195) LOVE THIS WAY 💕

322 3 0
                                    

Chapter Thirty-eight ( Page 195 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#LifeMustGoOn

    NAGING ISANG MALAKING DELUBYO SA PAGSASAMA NILANG MAGKASINTAHAN  ANG BIGLAANG PAGKAWALA NG KANILANG ANAK..

   Kapwa silang tahimik habang nagliligpit ng mga pinamili nilang damit bilang paghahanda Sana ng paglabas ng kanilang baby.. Ngunit dahil sa kasamaang palad ay nauwi lahat sa wala at ang pananabik ay napalitan ng pagdadalamhati..

  Malungkot na pinagmamasdan ni Vice ang kulay blue na crib na binili nya kamakailan lang..  Masyado silang excited at labis-labis ang kagustuhan nilang mabili lahat ng mga kailangan ni baby..  Kaya mas lalo lamang lumalalim ang sakit dahil sa mga ala-alang naiwan ng kanilang munting anghel..

  BUT LIFE MUST GO ON ..

   Kailangan nilang magpakatatag lalong-lalo na ngayon.. Kailangan nila ang isat-isa.. Ngunit kahit na alam nilang yun ang dapat mangibabaw sa kanila ay naging mahirap para Kay Vice ang damayan ang kanyang asawa.  Dahil mas pinipili nito ang mapag-isa..  Mas ninanais nyang Huwag nalang muna nila pag-usapan ang nangyari sa kanilang anak..  Ayaw nyang sisihin si Jacky sa mga nangyari..  Ayaw nyang pagtalunan ang bagay na lalo lang makakapag-paguho ng kanilang relasyon..

    Bagay na ayaw nyang mangyari.  Alam nyang isang mabigat na pagsubok lamang ito Sa kanilang pagsasama.. Kaya naman sa ngayon batid nyang kailangan nya na munang mapag-isa..  Dahil sa labis-labis na hinagpis ang kanyang nadarama sa tuwing nakikita nya si Jacky oh ang mga naiwang gamit ng kanilang anak..

   Halos Isang linggo narin Hindi pumapasok Sa trahabo si Vice..  Ayaw nyang maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa pagdadalamhati nya. 

   Si Jacky naman ay pinipilit magpakatatag para sa kanilang dalawa ni Vice..  Alam nyang nasa isang malalim na pagmo-move on ang bawat isa sa kanila at batid nyang walang madaling paraan para kalimotan ang lahat..

  Ngunit sa kabila ng pagkadurog ng kanyang puso dahil sa pagkawala ng kanilang anak ay humugot sya ng lakas sa nasa itaas dahil sa alam nyang lahat ay may dahilan Kung bakit nila ito pinagdadaanan..  Gaanu man kasakit ay kailangan nilang tanggapin.  At ang piliing maging panatag ang kalooban nasaan man naroon ngayon ang kanilang Baby Jr.

   Naniniwala syang nasa kanlungan na ito ng ating maykapal..

    Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo ay ipinaubaya lahat ni Jacky ang kanyang pagdadalamhati sa panginoon..  At upang hilingin ang kapayapaan mula sa pagkawala ng kanilang anak hanggang sa pagtataguyod ng kanilang relasyon bilang mag-asawa..

   At ang kanyang misyon ay ang buksan muli ang mga mata ng kanyang asawa at alisin ang pagkamuhi nito sa maykapal.. 

   Ito kasi ang sinisisi nya sa mga nangyari.. Bagay na ayaw ni Jacky pagtalunan nila 

Vice :  "Totoo naman eh?  Wala syang kwenta!! Hindi sya Totoo!!! "

Jacky : "Vice please?  Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo huh? "

Vice :  "Alam ko Kung anung sinasabi ko Jacky.. Kaya pwede bah?  Huwag mo akong pilitin sa gusto mong magsimba2x na yan..  Wala naman akong mapapala sa pagsamba sa Kanya...!!!  Wala!!! "

JACKY POV

    Hindi ko na talaga alam kong paanu ko ipapaintindi sa asawa ko ang kahalagahan ng paniniwala at debosyon sa ating panginoon.  Ayukong makita na unti-unti ng nilalamon ng poot at hinanakit ang puso ng aking mahal..  Alam kong masakit..!  Walang kasing sakit!! Ngunit  Hindi ito dahilan at walang kahit ni isang dahilan para talikoran nya ang makapangyahirang lumikha ng buong sanlibotan..

   Minsan pinanghihinaan na ako ng loob ngunit dahil sa pagmamahal at mga pangakong nagbubuklod sa aming pagsasama ay pinipilit ko parin syang inuunawa..  Kahit pa wala na syang gaanung oras Sa akin oh Di kaya Hindi maganda ang pakikitungo nya sa akin. Nasasabi ko parin ang mga salitang
"OK LANG "

   Mahal ko sya at Hindi ko sya susukoan.  Gagawin ko ang lahat upang maibalik ang dating Vice.. Ang dating matamis na pagsasama naming dalawa.  Mga lambingan at kulitan..  Ang nag-aapoy naming pagmamahalan na ngayon ay unti-unti ng lumalamig..  Kaya gusto kong ibalik ang init ng aming pag-ibig..  At marahil mangyayari lamang ang lahat ng aking inaasam-asam  yun ay kapag nabuntis ako ulit..

   Ngunit paanu nga ba ulit ako mabubuntis gayong Hindi na nga kami masyado nakakapag-usap. Tapos Kung mag-uusap man ay puro nalang pagtatalo at away..

   Kagaya ngayon?  Umalis na naman sya ng Condo at Hindi ko alam Kung anung oras sya babalik..

   Lagi nalang ganito kapag meron kaming pinagtatalonan.  Ang iniiwan nalang ako ng ganun-ganun nalang na mag-isa..
 

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now