199) LOVE THIS WAY 💕

357 3 0
                                    

Chapter Thirty-nine ( Page 199 )
Title:  LOVE THIS WAY 💕
#HindiLangIkaw!!!!

    MAS LALO LAMANG NAGING MALAMIG ANG PAGSASAMA NG MAGKASINTAHANG VICE AT JACKY..

   Halos hindi na sila nagkikita at nagpapang-abot Sa condo.  Kapwa silang naging busy Sa kanilang kanya-kanyang trabaho at gawain.  Sinubsob ni Vice ang sarili nya sa opisina samantala ibinuhos naman ni Jacky ang buong atensyon nya sa pagpapalago ng kanilang negosyo.. 

  Paminsan-minsan ay kina Madc natutulog si Jacky habang si Vice naman ay napapadalas na inuumaga na umuuwi.. 

  Wala silang pakialamanan at wala ring reklamo anu man ang gustohin nila sa buong mag-hapon.

  Hanggang sa dumating ang isang gabi na muling nagtagpo ang kanilang mga landas sa tinutuloyan nilang Condo unit.. 

   Kakarating palang nun ni Vice habang sya naman sana ang pag-alis ni Jacky. 

Vice : "Kakarating lang ng asawa mo?  Aalis ka naman? "

Jacky :  "Hindi ka naman nag text na maaga kang uuwi ngayon?  Tsaka isa pa may mahalaga akong pupuntahan.. "

Vice : "lagi ka nalang may lakad ah?  Baka nakakalimotan mong obligasyon mong asikasohin ako? "

    Biglang pumanting ang taenga ni Jacky sa mga narinig mula rito.

Jacky :  "Huh? Obligasyon?  Meron pa ba tayo nyan Vice? "

Vice :  "Anu pang silbi ng may asawa ako?  Eh wala naman pala yun? "

Jacky : "Tsk.....  Himala?  At naiisip mo yan ngayon? "

Vice :  "Jacky pwede ba?  Huwag mo nga ipakita na ganun-ganun nalang kadali. Para sayo ang lahat?!!!! "

Jacky :  "At anung gusto mo?  Ang gumaya ako sayo?  Sabagay nga naman Vice..  Sa ngayon Hindi na tayo nagkakalayo.."

Vice :  "Anung ibig mong sabihin? "

    Kunot noo nitong tanong..

Jacky : "Kaya mo akong balewalain diba?  So sa palagay mo Hindi ko rin yun kaya? "

   Isang nagmamatigas na Jacky ang nasilayan ni Vice Sa mga pagkakataong ito.. Hindi nya lubos akalaing ito ang magiging bunga ng kanilang Labis na pagdurusa..

Vice :  "Alam mo?  Kung anung nakikita ko sayo?  Ang dali mong maka-move on kasi eh.. Sa pagkawala ng anak natin?!!  Sino ba ang mas nagluksa? Diba ako?! Kasalanan ko ba Kung Hindi ko kayang tanggapin na nawalan ako ng anak huh Jacky? Hindi ko yun ginusto!!! "

Jacky : "My God Vice!!!!!  Ilang buwan nang wala ang baby natin..  At talagang iniisip mong Hindi ko pinagluksa ang bagay yun?  Ako ang Ina ng bata na namatay sa sinapupunan ko!!! Pitong buwan kong inalagaan at pinaghirapan dalhin ang bigat saking tyan!! Kaya Kung nasaktan ka? Mas doble yung sakit na nararamdaman ko!!! Alam mo ba yun?!!! Mahal na Mahal ko ang anak natin Vice..

    Biglang bumuhos ang halo-halong emosyon Sa silid na iyon..  Mga emosyon at damdamin na Kay tagal nilang kinimkim sa kanilang mga puso..

Vice :  "Mahal?  Kung mahal mo sya?!  Hindi mo sya pinabayaan!!!  Dahil sa katigasan ng ulo mo kaya nawala ang baby!l natin!!! Hindi ka nakinig!!! Sarili mo lang inisip mo noon at Hindi ang nasa sinapupunan mo?!! "

Jacky : "How Dare You!!! Para sabihin mo Sa akin yan hah!!! Wala kang karapatan para isumbat sa akin ang pagkawala ng anak natin!!! Kung pwede ko lang ipalit ang buhay ko para lang mabuhay sya ginawa ko na matagal nah!!!!!"

Vice :  "Pero wala na ang baby natin Jacky!!!  Wala na sya. At kahit pa anung gawin natin Hindi na sya babalik!!! "

Jacky :  "OO VICE!!!!  TAMA KA!!!  Wala na ang anak natin... Kailan man ay Hindi ko na sya mabibigyan pa ng buhay.. Pero kahit masakiiiiitttt....  Unti-unti kong tinatanggap dahil ayukong Makulong Sa madilim na bahagi ng buhay ko.. Pero alam mo? Kahit gaanu ko pa kagustong kumawala Sa pagkakagapos ng tadhana sakin?  Hindi ko magawa dahil hinihila nya ako pabalik!! At alam mo ba Kung bakit? At Kung anu pa yong mas mahirap at masakit?  Ay yung makita na pati ikaw?  Unti-unti naring nawawala... "

    😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭😭

      Natahimik si Vice Sa mga narinig mula Kay Jacky..

   Ganito na ba talaga kalala ang estado ng relasyon nila ngayon??

Vice : "Hindi ko ginusto to Jacky..  Ibang mundo ang pinangarap ko para sa ating dalawa... Ibang -iba sa Kung anung meron tayo ngayon... "😭😭

   Napaupo si Vice Sa kama dahil sa nararamdamang panhihina..  Ganun din si Jacky..

    Halos bumaha na ng luha dahil sa mga emosyong pinakawalan nilang dalawa..

Jacky : "Hindi lang ikaw ang nawalan Vice.  Hindi lang ikaw ang umasa.  Hindi Lang Ikaw ang nasaktan. At lalong Hindi lang ikaw ang nahihirapan... "

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕 Book 2 #ViceJackWhere stories live. Discover now