227) LOVE THIS WAY 💕

304 2 0
                                    

Chapter Forty-nine ( Page 227 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#Hugot

ANG NAKARAAN..

JACKY POV

   Tumabi ako sa baby namin at hinalikan ito sa noo...

   Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko saglit ang aking mga mata...

  Ilang minuto rin akong nakaidlip...

  May narinig akong maingay na bagay kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.. 

    "Aaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyy!!!!!! "
😱😱😱😱😱😱😱😱😱😨😨😨😨😨😨😨

   Napatili ako ng makita ko ang hubot-hubad na katawan ni Vice!!!!! Ganoon din ang laking gulat nya sa boses ko...

Jacky :  "Bakit dito ka nagbibihis!??? 😨😨

Vice :  "Akala ko tulog ka!!!!??"😲😲😨😨

   Dali-dali akong nagtakip ng mga mata.. 

Sya namang pag-iyak ni Viack.   Marahil nagulat ito sa biglaan kong pagsigaw... 

Jacky :   "Sssshhhhh...  Wala.. Wala yun baby..  Sige na..  Sleep nah......"

Mabilis na nagtakip ng tuwalya si Vice at nagpatuloy sa pagbihis. 

Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumabi sa amin...

Vice :  "Sorry? " saad nya sa mahinang boses...

  Nagkibit balikat na lamang ako..   Dahil hanggang ngayon...  Rumerihestro parin sa utak Ko ang mga nakita ko kanina.. 

  Buti nalang mabilis na nakatulog ulit si Viack.. 

  Masuyong pinagmasdan ni Vice ang mukha ng aming anak..  

  Mahimbing na ulit itong natutulog...

  Nakangiti akong pinagmamasdan ang aking Mag-ama.  Bagay na Hindi ko namamalayang titig na titig na pala ako sa gwapong mukha ng Ama ng anak Ko....

Vice :  "Gwapo parin bah? "😊

Bigla akong natauhan ng magsalita sya..

Na agad ko namang binawi ang aking mga mata...

Jacky :  "Syempre...... Kahit kailan naman..  Hindi ka naging pangit sa paningin ko eh..  Hehe 😂 "

Hindi ko alam pero bakit parang gusto kong sakyan ang trip ng isang ito..  Natutuwa kasi ako..  O baka naman namiss ko lang siguro ang kakulitan sya noon...

Vice :  "Hmmmm..  WOW huh?  Marunong kana mambola ngayon ah? "😀

Jacky:  "Hala..?🙄  Ako mambobola?  Ni hindi ko nga alam paano makipaglaro eh..  Bola pa kaya? "

   Hmmmm...  Napahugot ako ng wala Sa oras ah?  Hehe 😂... 

Vice :  "WOW huh?  Marunong kana rin humugot ngayon ah? Haha 😂 😂 "

Jacky : "Hugot?  Wala akong lakas na gawin yun...  Nakabaon na yun sa puso ko alam mo ba yun? "

  Hahaha 😂 😂 😂 😂  Ewan!!  Kung anu-ano nalang pinagsasabi Ko..  Hehehe...

VICE POV

    Parang may pitik lahat ng mga lumalabas sa labi ni Jacky ah... Masarap pakinggan...  Nakakapang-init..  Ang kaso..  Hindi mo alam Kung totoo o biro lang?

   Pero Kung anu't ano paman?  Kailangan kong maging maingat..  At magpigil upang umiwas sa tukso...  Mahirap na.  Kasal parin ako at malaki ang respeto ko sa asawa ko...

   Laking pasasalamat ko ng biglang magring ang cellphone ko.. Kaya agad ko Itong dinampot..

  Dahan-dahan akong tumayo at dumistansya ng kaunti sa kama.  

Vice :  "Hello Love? "   sinadya kong hininaan ang boses ko upang Hindi magising si Viack. 

Karylle:  "Love?  Ano yung sinabi mong Hindi ka muna makakauwi bukas? Bakit? "

   Tama...  Nagpaalam pala ako sa kanya na Hindi muna ako uuwi.  Pero Hindi ko pa nasasabi ang tunay na dahilan...  Mas maganda kasi Kung pag-uusapan namin sa personal ang tungkol sa anak namin ni Jacky.. 

Vice :  "Ahhhmmm...  B-Day kasi ng isang barkada namin love.   Eh..  Nahiya akong tumanggi kaya napilitan akong sumama sa outing nila bukas.   OK lang bah? "

Karylle :  "Ahhh..  Ganoon bah?  OK sige...  Wala namang problema.  Basta mag-iingat ka huh?  I love you..  And I miss you...  "

   Ito talaga ang isa sa mga pinaka- hinahangaan ko sa asawa ko.. Hindi mahigpit at Hindi ako sinasakal.. Iniintindi ang bawat mga lakad ko..  Kaya nga ayaw kong nagsisinungaling ako sa Kanya kasi nagi-guilty ako.  But this Time...  Kailangan ko munang ilihim ang bagay nato.. Sasabihin ko rin naman at ipapaliwanag sa kanya Kapag nagkita na kaming dalawa. 

Vice :  "Thank you Love?  I miss you and I love you too...   "

Mabilis lang ang naging pag-uusap namin ng asawa ko..  Inaantok na daw kasi sya... Halata naman sa boses nyang matamlay..  Naisip Ko baka pagod lang sa trabaho..

Bumalik ako sa paghiga at niyakap ang anak ko...  Hindi ko sinasadyang masagi ng palad ko ang kamay ni Jacky... Naramdaman ko kasing iniwas nya ito at nilipat sa ibang bahagi...

Vice :  "I'm sorry? "

   Tila bingi itong walang may narinig..  At pinikit lamang ang kanyang mga mata..

  Hindi na ito dumilat pa at nagsalita kaya minabuti ko narin lang ang matulog..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now