194) LOVE THIS WAY 💕

323 4 0
                                    

Chapter Thirty-seven ( Page 194 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Ateeeee

VICE POV

   NADATNAN kong parang Wala sarili si Jacky.. Salita ito ng salita.

Jacky:  "Babe?  Si baby?  Asan na?  Di pa yun tapos magdede eh..  Alam ko nagugutom na yun.."

Vice :  "Wala na sya.."

Jacky :  "Anung Wala?  Hawak-hawak ko lang sya kanina..  Alam mo ba ang cute-cute nya?  May dimple pa sya.  Nakita mo bah?kaya  Babe please?  Ibigay mo na sakin si Baby..? "

Vice :  "Patay na ang anak natin Jacky!!  Narinig mo ba?  Patay na sya..  At Kung sinasabi mong nahawakan mo sya?  Nananaginip ka lang..  Dahil wala na ang baby natin.  Wala na sya.  "

Jacky :  "Hindi totoo yan.  Hindi mo ba ako naririnig?  Karga-karga ko sya kanina.  Please.....  Maniwala ka.  Ang baby ko??? Nasaan na Ang baby ko... "

   Unti-unti ng nagiging emosyonal si Jacky.. 
Hindi ko sya mapatahan kaya lumapit na sa kanya si Tita Amy.

Tita Amy:  "Jacky?  Kailangan mo munang huminahon?.... Makakasama sayo ang ma-pwersa..  "

Jacky :  "Titaaaaaaaa.....  Ang baby ko...  Gusto kong makita ang baby ko..  Please... "

Vice :  "Wala na sya Jacky.  Wala na ang anak natin..  Namatay sya habang nasa sinapupunan mo.."

Jacky :   "Hindi.....  Hindi yan Totoo.... Hindi yan totoo!!!! "

    Tinawag namin ang doctor upang bigyan ng pampakalma ang nagwawalang si Jacky..

    Alam kong nais nitong makita ang baby.  Pero kailangan na namin itong ilibing bago Mag bente kwatro oras.. 

   Sa tulong ni Pareng Vhong at Launch ay mabilis naisaayos ang burial ng baby namin ni Jacky...  Kasama ko ang parents ko si Tito Joey..  si Vhong at Anne si Launch at Si Tom ... samantala nagpaiwan naman sa hospital sina Tita Amy at Karylle para bantayan ang natutulog na si Jacky..

   Hindi parin ako makapaniwalang nasa maliit na kabaong ito nakahimlay ang anak na pinapangarap namin ni Jacky..

   Sa huli at unang pagkakataon ay binuksan ko ang maliit na ataol upang masilayan man lang kahit isang saglit ang mukha ng aming baby boy. 

    Halos gumuho yung buong katawan ko ng makita ang mala-anghel nitong mukha..  Bakas man dito ang walang buhay nyang katawan.  Ngunit mananatili parin syang buhay sa aking puso't isipan..

Vice :  "Nak?  Mag-ingat ka dun ha?😭  Mahal na Mahal ka ng Daddy.... Diba babantayan mo naman si Daddy? At mommy? 😭😭Nak........  Mamimiss kita Nak..  Mahal na mahal kita...  "  

    Sabi ko sa garalgal kong boses..  Walang tigil ang aking pagluha habang tinatakpan ng lupa ang ataol ng baby Jr. namin..

   Napayakap ako saking Ama...  Kailangan ko ng matibay na sandalan sa panahong ito at Kay Papa Henry ko ito natagpuan.. 

    Dahil aminado akong labis-labis ang panghihinang nararamdaman ko sa ngayon...  Hindi ko matanggap na maglalaho na Lamang na parang isang bula ang mga inaasam-asam ko para sa baby namin ni Jacky..

KARYLLE POV

    ALAM KO KUNG GAANU KABIGAT
  Ang pagdadalamhati ng mag-asawa.  Bakit nga ba kasi ganun ang tadhana?  Ang isang katulad kong may kapansanan sa pag-gawa ng Bata ay talaga namang ikinadurog ng aking puso.. Ngunit ang kagaya ng sitwasyon nina Jacky at Vice na namatayan ng Anak ay tila isang mabigat parusa.. Doble-doble pa sa sakit na pinagdaanan ko..

   Kaya naman malaki ang pagnanais kong manatili Sa tabi ng aking kapatid na si Jacky.. Anu't anu man ang mangyari.  Nandito parin ako handang umalalay sa Kanya.. Mas lalong Hindi ko pababayaan ang kapatid ko..  Mahal na Mahal ko sya..  At gagawin ko ang lahat upang patatagin sya...

   Sandali kaming nag-usap ni Tita Amy tungkol sa mga bagay-bagay ng biglang gumalaw ang nakahigang si Jacky..

   "Ang baby ko....  Ibalik nyo ang baby ko.."

Mahina nitong sambit habang nakapikit..
Hinang-hina at subrang nanlalanta..

   Mahigpit kong hinawakan ang kanyang mga palad.  Ganun din si Tita Amy sa kabila..

Karylle:  "Nandito lang ako para sayo Jacky....?  Kapatid ko?  Tatagan mo ang loob mo.. Wag kang Susuko..  Mahal na Mahal ka namin...  Naririnig mo ba ako?  Si Ate Karylle mo ito... Wag kang bibitaw.."

   Nagsimula na naman itong umiyak..  Kaya Hindi ako nagdalawang isip na yakapin sya..

Karylle:  "Nandito lang kami.  Hindi ka namin pababayaan..  "

Jacky :  "Ateeeeeeee.......... "

    Hindi ko inakalang babanggitin nya ang salitang iyon..  Sa kabila ng pagdadalamhati kahit papanu ay may naramdaman akong tuwa dahil sa tinawag nya akong Ate....

To be continued..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now