264) LOVE THIS WAY 💕

125 0 0
                                    

Chapter Fifty-seven ( Page 264 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#Paghihiganti

Ion:  "Sa wakas..  Nagtagpo rin ulit ang landas nating dalawa😡"

    Napaatras si Vice dahil sa pagkabigla..  Agad nyang itinaas ang dalawang kamay sa ere..

Vice :  "Sino ka?  Anong kailangan mo? "

   Hindi mawari ni Vice Kung saan at Kung kailan nagtagpo ang landas nila ng lalaking nasa harap  nya ngayon.. Pero sigurado syang minsan na nya itong nakita..

Ion:  "Nandito ako para maningil!! 😡 kaya ngayon?  Gusto kong magbayad ka!! "

Vice :  "Anong pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan? "

Ion:  "Talaga?  Eh kung pasabogin ko muna itong buong bahay nyo kasama ang Asawa't anak mo at ng maalala mo lahat? "

     Itinuro sa pamamagitan ng baril ni Ion ang bombang nakadikit sa bahay nila Vice..

Vice:  "Hindi!!  Huwag!!! Ibibigay Ko sayo ang lahat!! Anong kailangan mo?  Pera?  Ari-arian?!!  Lahat!!!  Ibibigay ko!!  Huwag mo lang silang sasaktan!!"

  Pagmamakaawa ni Vice Kay Ion..

Ion:  "Buhay mo!!! 🔫  yan lang ang kailangan ko..  Ang buhay ng mortal na kaaway ng kapatid ko... "😡

Vice :  "kapatid ka ni Yam? "

Ion:  "Tumpak!!!  Ang galing !! So ngayon pwede na kitang patayin?! 😡"

Vice :  "Wala akong kasalanan sa inyo.    Kayo nga tong pilit ginugulo ang buhay ko..  Ang buhay namin ni Jacky!! "

Ion:  "Dahil madamot ka!!  Kaya lumaki ang gulo..  Kung pinaubaya mo nalang kasi sana sa kapatid Ko yang Jacky mo?!!  Eh Di sana walang buhay ang napapahamak!! At lalong eh Di sana buhay pa ang kapatid ko!! "

Vice :  "Tsk.  Demonyo ang kapatid mo...  Kaya dapat Lang sa kanya ang nangyari!! "

    Biglang pumutok ang Baril na hawak ni Ion.  Napaaray naman si Vice dahil ramdam nya ang pagdaplis ng bala sa kanyang braso bago tumama sa Pader. 

******************

   Napaiktad si Jacky matapos mailapag sa kona ang anak.  Dahil sa narinig nyang malakas na putok ng baril malapit sa kanilang bahay. 

Madc:  "Nagsimula na ang paniningil Jacky... 😏😡"

    Mas lalo lamang nadagdagan ang takot at pangamba sa puso ni Jacky ng makita sa bintana ang asawang si Vice..  Dugoan ang braso kausap ang lalaking may hawak ng baril..

Jacky :  "Tigilan nyo na kami!!!!! Parang awa nyo nahh...."  bulalas ni Jacky habang umiiyak..

Madc :  "Titigil Lang ang lahat ng to  Jacky kung Wala kana! At dahil gusto mong matigil na ang lahat ng 'to?  Pagbibigyan kita!!!  Papatayin kita!!! "

  Matapang na sinalubong ni Jacky ang pag-atake ni Madc..  Buong lakas syang nakipagbuno sa desperadang kaibigan..

Jacky :  "Hindi ikaw 'to Madc..?  Labanan mo!! "

Madc :  "Tumahimik ka!!! " Isang malakas na sampal ang natamo ni Jacky... Mas malakas si Madc sa kanya lalo na't medyo nahihilo pa sya dahil sa natamong sugat sa ulo kanina..

  Bumagsak si Jacky sa sahig habang nakaharap sa nag-iiyakan nyang kambal.  Agad syang dinaganan ni madc at ipinuwesto ang hawak na patalim sa kanyang leeg..



*************************

   Biglang nag-iba ang anyo ni Ion.. Tila sinapian at galit na galit... At kalaonan naging emosyonal..

Ion:  "Mabuting tao ang kapatid ko...!! Pinag-aral nya ako..lahat binigay nya sakin.. Alam Kong ikinahihiya nya ako  dahil anak Lang ako sa labas pero Hindi nya parin ako pinabayaan..  Kahit Naging sunod-sunoran ako sa Kanya.  At Nagmukha akong alila sa mata ng mga nakakakilala sa kanya.. Tinuring Ko parin syang kapatid.. Pamilya.. At kahit Hindi nya ako matawag-tawag na Kuya.? Hindi ako nawalan ng pag-asa na balang araw mapagbuklod kami bilang magkapatid!!!  Pero anong nangyari?!!!  Sinira nyo ang buhay ng kapatid Ko!!!  Pati mga pangarap ko para sa aming dalawa nasira dahil sa inyo ViceJack!!!!!! "

Vice :  "At anong gusto nyong gawin natin?!!  Ang sirain ang buhay nating lahat?!!  "      madamdaming pahayag ni Vice.   "Hindi Lang buhay ninyo ang nasira..  Kundi pati buhay Ko?! buhay  ni Jacky..  Buhay ng mga anak namin?!! Ilang buhay pa ba ang gusto nyong masira?! Ilang buhay pa ba ang kailangan mawala bago nyo gugustohing matapos ang lahat ng 'to!! "

Ion:  "Anong gusto mong maramdaman ko Viceral?  Kunsensya? " Hahahahahahaha 😂 😂 😂

    Tumawa ng malakas si Ion ngunit may mga luha sa mata. 

Ion:  "Simula ng mamatay ang kapatid ko.? Isinama Ko na lahat ng Awa sa hukay!!! " galit nitong bulyaw..

Vice :  "Magkapatid nga kayong dalawa.  Wala kayong pinagkaiba!!!  Mga hayop!!!! "😡😡

   Dahil tawa ng tawa si Ion..  Nakahanap ng pagkakataon si Vice upang sumugod.    Nauubosan na sya ng oras at ilang minuto na lamang ang natitira ay maari ng sumabog ang bahay nila.  Kailangan nyang mailigtas ang kanyang mag-Ina. 

To be continued

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now