239) LOVE THIS WAY 💕

237 4 0
                                    

Chapter forty-five ( Page 239 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Bangon

VICE POV

     Hindi ko alam Kung bakit nangyayari ang ganito?  Nawalan ako ng asawa sa isang iglap..  Ang sakit..  Parang bangungot Lamang ang lahat.  Parang kailan lang ang saya-saya pa ng bawat pagsasama namin..  Walang problema at laging masaya..  Ngunit ngayon. Sa limang taong sya ang naging sandalan ko sa buhay at sa mahigit dalawang taon naming mag-asawa. Di ko alam Kung paano ko haharapin ang buhay ng mag-isa...

   Mahirap..  Masakit..  At nakakapanghina ang biglaang pagkawala ng asawa Ko.. 

  Halos wala na akong mailuha dahil sa samo't saring nararamdaman ko sa mga oras na nasa kabaong na sya..  Habang tinititigan Ko syang nakapikit..  Di ko mapigilang huwag alalahanin ang mga panahong ikinasal kami sa simbahan.  Ang mga ngiti nyang kailan man ay Hindi ko na masisilayan.. 

Vice: " Love?  Pasensya kana huh?  Kung hanggang ngayon nagugulohan parin ako sa mga nangyayari.  Kung bakit sumuko ka agad..  Alam ko na lumaban ka..  At alam ko rin na nahihirapan ka..  Pero Love?  Mamimiss kita eh?  Ang daya mo...😢"

JACKY POV

     Muntik na akong mawalan ng malay ng mabalitaan kong wala na ang kapatid ko.. 

     Laking panghihinayang ko Kung bakit Hindi man lang kami nakapag-bonding dalawa ni Ate karylle bilang magkapatid bago sya mawala...

  Life is too short..  Kaya Dapat lang na hanggat nandyan ang mga mahal mo sa buhay ay huwag mong itigil ang pagpapakita ng pagmamahal at oras para sa kanila dahil Hindi natin alam Kung hanggang kailan natin sila pwedeng makasama.  Maaring sa isang iglap ay may mawala o Di kaya tayo mismo ang mamaalam.. 

    Nakakapanghinayang at tunay ngang mahirap tanggapin ang pagkawala ni Ate.  Pero kailangan namin itong harapin at tanggapin ng bukal sa kalooban..

   MATAPOS ANG LIBING Ay dumiretso na ng bahay si Vice..  Kasama ang pamilya ni Karylle..  iniligpit nila ang mga ala-ala ng yumao nilang mahal sa buhay...

Macoy :  "Kuya....  Salamat ha? "

Vice :  "Salamat saan? "

Macoy :   "Salamat dahil minahal mo ng totoo ang ate ko..  Salamat dahil nakita ko Kung gaano mo sya pinasaya noong nabubuhay pa sya.. 😢"

Vice :  "hmp.. 😢 mahal ko ang Ate mo Macoy.........Ang totoo............. Subrang nangungulila ako sa kanya..  Miss na miss ko na sya........ .......Woo-hoo... 😰 Pero........ Sana...............Saan man sya ngayon naroroon............   Sana masaya sya..........At tahimik......... "

     NAGING MAHIRAP PARA KAY VICE ANG MGA SUMUNOD NA MGA ARAW...

    Lagi nyang napapanaginipan ang yumao nyang asawa.

   Hindi ito lumalabas ng bahay at Hindi rin bumabalik sa trabaho..  Dahil sa subrang pag-aalala ng mga magulang nya ay minabuti ng mag-asawang Martha at Henry na samahan muna sa pagdadalamhati ang kanilang anak..

Martha:  "Vice anak?  Bakit Hindi mo libangin ang sarili mo?  Mag-iisang buwan ng wala si karylle? Wala ka bang balak ayosin ang sarili mo? "

   Tahimik Lang si Vice habang nagkakape.. 

Martha:  "Isipin mong Hindi ito ang gustong makita ni Karylle sayo..  Baka kaya lagi mo syang napapanaginipan dahil hanggang ngayon ayaw mo parin syang pakawalan? Anak? Sana naman makinig ka?   Wala na si Karylle?  Kailangan nya ng magpahinga.. "

   Nagsimulang humagulhol sa iyak si Vice..  Tila isang batang paslit na umiiyak sa kandungan ng kanyang Inay...

Martha:  "Nandito lang kami ng Papa mo anak..  Mahal na Mahal ka namin..  Isa pa.  Kailangan ka ng anak mo.  Sigurado akong miss na miss ka na ni Viack"

VICE POV

   Parang nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang pangalan ng anak Ko..  Tama si Mama..  Hindi ito ang gustong mangyari ni Karylle.. 

   Alam kong mahirap.  Pero kailangan kong lumaban. Kailangan kong magpakatatag para sa mga taong nanatiling nandyan at nagmamahal sa akin.  Lalo na ang anak ko..  Ngayon ko napagtantong ilang linggo Ko ng Hindi nakikita ang anak ko.. 

   Pinilit kong ayosin ang sarili ko..  Nag-ahit ako ng balbas.  Nagpagupit ng buhok..  Pilit kong tinakpan ang hinagpis saking kalooban.. 

   Kailangan kong hanapin ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin at huwag hayaang tuloyang malugmok sa kalungkotan..

  Salamat sa mga magulang ko na Hindi nagsawang damayan ako sa panahong wala ako sa tamang kaisipan..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now