208 ) LOVE THIS WAY ????

405 3 2
                                    

Chapter forty-three ( Page 208 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#AngPagkikita

      ISANG MAHIGPIT NA YAKAP ANG SUMALUBONG KAY JACKY MULA KAY ANNE..

Anne:  "Kamusta ka na Jacky?  Long time no see? "

Jacky:  "OK naman na ate Anne?  Kayo kamusta?  Namiss ko kayo? Si Baby Ayiesha gusto ko syang batiin.  ?"

Anne: "Ahm.  Nasa Ninong pogi nya... Halika?  Pasok tayo? Buti nalang at nakapunta kayo..  Lalo na ikaw?  Tagal mong nawala?  Dami mo ng utang Sa inaanak mo. Hehe.. "

Jacky :  "Kaya nga  . Dami kong babayaran... 😂"

   Magkasabay silang apat na pumasok Habang Hindi naman magkamayaw ang kaba na nararamdaman ni Jacky sa mga oras na iyon.  Hindi nya kasi alam kong nandoon na ba si Vice Sa loob ..Hindi rin naman nya maatim ang magtanong dahil inuunahan sya ng pangamba..   

Si Vhong ang sumalubong sa kanila... 

Anne:  "Si Ayiesha? "

Vhong:  "Nasa taas..  Kinukulit ang ninong pogi nya..  Pinapakita ang mga drawings nya..  Maya-maya baba din yun.. "

    Anitong nakangiti..

Vhong :  "Oi?  Jacky?  Mare?  Hehe..  Tagal natin nawala ah?  Long time no see.... "

Jacky:  "Oo nga eh. Hehe..., sya nga pala?  Kaibigan Ko si Melvie.... "

Melvie :  "Hello po....  "

     Ilang sandali ng pagkukwentuhan

VICE POV

     Nakakatuwang ipinagmayabang ng inaanak ko ang mga drawings nya sa akin...  Pagkatapos ay bumaba na kami ulit sa garden.. Unti-unti na kasing dumadami ang bisita at kailangan na ang presensya ng birthday celebrant...

     Nakangiti akong kalong-kalong ang mabigat kong inaanak habang papalapit kina Anne, at Vhong.. Kasama sina Tom at Madc...

    Napansin kong mukhang Di maipinta ang mga mukha nila habang papalapit ako..  Hindi ko rin naman mabasa Kung anung iniisip nila..  Pero sa tingin ko may kaba sa mga puso nila?  Pero bakit kaya?

    Umagaw sakin ng pansin ang nakatalikod na babae..  Pamilyar sya sakin pero Hindi ko na ininda Kung sino ito dahil sa madaldal kong inaanak na si Ayiesha..

Vice :  "Here we are!!!! "

     Isang malakas na kabog ng dibdib ang namutawi sakin ng biglang lumingon ang nakatalikod na babae...

Si Jacky?

   Tama ba ang nakikita ko? 

Si Jacky nga!!!!!!!

     Sandaling nagtama ang aming mga paningin..  At biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo...

   Hindi ko alam Kung ano ang mararamdaman ko..  Kinabahan ako bigla..  Para akong matutunaw sa mga titig nya.. 

   Parang may Kung anong pumitik sa dibdib ko..  Hindi ko akalaing dadating pa ang panahon na muli kaming magkikita.. 

    5 year's kong Hindi nasilayan ang kanyang maamong mukha.   5 years syang Hindi nagpakita..  Hindi nagparamdam..

    Sa kanyang paglisan noon..  Naiwan nya ang hinagpis at dalamhati Sa puso Ko.  Maging ang mga tanong Kung bakit bigla nalang syang nawala ...  Kung bakit ganon na lamang nya ako kadaling nakalimotan..

   Sa kabila ng pagkabigla at kagulohan Sa isip ko ay pinilit Ko parin ang sarili kong ngumiti..

  Buong tapang ko syang hinarap..  Ang ipakita sa Kanya na OK lang ako.

Vice :  "Jacky? "

Jacky:  "Vice.........."

Ayiesha:  "Ninong pogi....?

Jacky :  "Hello baby Yiesha?  It's me your Ninang Jacky.. How are you na? "

    Tinitigan lang sya ng bata. Halatang hindi sya nito nakikilala. 

Anne:  "Baby... Si Ninang Jacky mo yan.. Bless na ikaw? "

   Nagmano naman ang mabait na bata..

   Habang kausap ni Jacky ang bata.  Hindi ko maiwasang huwag syang titigan..  Mula ulo hanggang paa..  Halos wala syang ipinagbago..  Sya parin ang babaeng nakilala ko..  Simple at maganda.. 

   Habang tinititigan ko sya.  Biglang umusbong ang pagnanais kong makausap sya at bigyang linaw lahat ng katanungan sa isipan Ko..

   Ang sakit na matagal ng naghilum ay muling kumirot Sa dibdib ko..  Late reaction ang nararamdaman ko..  Bakit ganon?  Bakit parang habang tumatagal ko syang tinitingnan..  Ay biglang bumabalik ang mga nagdaan saming dalawa...

   Tapos ang masakit pa ay pakiramdam ko parang wala lang Sa kanya ang lahat... Hindi ba nya alam Kung gaano nya ako nasaktan ng bigla nya nalang akong iniwan?

   Ngunit sa kabila ng pagwawala ng kalooban Ko ay ginawa ko paring pigilan ang pagsabog nito... 

   Patay malisya lang ako hanggang sa magsimula na ang party. 

JACKY POV

    Pakiramdam ko.. Para akong matutunaw sa mga tingin nya..  Gusto ko syang yakapin.  Siilin ng halik.. Pero Hindi ko  Magawa..  Nahihiya ako..  Isa pa parang walang epekto sa Kanya ang muling pagtatagpo ng landas naming dalawa...

    Simpleng ngiti at tingin lang ang napapansin ko sa Kanya...  Bagay na nagpakirot saking puso..  Malaki na ang ipinagbago nya... 

   Sabagay..  Kasalanan ko din naman kasi iniwan ko sya... 

   Gusto ko tuloy pagsisihan ang desisyong layoan sya..

To be continued

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now