258) LOVE THIS WAY 💕

179 0 0
                                    

Chapter Fifty-four ( Page 258 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Baril

       Muling itinutok ni Yam Kay Viack ang hawak nitong baril.

Vice :  "Hindi!!!! Huwag!!! Parang Awa mo na.. Nakikiusap ako....? " 

    Napaluhod ako habang nakikiusap.  Wala na akong ibang maisip na paraan para iligtas ang Mag-Ina ko..

Yam : "Tsk. Tsk. Tsk. Tsk. Tama ba ang nakikita ko?  Nagmamakaawa Ang isang Viceral sa harap ko?  Hahaha 😂 😂 😂 "

Jacky :  "Yam..  Parang awa mo nah...  Huwag si Viack...  Please huhuhuh 😭"

Yam : "Bakit Jacky?  Sino bang mas gusto mong unahin ko?  Itong panganay mo? O yang nasa sinapupunan mo huh? "

    Ibinaling ni Yam Kay Jacky ang hawak nitong baril.. 

Vice :  "Ako nalang!!!  Ako nalang!! Ako nalang saktan mo!!  "

   Hysterical nitong sabi.

    Nang may biglang umagaw ng baril mula sa likoran ni Yam..

   Nag-agawan ang dalawa Kaya nakawala Sa pagkakahawak nito si Viack na agad namang tumakbo sa mga magulang...

Jacky :  "Sshhh..  Tahan na baby ko?"

   Pilit pinapatahan ni Jacky ang anak na halos umuubo na sa kakaiyak..

Vice :  "OK ka lang? "

   Niyakap ng mahigpit ni Vice ang mag-ina..  Na tila Wala ng bukas..

At muli itong binalingan ang nag-aagawan parin ng baril na sina Yam at Tom..

Batid nyang Hindi pa sila ligtas dahil sa hawak parin ni Yam ang baril..

Muling tumayo si Vice at naghanap ng kahit na anong bagay na maari nyang gamitin pamukpok ng biglang umalingaw-ngaw ang isang putok ng baril.. Ilang sandali pa'y Dugoang bumagsak sa sahig si Tom hawak ang sugat sa t'yan..

Jacky :  "Tom?!! 😱"

   Umakmang susugod sana si Vice ngunit mabilis nitong kinalabit ang gatilyo ng baril.. 

   Napaluhod si Vice isang dipa malapit sa kanyang mag-ina..  Dahil sa tama ng baril Sa paa.

Agad namang nilapitan ng mag-ina si Vice na dinadamdam ang sakit..

Viack :  "Daddy!!! Daddy!! 😭😭😭"

Jacky :  "Babe? 😭  hayop ka Yam!!! Hayop ka!!!!!! 😭😭"

Yam:  " haha 😂😆😈😈Hayop talaga ako Jacky!!  At ang hayop na to?!!  Ang papatay sayo!!! 🔫 "

Malademonyong ipinutok nito ang Baril.. 🔫 🔫 🔫 🔫 🔫 🔫

JACKY POV

     Marahil ito na nga ang kataposan ng lahat.. Ang mamatay sa kamay ng walang awang si Yam..

     Ang akala kong may Kahit kaunting kabutihan pa Sa puso nya ay biglang nabura sa isip ko dahil Sa sunod-sunod nitong pamamaril..  At ngayong hawak nito ang aming buhay tanging pangalan na lamang ng dios ang kaya kong sambitin..

   Lalo na't batid kong walang pagdadalawang isip nitong kinalabit ang gatilyo ng kanyang baril.  Napapikit nalang ako at Halos mabingi ng marinig ang dalawang magkasunod na malakas na putok.

Halo-halong ingay ang naririnig ng aking tenga.. Maliban sa iyak ng isang bata at ang malakas na kabog ng aking dibdib ay ang mga ugong na Hindi ko maintindihan Kung saan nagmumula.

   Iminulat ko ang aking mga mata at tanging larawan ni Vice na sumusuka ng dugo ang aking nasilayan..

Jacky :  "Oh God!!! "

    Muling pinatunayan ni Vice ang wagas na pagmamahal nya sa aming mag-ina..  Na sya ring halos nagpaguho ng aking mundo.. Ng bumagsak sya sa kandungan Ko.. 

   Sa eksinang iyon nagsara ang aking ala-ala... Dahil Sa mga oras na yun tanging ang sakit at pagdadalamhati ang pumuno saking gunita...

***************

Wala sa sariling humalakhak sa tawa si Yam..  Na tila tuwang-tuwa sa ginagawang krimen..

Ngunit ito ay nabigla ng makitang papalapit Sa kanya si Tom na pilit kinakaya ang paghakbang.. 

TOM POV

    Alam kong Hindi biro ang tinamo kong tama sa tyan.. Unti-unti naring nawawala ang aking ulirat dahil sa dami ng dugong nawala Sa akin..  Ilang sandali nalang ay mawawalan rin ako ng malay..  At Hindi ko alam kung maisasalba pa ba ang aking buhay.. 

   Alam kong naghihintay saking pag-uwi ang aking asawa.. Ngunit sa sitwasyong kinalalagyan Ko ngayo'y kailangan kong gawin ang nararapat.. Gayong nakabaon na ang aking isang paa Sa hukay nais kong magkaroon ng silbi ang aking buhay..  At yun ay ang magsakripisyo alang-alang sa kaligtasan ng lahat at sa ikakatahimik ng aking kaluluwa..

   Kaya naman buong lakas akong bumangon kahit na ako'y hirap at nauubosan na ng hininga ay kinaya kong lumapit Sa kanya at buong pwersa Ko syang itinulak... Hanggang sa sabay kaming nahulog Sa building.. 

   Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at sinambit ang pangalan ng ating panginoon...

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें