216 ) LOVE THIS WAY 💕

337 7 0
                                    

Chapter Forty-six ( Page 216 )
Title: LOVE THIS WAY 💕
#MalingAkala

JACKY POV

     Kakarating lang namin sa Memorial Park... Ilang taon rin akong Hindi nakadalaw sa puntod ng anak ko.  May halong lungkot at pananabik ang nararamdaman ko habang ninamaneho ni Yam ang sasakyan papasok ng sementeryo...

    Kasama si Viack at ang Yaya Cecil nya ay naglakad kami sa gitna ng mga damuhan...

   Ngunit kahit ilang taon na akong Hindi nakapunta roon ay alam na alam ko parin ang kinaroroonan ng Baby Jr namin ni Vice.  Kahit medyo distansya ito sa pinaghintoan ng kotse namin ay mabilis parin naming narating ang puntod ng anak Ko...

Jacky:  "Hello Kuya Jr......?  Good morning anak ko....  Miss na miss ka ng mommy.... This is your little brother Viack.... "

    Masaya na may halong lungkot kong ipinakilala ang magkapatid..  Alam kong matagal na panahon ng nawala ang panganay kong anak pero Hindi ko parin maikubli ang pangungulila ko sa kanya...

    Ilang sandali rin kaming nanatili rito...  Kasama kong nakaupo sa damuhan si Yam... Pagkatapos ng kalahating oras na pagkukuwentuhan ay nakatulog na si Viack sa kandungan ko..  Marahil napagod ito sa palakad-lakad kasama si Yaya...

    Nagpresenta naman si Yam na kargahin ang bata pabalik ng kotse dahil mahimbing na ang tulog nito...

Jacky :  "Thank you huh? Mauna na muna kayo Yam..  Susunod na ako? "

Yam :  "Sige...  "

    Sa mga oras na yun parang ayaw kong iwan ang puntod ng anak Ko..  Hanggang ngayon nalulungkot parin kasi ako at nangungulila...

Jacky :  "Babye na anak? Mahal na Mahal kita...  "

    Hindi ko na napigilan pa ang mapaluha sa mga oras na yun...

   Napapikit ako dahil saking pagdadalamhati..

   Nang may bigla akong maramdamang isang malaking palad na humimas saking balikat...

    Alam kong si Yam ito... Kaya Hindi ako nagdalawang isip na sumubsob sa Kanya... 

   Nais kong mapagaan man lang kahit papanu ang aking kalooban...  At Hindi naman ako nagkamali.  Tila nakahanap ako ng ginhawa sa mga bisig nito..

   Ilang sandali rin akong nakasubsob lang sa kanyang dibdib nang may mapansin ako.. 

  Bakit parang nag-iba ang pabango ni Yam?  At bakit parang.......................  Pamilyar Sa akin ang nagmamay-ari ng pabangong naaamoy ko ngayon?

   Bigla akong napadilat ng mata...

At bahagyang inilayo ang aking katawan upang masilayan ang kanyang mukha.. 

    Laking gulat ko dahil Hindi ako nagkamali!!!  Si Vice nga!!!!!

Vice :  "OK ka Lang Jacky? "

Jacky :  "Ahmm...  I'm sorry?  Akala Ko kasi ikaw si......  ?"  

   Nahiya ako bigla...  Para akong matutunaw...  Ayuko ng ipagpatuloy pa ang sasabihin ko..  Baka kasi ano ang isipin nya..

Jacky :  "Sige Vice..  Mauna na ako......... "

Vice :  "Ahmmm..  Teka lang Jacky? "

   Para akong nakuryente ng bigla nya akong hawakan sa siko... Kaya agad akong umiwas...  Ayukong maramdaman ang mga  hawak at haplos na nagmumula sa kanya dahil masasaktan lang ako...

   Ayuko ng umasa pang may forever pa sa aming dalawa.. Lalo na't may asawa na sya...

Jacky: "Oh?  Bakit? "

Vice :  "Hindi mo man lang ba ako sasamahan kahit saglit man lang rito? Baka kasi gusto ng baby natin na kahit ngayon man lang makita nyang magkasama ang mommy at daddy nya?"

   Natigilan ako sa mga sinabi nya..  Kung ako lang mag-isa marahil pagbibigyan Ko sya. Kaso kasama Ko si Yam at lalong kasama Ko si Viack!!! 

   Baka pag nagkataon masabi ko na sa kanya ang totoo..  Pero paano ko nga ba sisimulan?. Paano Ko sasabihing may anak kami? Kinakabahan ako sa mga mangyayari kapag nagtagal pa ako rito...

Jacky : "Ahm.   Ano kasi Vice eh?  Ahm..  Ang totoo may sasabihin sana ako? Kaso Nagmamadali kasi ako eh...? Actually kanina pa kami dito..  Baka hinihintay na nila ako sa kotse..  Sorry huh?  "

Vice :  "Ganon ba?  May kasama  ka pala? "

Jacky: "Ahh Owo....  Sensya na huh? "

Yam: "Jacky!!!!! "

   Sabay kaming napalingon ni Vice ng tawagin ni Yam ang pangalan Ko...

   Ewan ko Kung Tama bang lumabas si Yam ng kotse upang tawagin ako para makaalis ako sa masikip na mundo namin ni Vice?
O Mali dahil nasasaktan akong isipin ni Vice na may namamagitan sa amin ni Yam kaya ko sya Kasama ngayon?

VICE POV

    Kumunot ang noo ko nang makita ko ang matagal ko ng kinamumuhiang tao noon paman!!!  Si Yam!!!  Ang epal na kapitbahay namin noon sa condo!!!

   Ang totoo...  Nainis akong malaman na magkasama sila ngayon ni Jacky!!!! 

   Dahil sa mga sari-saring tumatakbo Sa isip ko ay napakuyom ako saking kamao...

   Ito ba ang dahilan ni Jacky kaya sya umalis noon!!!! At paano nya nasabing mahal nya ako hanggang ngayon gayong magkahawak kamay silang umalis at iniwan akong mag-isa!!!!!

   Parang gusto kong magwala sa mga oras na yun habang pinagmamasdan ang papalayong kotse nila..

To be continued ....

  

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now