178 ) LOVE THIS WAY 💕

485 9 0
                                    

Chapter Thirty ( Page 178 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#TheRing

JACKY POV

    ISANG UMAGANG KAY GANDA!!!!
Ang sumalubong sa amin ni Vice Sa Tambayan naming dalawa simula pagkabata..

    Patakbo kong niyakap ang Malaking punong Mangga na ngayon ay namumulaklak..  Masaya kong hinaplos ang nakaukit na mga pangalan namin ni Vice Sa may puno... Medyo na iba man ang hitsura dahil sa paglipas ng panahon ngunit nandun parin ang marka ng masasayang kahapon na iginugol namin sa lugar na ito..

    Pagkatapos ay umikot-ikot ako sa damuhan habang ninanamnam ang malamig sa simoy ng hangin..

   Bawat dampi nito saking mga balat ay sya ring pagHilum ng mga masasamang ala-ala ng mga nakalipas.. 

   Natigil ako sa kakaikot ng bigla akong ikinulong ng aking pinakamamahal na asawa sa kanyang mga bisig..

Hmmmmmmpppp

Vice :  "Happy? "

Jacky :  "Subrang Refreshing Babe..   Salamat ha?  Dinala mo ako dito? "

    Tama nga si Vice..  Kailangan namin ang ganito.. Kailangan naming huminga..
At laking pasasalamat kong alam na alam nito Kung paanu ako pagagaanin sa kabila ng mga mabibigat na pangyayari sa buhay at relasyon naming dalawa...

Vice:  "Masaya akong nakikita kang nakangiti ulit babe?  "

Jacky :  "Salamat dahil sayo kaya ako masaya? "

Vice :  "Wala naman akong ibang hangad kundi ang maging masaya ka babe..  "

   Niyakap ko sya ulit... Sa totoo lang ang swerte-swerte ko sa Kanya.. 

   Wala na akong hahanapin pang iba sa isang lalaki. Dahil nasa kanya na lahat.  Simula noon hanggang ngayon walang may nagbago sa pagmamahal na ipinipakita at ibinibigay nya para sa akin..  At Kung meron man nagbago yun ay ang kanyang pagkalalaki at ang mas lumalalim naming pagmamahalan sa isat-isa.

Jacky :  "Hindi mo alam Kung gaanu ako ka-thankful dahil may isang ikaw Sa buhay ko babe?  Mababaliw ako kapag nawala ka..  Baka ikamatay ko kapag nangyari ang mga bagay na yun..  Iniisip ko palang nanghihina na ako.  Kasi ikaw naman yung lakas ko eh?  Ikaw yung kinakapitan ko sa lahat..  Kahit ang sakit-sakit na pero hanggang nandyan ka..  Babangon parin ako at babangon.  Dahil alam kong madami pa tayong tatahakin na masasayang karansan..  Gusto kong ikaw ang magiging Kaagapay ko sa tanang buhay ko.  Maging haligi ng tahanan natin..?  At maging Daddy ng mga babies natin? At kahit ilan pa yang gusto mong anak?!!!  Iluluwal ko para sayo.!! Hehe.  Kahit magkanda-lusyang-lusyang na ako OK lang..  Kasi po......? Ganyan kitaaaaaaaaaaaaaaaaa KAMAHAL!!! "

   Grabe!!  Sa haba ng speech ko natulala ang babe ko. Hehe..  Gusto ko lang kasi e-feel ang moment na magkasama kami ngayon sa lugar na ito.. 

   Na wala kang ibang mararamdaman kundi masaya lang at walang ending!! 😂

Vice:  "Grabe babe..  Nag-loading ako wait lang.hehe.  "   

Jacky :  "Grabe ang haba nun?  Wala kang maisip na response?  Hahaha"

    Biro ko sa Kanya..

Sandali itong natigilan at sumeryoso ang mukha.. Alam kong Humahagilap ng sasabihin..

Vice :  "Speechless ako kasi Hindi ko alam Kung paanu ko ba sisimulan babe... Kasi may mga bagay na gusto nating simulan pero ayaw naman nating magtapos diba? Ayaw nating hanggang dun nalang ang lahat.. Marami dyang sinimulan pero nagtatapos nalang na parang wala lang......"

  Deep breath.....

Vice :  "Pero nong makilala kita?  Bilang kaibigan?  Bilang kakulitan sa lugar na ito?   Lahat ng bagay satin dalawa ayaw ko ng magtapos.."

    Inabot nito ang aking palad upang ilagay sa kanyang dibdib..

Vice :  "Lalo na nong pinatibok mo ito? Ang puso ko..... Wala na akong ibang hinangad kundi ang makasama ka..  Ang mapasaya ka..  Ang gawing perpekto ang lahat para sa ating dalawa..  Ang pangaraping maging Ina ka ng mga anak ko?  Ang maging ilaw ng tahanan na bubuoin ko? At maging katuwang ka sa hirap man o ginhawa..  Kaya naman............ "

    May hinugot ito sa kanyang bulsa na talaga namang napanganga ako sa gulat...!!! 😱😱😱

    Lumuhod sya saking harapan kaya pakiramdam ko malulunod na ang puso ko..!!!!

Vice :  "Ahmm... Jacky?.......... Friend?....... Beshy....... Sis?.........Hehe 😂 ..... Babe ko?.......
Would you be my wife? Will you marry me? 💍 "

   Maluha-luha nitong binigkas ang mga huling kataga..  Kaya naman napaiyak na ako..  Pinatayo ko sya at niyakap ng mahigpit. 

Jacky :   "Parang sira to?  Syempre OO!!!! YES!!  I DO!!! Tara na nga sa simbahan?  Haha 😂 "   natatawa na naiiyak kong sagot sa kanya. 

    Para akong timang...!  Hindi ko alam Kung anung magiging reaction ko..  Grabe Hindi ko in-expect na magpo-propose sya sa araw na to?  At talagang dito pa sa pinangako nyang lugar noon..  Grabe Hindi ko naisip na ngayon na pala yung sinasabi nyang yun!!  Huhuhuh..

Lunod na ako sa pagmamahal.... 💕

To be continued..


  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now