212) LOVE THIS WAY 💕

336 10 0
                                    

Chapter Forty-four ( Page 212 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#BakitSyaPa?

JACKY POV

    Ang sakit sa pakiramdam na sorry lang sya ng sorry..  Pagkatapos ay bigla-bigla nalang nya akong tinalikoran

   Pero sa isang iglap ako ay nagulat ng bigla nya akong kinabig at siniil ng isang mapusok na halik....

We kissed......

We kissed.....

And we kissed........

    Tila kapwa kaming sabik matikman ang isang halik na Kay tagal rin naming pinagsalohan..  Ngunit sa pagkakataong ito ay isang halik na bawal ang pilit naming ninanamnam..

    Ilang sandali pa ay sabay kaming kumawala dahil sa nakakahingal na sitwasyon....

Vice :  "I'm sorry Babe?  I'm so sorry ?"

Jacky :  "Is this a goodbye Kiss? "

   Nanatiling magkalapat ang aming mga noo..

Vice :  "Namiss lang siguro kita? "

Jacky :  "Ang sakit sa pakiramdam Vice..... "

    Unti-unti akong lumayo sa pagkakahawak nya...  Alam ko kasing Hindi tamang nasa ganoon kaming sitwasyon.  Baka meron pang makakita sa amin... Gayong kasal na pala ang lalaking kahalikan ko kani-kanina lang...

    Hindi ko na kayang tagalan pa ang bawat sandaling magkalapit kaming dalawa.  Kaya Hindi ko na hinintay na iwan nya ako sa lugar na iyon..  Dahil ako na mismo ang humakbang palayo sa kanya.  Mabilis akong nakapaglakad at halos patakbo akong lumabas sandali sa lugar na iyon.  Nakayuko lang ako...  Habang pigil-pigil ko ang pagpatak ng aking mga luha sa harap ng maraming tao.. 

   Narinig Ko ang pagtawag sa akin ni Ate Anne pero nagbingi-bingihan lang ako..

  Hanggang sa nakuha ang aking atensyon sa maliit at malambing na boses ni Ayiesha... Tawag-tawag ang isang bagong dating na bisita...

   Napalingon tuloy ako saking likoran..  Habang patakbo ako nitong nilagpasan..

Ayiesha:  "Ninang Ganda!!!! Ninang Ganda!!!! "

    Tawag nito Sa babaeng papalapit sa kanya.. At mahigpit na sinalubong ng isang yakap ang isang nakangiting bata..

Karylle: "Happy birthday baby Yesha namin!!! Hhmmmmmpppp.... "

  Nang makita ko si Ate karylle.  Hindi ko na napigilan ang nagbabadyang luha saking mga mata... Lalo na nong napansin nya ang aking presensya... At nagtagpo ang aming mga paningin..

  
   Natigilan sya..  At halata sa kanyang mukha ang pagkagulat... Hindi ko alam Kung bakit parang may kakaiba sa reaksyon nya pero Hindi ko na lamang alintana dahil sa pagkakataong iyon ay gustong-gusto ko syang yakapin..  Kailangan ko ang yakap ng isang kapatid..  Dahil sa samo't saring Bigat na aking nadarama..

Jacky :  "Ate........? "

   Maiyak-iyak akong lumapit sa kanya..  At mahigpit syang niyakap...

   Niyakap nya rin ako..  At ang ipinagtataka ko ay Kung bakit parang may guilt akong nakikita Sa mga kilos nya...

  Ilang minuto rin namin dinama ang yakap ng isat-isa..

  Napakalas lamang kami ng pumagitna sa amin si Ayiesha.  At halatang nagtataka...

Ayiesha:  "Bakit kayo umiiyak Ninang Ganda? ninang Jacky? "

   Malungkot nitong tanong..

   Yumuko si Ate karylle upang yakapin ang bata..

   Hinimas nito ang likod ni Ayiesha... Kaya naman natuon Sa nakakasilaw na singsing na suot-suot nya ang aking mga mata...

   Kumunot ang aking noo habang tinititigan ang kumikislap na bagay  na iyon...  At halos parang nabuhosan ako ng isang balde ng yelo dahil sa aking napagtanto na ang singsing na suot-suot nya ay sya ring kapareha ng singsing na suot-suot ni Vice kanina...

   Sya at si Vice?  Silang dalawa?  Mag-asawa?  Huhuhuh😭😭😭😭😭😭😭😭

Karylle:  "Jacky? "

Jacky :  "Hindi....  Bakit?  Hindi to Totoo...!!!  Bakit?  Huhuhuh😭😭😭"

    Gusto ko ng bumigay.  Nanlambot bigla ang mga tuhod ko...  Para na akong mahihilo!!!

Vice :  "Jacky? "  

    Biglang sumikip ang dibdib Ko..  At parang Hindi ko na kakayanin pa....

Karylle: "Jacky? "

   iiling-iling ako Habang pinapahiran ang luha saking mga mata..  

   Hanggang sa namalayan kong nasa labas na pala ako ng bahay nina Ate Anne...

VICE POV

Vice:  " Jacky........ "

    Ilang ulit kong binigkas ang kanyang pangalan.. Sinubokan kong pigilan sya ngunit mabilis na syang nakalayo..

Karylle:  "Vice? "

Vice:  "Kailangan naming mag-usap Love?"

   Tumango lang ang asawa ko..  Alam ko naman maiintindihan nya Kung bakit kinakailangan naming mag-usap ni Jacky....  

   Mabilis kong sinundan ang bawat yapak ni Jacky..

   Nadatnan Ko syang humahagulhol Sa kakaiyak... Mabigat ang mga paang naglalakad...

Vice :  "Jacky?  Mag-usap tayo please? "

Jacky :  "Para ano pa Vice?  Now I know!!"

Vice : "Let me explain? Please?  Huwag mo naman kaming husgahan agad oh? "

Jacky :  "At Bakit Hindi?  Bakit sya pa?  Bakit kapatid ko pa?!!!!"

To be continued... 

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now