252 ) LOVE THIS WAY 💕

189 1 0
                                    

Chapter fifty-one ( Page 252 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#WalangKibo

VICE POV

   Pagdating ko sa bahay..  Napansin ko ang kalat Sa salas.. Rinig ko rin ang nagtatalak na si Jacky sa taas ng kwarto namin .... Maging ang pag-iyak at paghikbi ni Viack..  Ay abot hanggang sala!!!

   Nadatnan kong pinapalo ni Jacky ang anak namin... Na agad ko rin namang inawat. 

Vice :  "Anu bang ginagawa mo?!"

   Galit kong kinuha at kinarga ang anak ko mula sa pagkakadapa Sa kama. 

Jacky :  "Dinidisiplina ko lang ang anak ko!! "

Vice :  "Tamang disiplina ba yang ginagawa mo?  Hindi ka naman ganyan ah?  Akala Ko ba pinag-usapan na natin to? "

Jacky :  "Pwede ba Vice?  Huwag na huwag mong makwesyon-kwesyon ang ginagawa kong pagdidisiplina Sa anak ko?! "

Vice :  "Anak mo?!!  Anak natin Jacky!!! Kung may problema ka?  Huwag mo naman idamay ang bata sa init ng ulo mo!! "

Jacky :  "Ahhh?!!  Talaga?  Kung makapagsalita ka?  Eh sino ba tong bagong uwi? at galing pa talaga sa inuman?  Huh?  Sige nga? Sa palagay mo?  Sino sa atin ang may problema?"

   Tiimbagang akong bahagyang kumuha ng hininga sa kung saan dahil alam ko kung saan-saan na naman mapupunta ang usapan naming ito...

Vice :  "Yaya!!!!!! ".

   Iyak parin ng iyak si Viack...  maliban sa pag- palo ng mommy nya ay hindi narin nito naiintindihan ang mga nangyayari. 

Jacky :  "Ano?  Hindi ka makasagot? Ano? "

Vice :  "Yayaaaaa!!!! "

   Halos mataranta ang Bagong Yaya ni Viack na si Marie dahil sa lakas ng boses ng magkasintahan habang nag-aaway...

   Agad nitong kinuha si Viack at dinala sa sariling kwarto.

Vice :  "Alam mo sa ginagawa mo?  Natru-trauma ang anak natin!!! "

Jacky :  "At anong gusto mong Gawin Ko?  Ang pabayaan Sa gusto nyang gawin kahit Hindi na tama?  Kaya lumalaki ang ulo ng anak mo eh!!  Kasi inis - spoiled mo!!! "

Vice :  "Binibigay ko lang ang mga bagay na Hindi ko naibigay noon sa anak natin?!  Masama ba yun? "

Jacky :  "Yun na nga eh!!  Kaya hindi na nakikinig sa akin noh?  Kasi sinanay mo!! "

Vice :  "Paano ka nya pakikinggan Kung hindi mo naman kinakausap?!! Pinapalo mo na nga Lang ng basta-basta eh!!! "

Jacky :  "Oo!!  Pinapalo ko si Viack pero Sa tamang paraan!!! "

Vice :  "Tamang paraan?  May tamang paraan ba kahit pisikal ng nasasaktan  yung bata?! Alam mo naman Kung anong pinagdaanan ko sa Papa ko diba!!!  Maatim mo bang iparanas sa anak natin ang dinanas ko? "

Jacky :  "Huwag mo akong ihalintulad Sa Papa Mo Vice dahil wala naman akong balak itakwil o saktan ng masasakit na salita ang anak ko!!  Di gaya ng Papa mo. Kailan ka lang ba nya minahal at tinanggap?  Diba noong naging tayo lang naman ah? Mahal ko si Viack!!!  Higit pa Sa buhay ko!!  Wala akong ibang hangad kundi palakihin syang isang mabuting tao..  Masama ba yun? "

   Napasabunot na lamang ako saking ulo.. Dahil sa stressed.. 

Vice :  "Alam mo Jacky?  Akala ko OK tayo eh?  Pero bakit ngayon ang hirap satin magkaintindihan? "

Jacky :  "Hindi ko alam..  Ewan ko... "

JACKY POV

    Matapos ang mainit na pagtatalo namin ni Vice ay pinili kong dun na muna matulog sa tabi ni Viack..  Oo.  Alam kong napapalo ko si Viack..  Ginagawa ko lang naman yun kapag sumusubra na ang kakulitan nya.  Pero Hindi ko naman binubuhos lahat ng lakas ko sa bawat palo Ko sa kanya kasi alam kong Oo nasasaktan sya..  Hindi ko naman gustong gawin ang bagay na yun pero may mga sitwasyong kailangan talaga...

   Nakaramdam ako ng awa Sa anak Ko habang Mahimbing itong natutulog....

   Batid kong mabigat ang pinagdadaanan namin ngayon ni Vice.   Lalo na't halos lagi nalang kaming nagtatalo nitong mga nakaraang araw.  Siguro kasi hanggang ngayon binibagabag parin ako ng mga isyu Sa paligid namin?  Gustohin Ko mang baliwalain ang lahat Pero Hindi ko magawa.. 

     Dahil Sa malalim na pag-iisip pikit mata kong niyakap ang anak ko...

   Maya-maya ay nakaramdam ako ng mahinang pagpihit ng pinto...

    Sigurado akong si Vice ang pumasok... Nagmatigas ako sa kinahihigaan at nagpanggap na lamang na tulog...  Baka kasi magtalo na naman kami kapag hinarap ko sya..  Mabuti na yung ganito.. Yung wala lang akong imik.. 

    Muli kong naramdaman ang paggalaw ng kama.. At mula sa aking imahinasyon ay batid kong hinalikan nya si Viack na natutulog... Nasa paanan ko sya kaya ramdam ko ang malapad nyang dibdib habang inaabot ng halik ang anak namin... 

    Kunwari akong umungol at umayos ng higa at mas nilapit ang katawan Ko sa natutulog kong anak.  Ang Hindi ko inaasahan ay ng tinabihan nya ako at niyakap sa tyan...

Vice :  "I love you.... "

    Bulong nya sa tenga ko sabay singhot nito sa batok ko...

   Ngunit sa kabila ng nakakabaliw at nakakakiliting ginawa nya mas pinili ko parin ang magsawalang kibo  .

To be continued ..

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin