245) LOVE THIS WAY 💕

315 6 0
                                    

Chapter forty-seven ( Page 245 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#IsangBuwan

Jacky :  "I'm sorry?  Pero mas makakabuti Kung umalis ka na muna Vice? Please lang? "

Yam:  "Narinig mo ang sinabi nya?  You are free to go!.."

VICE POV

   Nakita Ko Kung paano inakbayan ng Yam nato si Jacky.. 

   Ni Hindi man lang ito nagreklamo.. 

Yam: "Umalis ka na..  Bago ka pa ulit masampal ng Girlfriend ko... "  😀😀

   Tiimbagang kong binalingan ng tingin si Jacky..  Nakita Ko sa mga mata nyang totoo nga ang sinasabi ni Yam...!!

    Parang may Kung anong tumusok sa dibdib Ko..  Ang sakit-sakit...  Wala na akong masabi.  Kahit papano nabigyang linaw ang lahat Kung bakit ang lakas ng loob ng yam nato.  Ako lang pala itong nagmukhang Tanga sa kanilang dalawa..

   Kuyom ang aking mga kamaong umalis. At nilisan ang bahay ni Jacky... Dala-dala ang pait at bigat sa dibdib ko....

AFTER ONE MONTH

JACKY POV

    Nagulat ako ng biglang pumasok si Yam Sa kwarto.. 

Yam:  "Ahmm.  Sorry?  Nagulat ba kita? "

Jacky :  "Ahmm..ok lang..  Kakatulog lang ni Viack..."

Yam:  "Hmm.  Napagod Sa kakapasyal kanina ano? "

Jacky :  "Hehe.. 😂 Oo eh.. "

    Kapwa kaming nakaupo sa bawat gilid ng kama...

Jacky : "Ikaw?  Hindi ka ba napagod?  Magpahinga ka na rin? Gumagabi na?  Baka abotan ka pa ng ulan.. "

   Bahagya akong nailang ng bigla itong lumapit sa akin at niyakap ako sa aking likoran..

Yam:  "OK lang bang magstay muna ako dito kahit 30mins?"

   Nakiliti ako sa ginawa nyang paghalik saking batok..  Lalo na ng pinagapang nito ang kanyang kamay saking tiyan pataas..

   Buti nalang nasa katinuan pa ako kaya nagawa kong umiwas at tumayo..

Jacky : "Ikaw bahala?!  Magkape ka muna? "

    Naiilang talaga ako kapag nagbabalak syang galawin ako..  Natatakot ako..  Ni Hindi ko nga magawang makipaghalikan sa kanya ng matagal..  Ibang-iba kapag may pagmamahal kang nararamdaman kaysa sa wala lang..

 
  Ang gusto ko.  Tsaka ko na ipagkakaloob ang sarili ko kapag nalaman kong mahal Ko nga syang tunay.  Pero bakit ganoon?  Mahigit isang buwan na kaming magkasintahan Hindi ko parin magawang maging kumportable sa kanya.. 

    Paglabas namin sa kwarto ni Viack..   Ay dire-diretso ako saking paglalakad.. 

   Nang bigla nalang nya akong hinila at pinasandal Sa kabilang pintoan..

   Mapusok nya akong hinalikan..  Kinagat-kagat ang kawawa kong mga labi...

Yam:  "Ibang templa ng kape ang gusto kong sipsipin Jacky.... "

   Ungol nito... Habang nilalasap ang lasa ng aking leeg....

   Labis-labis ang aking pagtutol..  Ngunit malakas sya at wala akong laban..

   Napatili ako ng biglang bumukas ang pinto saking likoran..  Mabilis nya akong naihiga sa kamang naroroon..

Yam: "Please..  Jacky ? Huwag mo na akong pahirapan.. Hindi ko na kayang maghintay..  Sisiguradohin kong maliligayahan ka....😋😋😋😋"

Muli nya akong dinaganan at hinalikan Sa Kung saan-saan.

Jacky :  "Yaaaammmm!!!!!!!  Shiit Kaaaaa!!! "

   Kahit may halong takot at pangamba ay hindi ako nagpadala..  Hindi ako papayag na bababoyin nya ang pagkababae ko!!

   Bumwelo ako ng lakas kaya bahagya ko syang naitulak palayo.  Magkasunod na sampal at Hindi mabilang na kalmot ang natamo nya mula Sa akin.  Naiiyak na ako habang unti-unti na akong nawawalan ng lakas..   Napansin ko ring tumigil na ito sa pamumwersa sa akin.. 

   Hinawakan nya ang mga braso ko.  Marahil nataohan ito sa kademonyohang ginagawa nya sa akin.. 

Yam:  "I'm sorry?  Patawarin mo ako Jacky?!?  🙏🙏I'm so sorry.. 🙏🙏 Sorry..  I'm so sorry.... 🙏🙏"

VICE POV

   Pagkatapos ng mga Hindi inaasahang pangyayari sa loob ng bente kwatro oras ay nagpasya akong huwag na muna manggulo sa buhay ni Jacky.. Nagpakalayo-layo ako sandali kasama ang mga barkada Ko...

   Isang buwan din akong nag-out of town.. At Kung saan-saan kami narating ng aming pagwawalwal....

   Napilitan lang akong bumalik ng davao dahil imbetado kami sa nalalapit na kasalang Tom at Madc.

    Ayon sa aking mga narinig muntik na daw Hindi natuloy ang kasal ng dalawa dahil sa mga personal na dahilan..  Kaya laking pasasalamat ng lahat dahil naisaayos ng dalawa ang muntik ng makakapagpatigil sa kanilang pagpapakasal...

     ENGRANDENG KASAL AT MALADAMDAMING SEREMONYA ANG AKING NASAKSIHAN SA MGA ORAS NA ITO. 

   Masaya akong makita ang pag-iisang dibdib ng dalawa. 

  Dati-rati si Tom ang isa Sa mga tinuturing kong mabigat na kalaban lalo na sa puso ni Jacky.   Ngunit ngayon ibang-iba na dahil naging malapit na kami sa isa't isa at naging isang matalik na kaibigan. 

Vice :  "Congrats Pare!!!!! "

Tom: "Magiging Daddy narin ako gaya mo!! 😂 😂 "

Vice :  "WOW!!! Bilis ah?!!!  Haha 😂 😂 😂 😂 "

To be continued.. 

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now