198 ) LOVE THIS WAY 💕

357 3 0
                                    

Chapter Thirty-nine ( Page 198 )
Title:  LOVE THIS WAY 💕
#Kapit

VICE POV

   NGAYON KO MAS NAPAGTUONAN NG PANSIN ANG KAHALAYANG GINAWA KO KAY JACKY KAGABI. 

   Isang napaka-laking kababoyan ang ginawa ko sa asawa ko..  Bagay na pinagsisihan ko...  Iba pala talaga ang epekto ng bawal na gamot...!!!  Ito yung unang tikim ko at ayaw ko na itong subokan pang muli...

   Nagising ako kanina at halos madurog ang puso kong makita ang mga pasa at mangilan-ngilang mapupula sa kanyang bahagi ng katawan bilang bakas ng aking kawalang hiyaan..

    Tila wala akong mukhang maiharap sa kanya kaya minabuti kong umalis ng maaga-aga...

   At ngayon..  Muli kong pinoproblema ang nagawa kong paghalik Kay karylle..  Hindi ko yun dapat ginawa.  Hindi ko sya ginalang at nerespeto..  At tanging kinatatakotan ko ay baka magsumbong ito Kay Jacky. Na siguradong magiging simula ng malaking gulo. 

   Anu na bang nangyayari Sa akin?  Sa amin?  Bakit kami nagkakaganito?  Gulong-gulo na ang isipan ko.  Gusto Kong maibalik ang dating kami ngunit paanu ko nga ba sisimulan? Batid Kong nasaktan ko ng labis ang aking asawa... 

   Maging ako ay nagtataka saking sarili. Lagi nalang mainit ang ulo ko at madali na lamang akong magalit.. 

   Masyado akong naging Depressed dahil sa pagkawala ng anak namin..

   Siguro dahil hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na wala na sya..

KARYLLE POV

    Pilit kong iwinawaglit ang mga kaganapan sa pagitan naming dalawa ni Vice.  Hindi ko akalaing magagawa nya yun...  Oo.. Sabihin na nating gusto ko sya. Pero Hindi tamang halikan nya ako..  O kahit na sinong babae!!!  Hindi ko sya mapapatawad ganun din ang sarili ko kapag nasira ang relasyon nilang dalawa ng kapatid ko.. 

   Hindi  kakayanin ng kunsensya ko yun kapag nangyari ang bagay na yun..  Ang totoo gusto ko lang naman kasi kausapin si Vice eh..  Na Hindi tama ang ginagawa nya.  Kailangan sya ng kapatid ko at Hindi nakakatulong ang ginagawa nyang pagwawalwal...

   Ngunit sa kabila ng ginawa nyang pambabastos sa akin pipiliin ko parin ang manahimik..  Ayukong gumawa ng hakbang gayong alam kong ikakasira ito ng relasyon nila ng kapatid ko..

   Kaya sana Lang talaga maayos na nila ang problema nila.  Ramdam ko kasing nahihirapan na ang kapatid ko...

   ISANG ARAW nagulat ako ng bigla akong nakatanggap ng text mula Kay Jacky... Nais raw nitong samahan ko syang dalawin ang puntod ng aming Ama.. Bagay na Hindi ko naman tinanggihan..  Sa halip ako nga ay tuwang-tuwa dahil kahit papanu ay tinuturing na nya akong kapatid..

   Kaya naman Hindi ako nagdalawang isip na samahan sya..

Jacky :  "Alam mo ate?  Ang tagal kong hinintay yung pagbabalik nya... "

Karylle:  "Mahal ka nya Jacky... "

Jacky:  "Kaso Hindi ko na naramdaman yung pagmamahal na yun bago man lang sya nawala.. "

Karylle:  "Pero alam mo ba?  Hanggang sa huling hininga nya?  Tayo parin yung inaalala nya... Gusto nya tayong mabuo.. Kaya sigurado ako mas magiging masaya si Dad kapag nakita nya tayong tatlo na masaya.."

    Nakita kong ngumiti lamang ito at seryoso akong hinarap..

Jacky :  "Lalaban pa ba ako ate? "

    Nagulat ako sa tinanong nya sa akin.. Anu bang ibig nyang sabihin?

Karylle:  "Ikaw?  Kaya mo pa ba? "  

    Yun lang talaga ang nasambit ko..

Jacky :  "Nahihirapan na ako ate eh.. Hindi ko na sya maintindihan.  Pinipilit ko naman kaso minsan nanghihina na talaga ako... Nawawalan ako ng lakas para lumaban.  "

    Sandali akong natahimik..

Karylle:  "Anu bang sinisigaw ng puso mo? Kaya mo bang mawala sya sayo? "

Jacky :  "Hindi ko kaya ate...  Mababaliw ako pag nangyari yun.  Pero paanu ba ako lalaban?  Ang sakit na kasi.   Palagay ko Hindi lang yung baby nawala sakin eh.. Pati yung asawa ko nawala na rin. 

Karylle:  "Jacky?  Tatagan mo yang loob mo?  Alam mong malalagpasan nyo din ang pagsubok na to... Maniwala ka sa pag-iibigan ninyo ni Vice.. Ngayon pa ba kayo susuko? Ang haba na ng pinagsamahan ninyo.. "

Jacky :  "Yun na nga ate eh..  Sa haba ng pinagsamahan namin..  Di ko pa pala sya lubosang kilala..."

Karylle :  "Jacky?  Sa inyong dalawa?  Kung meron man mas depressed sa pagkawala ng baby nyo?  Yun ay si Vice... Mas kailangan ka nya ngayon Jacky.. Dahil Sa ngayon?  Mas nakikita kong mas matibay ka kaysa sa Kanya..  "

Jacky :  "Nagugulohan na ako..  Pero sana nga kaya ko..  Kakayanin ko.... "

Karylle:  " Kaya mo yan..  Kakayanin nyo yan... Kapit lang..  "

To be continued..

   

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now