ina ko..

    Kaso laking pagtataka ko ng wala akong nadatnang Jacky sa bahay..  Hinanap ko sya sa lahat ng sulok at sa roof top dahil baka nagpahangin na naman kaso wala sya..  Kaya naman ang ginawa ko ay tinawagan ko sya.. 

Vice :  "Nasaan ka? "

Jacky :  "Babe?  Ahmmm..  Nasa restaurant ako eh.  Anjan ka na ba Condo? "

Vice : "Bakit ka nandyan?  Diba sabi kong magpahinga ka lang?  Makakasama Kay baby ang mapagod ka...? "

Jacky :  "Sorry naman babe?  Wag ka naman magalit?  Uuwi na ako? "

Vice:  "Sige.  Hintayin mo ako dyan susundoin kita... "

    Gusto kong magalit pero pinigilan ko.. 

   Ayukong mag-away kami lalo na't masilan sa ngayon ang kanyang sitwasyon.. Handa akong magpakumbaba at intindihin sya sa lahat ng bagay. 

To be continued

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackOnde histórias criam vida. Descubra agora