201) LOVE THIS WAY 💕

377 1 0
                                    

Chapter Forty ( Page 201 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#HappilyMarried

MAKALIPAS ANG LIMANG TAON...

VICE POV

    Limang taon na pala ang nakaraan matapos kami maghiwalay ni Jacky..

   Naniwala akong mahahanap ko sya ngunit halos ilang buwan at taon din ang iginugol ko sa paghahanap at paghihintay sa kanyang muling pagbabalik. 

   Nakakalungkot man isipin ngunit pinilit ko itong tinanggap. Wala na akong magawa kundi ang magsimula ng panibagong buhay.

   Sa tulong ng aking mga pamilya..  Barkada.. At ng bago kong pag-ibig na si karylle.. Ay Natutunan kong tumayo muli at magsimula.. 

   Si Karylle?  Sya ang naging kaagapay ko sa biglaang pagkawala ni Jacky...  Sya ang laging nandyan para sa akin.. Ang sumalo sa aking biglaang pagpapatihulog..
    Ang mga bisig at balikat nya ang aking laging iniiyakan.. Sa kabila ng ginawa ko sa kanya Hindi ko akalain na mananatili parin sya saking tabi.. Noong una ay talagang nilabanan nya ang kanyang damdamin para sa akin.  Ngunit noong maglaon ay kapwa na lamang namin napagtanto na nahuhulog na pala kami sa isat-isa.  Sa kanya ko natagpuan ang kalinga sa sugatan kong puso...

   At ngayon... I am happily married with her..  1 year na kaming kasal at masaya akong kasama sya...  Pinunan nito ng pagmamahal ang lahat ng kakulangan sa puso ko...

   Kahit wala kaming baby.  OK lang..  Napagdesisyonan na rin naman naming mag-ampon. Pero Hindi na muna sa ngayon.. Ini-enjoy pa kasi namin ang pagiging mag-asawa. Na kami lang dalawa..  Actually. Kagagaling lang namin sa vacation..  At parang narin kami nag honey moon.. Hehe..

   Isa na pala akong head manager ngayon sa company...  And At the same time business man... Magkatuwang namin pinapalakad ni Karylle ang Bar...  Paminsan-minsan every Saturday ay tumutugtog din kaming mag-asawa.  Madami kasi ang nagre-request kaya Hindi pwedeng Hindi namin pagbigyan.. At talaga namang subrang blessed lang  kami dahil sa magandang pamumuhay namin bilang mag-asawa.  Nakapagpatayo na kami ng bahay at nakabili rin ako ng Dream Car..

   Samantala..  Ang restaurant naman namin ni Jacky ay tuloyan ng nagsara.  Hindi na nya kasi talaga ito binalikan.  Tila kinalimotan narin nito ang lahat na meron sya..  Kagaya ng paglimot nya sa akin.  Pero yung mga gamit ng Restaurant ay nandoon parin. Hindi ko na yun pinakialaman..  Noong una nagbabayad talaga ako ng tagalinis ng restaurant kasi Kawawa naman Kung pababayaan nalang ng ganun-ganun nalang.. Ngunit noong naging busy na ako sa trabaho at negosyo at sa asawa ko..  Hindi ko na naatupag ito at tuloyan ng nawaglit sa isipan ko..

    Alam kong maraming masasaya at malulungkot na ala-ala ang naiwan ni Jacky sa kanyang pag-alis..  Masyado mang malalim ang sugat na idinulot nya nagpapasalamat parin ako dahil naging bahagi sya ng buhay ko..  

   At ngayong may sariling buhay narin akong tinatahak..  Nawa'y masaya narin si Jacky sa buhay na pinili nya..

   Ang buhay na wala ako sa piling nya...

  Siguro nga't marahil ay Hindi kami para sa isat-isa...  Ngunit isang bagay na lagi kong tinatanong sa may kapal ay Kung bakit pa ba ipinagtatagpo ang dalawang puso para magmahalan?  Gayong Hindi naman pala sila para sa isat-isa?

  Ang Tadhana ang syang tanging masusunod!!! Kahit Gaanu pa nating gustohin na ibahin ang ikot ng mundo ngunit kapag panahon na ang nagpasya ay wala parin tayong magagawa.. 

   Sa kasalukoyan....  Tinuon ko ang aking buong atensyon bilang isang mabuting asawa sa may bahay kong si Karylle..

  Ganun din ito sa akin.  Masyado syang maalaga at mapagmahal.. Understanding at malambing.  Mga katangian na tinataglay rin ni Jacky noon..

   Siguro ang swerte ko lang talaga sa mga babaeng minahal ko..  Sabibin na natin na parang tinuhog ko yung magkapatid..  Pero Hindi ko naman yun ginusto.  Kusa ko nalang naramdaman ang pagmamahal ko kay K..

Siguro dahil nga lagi syang nandyan para sa akin.. 

Vice :  "Love? Masyado kang busy  dyan sa sinusulat mo? "

Karylle:  "Hmm...  Hehe... Malapit ng matapos Love...".. 

    Niyapos ko ang asawa ko habang nagsusulat.. 

Vice :  "I need you Love? ....."

   Masuyo kong sininghot ang kanyang buhok.. Malapit sa taenga.

Karylle:  "Love love ko?  Hehe.  Later naaa?"

Vice :  "I can't wait....... "

    Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago itiniklop ang  hawak nyang notebook.. 📓...

Karylle:  "Grabe?  Ang kulit talaga ng Love ko? Hmmmmpppp"

  Isang masuyong halik ang iginawad namin sa isat-isa at masayang nilakbay ang langit. 

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now